Page 32

268 13 4
                                    

Chapter 12
(Elysse POV)

"Kaya mo bang tunawin ang bato at ibalik siya sa totoong anyo niya?" tanong ni Keira sa kanya.

     "Let me try." Blaire closes her eyes.

     Unti-unting natutunaw ang bato at saka muling nakakakilos si Veruska. Powtek! Bakit pa niya pinagbigyan si Keira!

      "Ibalik mo siya sa pagiging bato ulit!" Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na siya umaatake sa amin. Mukhang natauhan na siya dahil sa ginawa naming pag-torture sa kanya!

     Good girl na siya! "H–hindi pa ako tapos!" At biglang ganown! Bad girl pa rin pala!

     Naghanda kami ulit sa mangyayari nang bigla siyang mapasinghap ng hangin. Para siyang aso na nakakaamoy ng bomba! Anong ginagawa ng babaeng ito?

     "May isa pang fata na naririto." ulat nito.

     At saka ko naman naalala ang demonyita. "Andito kaya si Sophie?"

     Biglang may pumalakpak sa likuran namin kaya sabay kaming lahat na lumingon sa likuran upang makita kung sino ito.

     Isang matandang lalake.

     "Ang talas naman ng pang-amoy mo Veruska!" Pumapalakpak pa rin ito.

    "Who are you?" Seryosong tanong ni Keira.

     "Isa akong Augur." Napatingin kaming lahat sa isa't isa at nagbigay ng gulat na expression. "Ako ang inyong gabay."

     Kay Blaire naman siya tumingin. "At bilang gabay ninyo, hayaan niyong sabihin ko ito. Hindi mo na dapat pa hinayaang mabuhay ang babaeng 'yan."

      Hindi nakapagsalita si Blaire kaya si Devi ang sumalo sa kanya. "Ngunit tao din siya! Hindi naman kami mamamatay tao—"

     "Tao? Naririnig mo ba ang sarili mo?" Naglakad siya palapit sa amin, huminto siya ng sandali at naglakad ulit lampas sa amin at dumiretso malapit kay Veruska. "Baka nagkakatawang tao?"

     May isang maliit na botilya siyang kinuha mula sa sling bag niyang dala. Binuhos niya ang laman nito kay Veruska at kaya napatili ito ng sobra hanggang sa naging abo ito na para bang isang bampirang namatay sa silaw ng araw.

     Napapadyak ng konti si Blaire. "Bakit mo siya pinatay?!"

     Pinigilan ko naman si Blaire dahil mukhang tama naman si lolo! Mukhang hindi talaga isang tao si Veruska.

    "Ano pa ang mga nalalaman mo?" sabi ni Keira, "Can you let us know?"

      Matagal sumagot ang matanda hanggang sa ngumiti na lang ito. "Kaya nga ako nandito. Ako ang inyong gabay."


Nasa isang cafeteria kami kasi dito namin pag-uusapan ang tungkol sa mga nalalaman ni lolo Amos. Maliit lang naman ang customers dito kaya hindi masyadong maingay.

     "Iba na ang panahon ngayon. Maraming nagkalat na masasamang loob sa paligid natin. Mga nilalang na nag-anyong tao, kunwari nakikisama sila sa kanila, pero gusto nila silang saktan at lipulin upang higupin ang kanilang mga lakas at enerhiya para sa kanilang reyna. Sila ang mga Striga!"

     Fata, Lupus, Augur, at ngayon naman Striga! Jusko ano naman ang susunod?

     "Maraming Striga ang nakakalat sa lugar na ito sapagkat batid nilang dito tayo naglulungga. Tayong mga Fata." Teyka! Akala ko ba isa siyang Augur? "At kayo. Kayo ang naatasan na lumaban sa lahi ng mga Striga kaya nga hindi tinanggal ang inyong mga pambihirang lakas at majika ngayon, sa pangalawang buhay niyo. Dahil may misyon kayo!" Tama nga ang hinala ko! Na kaya ako may powers, dahil may mission ako!

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon