Page 14

321 17 0
                                    

Chapter 6
(Elysse POV)

Kumaripas sa pagtakbo si Devi! Halos hindi namin siya masundan. "Devi! Can you please run a little slower?" Hinihingak na sabi ni Blaire habang tumatakbo. "Na si-stress ang ganda ko sayo eh!"

Biglang huminto si Devi saka lumingon sa amin. At dahil sa bilis ng aming takbo ni Blaire ay hindi naming nagawang mag break at napasalpok kami sa katawan ni Devi, dahilan ng aming pagkatumba sa basang putik.

"Ugh —" Tumayo agad si Devi saka pinagalitan ulit kami. "Ano ba kayo! Ang tatanga ninyo ha!"

"Gross!" Napangiwi naman si Blaire dahil mukha na siyang naligo ng putik. "I can't believe this is happening to me!"

"Yan kasi pasama sama ka pa!" Tinuro niya ito sa ulo, "Umalis ka na nga! Sagabal ka lang sa amin ni Elysse!"

"Huwag mo siyang paalisin!" Tinulungan kong tumayo si Blaire. "Dahil hindi ako sasama sa'yo kapag itataboy mo siya."

Devi gave me an annoyed face. "Oh siya, tumakbo kayo ng mabilis ah?"

"No — " Tonong pagmamakaawa ni Blaire.

"And why?" She stared at her.

"I have little legs? Hihi!"

Devi gave us that annoyed face again, "UGH!"

Habang tumatakbo sa gilid ng kalsada kahit ang lakas pa rin talaga ng ulan, may katawag si Devi sa cellphone niya. "Huy Devi! Basang basa na yang cellphone mo oh, hindi ba yan masisira?" Baka waterproof?

"Or di kaya, matamaan tayo ng kidlat sa ginagawa mo!" bulyaw ni Blaire.

Hindi nakinig si Devi sa amin bagkus ay patuloy lang siya sa kanyang ginagawa. "Keira, I got them! Oo! Sumama ang kaibigan niya! Saan ba tayo magkikita?" Sa wakas huminto na sa pagtatakbo si Devi at buti na lang nakabrake kami ng maayos ni Blaire! "Got it Keira." Pumara siya ng taxi.

Huminto ang taxi sa tapat namin at agad naman kaming pumasok. Sa harapan umupo si Devi samantalang nasa likuran naman kami ni Blaire. "Ang dumi-dumi niyo naman!" ani ng taxi driver.

"Are you guys alright?" tanong ni Devi. Tumango ako bilang sagot, ginaya naman ako ni Blaire.

Hindi ko pa rin naiintindihan si Devi. Bakit parang kinikilabutan ako sa mga kinikilos niya? "Ano ba talaga ang nangyayari? Naguguluhan na kasi kami."

"At saka sino ba ang humahabol sa atin? Mga hindi ordinaryo din ba?" Bigla kong sinapak si Blaire sa balikat dahil sa sinabi niya. Bakit niya yun sinabi?!

Lumingon si Devi sa kanya. "You do know something."

"So — something?" Tumingin bigla sa akin si Blaire at kinurapan ko naman siya ng ikalawang beses upang bawiin niya ang kanyang sinabi. "Eh wala! Haha! Wala yun sis! Sa kapapanood ko kasi ng hollywood movies ito eh!"

Humarap na ulit sa harapan si Devi. Blaire heaved out a sigh at napahawak siya sa kanyang dibdib. Tinagisan ko naman sa mata si Blaire.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang napakalaking lumang mansion. Nakakatakot itong tignan! Isama pa natin ang lightning effect! Juice ko lord! Na-iimagine ko na ang lahat na horror movies na kaya kong ma-imagine! Lumabas na kami mula sa taxi at napahawak naman ako kay Blaire. Ganoon din siya sa akin.

"Lets go in!" Tumakbo siya patungo doon sa mansion at sumunod naman kami.

#CBTSFatas

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon