Page 4

504 25 4
                                    

Chapter 2
(Elysse POV)

Hindi ako makapaniwalang sa susunod na linggo na ang 18th birthday ko. Ang bilis nga naman talaga ng panahon! Masaya naman ako dahil sa wakas papayagan na akong magkaroon ng boyfriend nina mama, kahit wala naman talagang nanliligaw sa akin to be honest! Ngunit kasabay nito ay may konting takot kasi napapansin kong may mga bagay na nangyayari sa akin na hindi ko talaga ma-explain! Isa na dito ang mga napapanaginipan ko gabi-gabi. 'Sino ba talaga yung prinsesa at pinsipe na lagi kong napapanaginipan?'

Fourth day of school namin ngayon at napakarami na naming nagawang activities. Masaya ako dahil hindi na masyado nagtanim ng galit sa akin ang fandom ng mga bruha!

Nakikinig kami ngayon sa science teacher namin na si Professor Kelton na may kahawig kay Do Min Joon mula sa favorite Kdrama kong My Love From The Star.

      "Elysse! Tignan mo ang tiyan ni professor Kelton!" Napatingin naman ako sa may bandang tiyan ng professor namin at kitang kita ko sa mga mata ko ang bakat na bakat na abs niya sa sando niya! "six pack siya noh?!"

"Tumahimik ka nga!" Kahit naiinis ako kay Blaire, hindi ko pa rin napigilang ngumiti. Yung totoo, sa tingin ko halos teachers namin dito nagpapatukso sa amin. Formal ba sa isang teacher na magsuot lang ng masikip na sando habang nagtuturo?

     Matapos niyang mag discuss, umupo na siya sa kanyang upuan at kumuha ng red pen. "Pass your homeworks!" Agad tumayo si Blaire at naglakad patungo sa kanya upang magpacheck ng assignment―na kinopya niya rin sa akin!

     Matapos ang ilang sandali, bumalik na si Blaire sa kanyang upuan, sa gilid ko, at mukhang disappointed si madam! "Elysse, I shouldn't have copied your work!"

     Pinakita niya sa akin ang kanyang paper. Bagsak si Blaire! At hindi lang bagsak, "Itlog! Binigyan ako ng itlog ni professor! Buti sana kahit yung one na lang niya. Kesa sa itlog, diba?"

     "Hindi kita maintindihan — "

     "Hay nako, ikaw talagang bata ka ang inosente mo!" Lumapit siya sa tainga ko saka bumulong.

"Huy ikaw talaga kahit kailan ang naughty mo ha!"

"Diba, mas masarap sana kung one yung bini — "

"Ano ba — "

"Kesa sa zero! O mamili ka!" diniinan niya talaga sa salitang mamili, with matching naughty look pa. "One or zeero?"

"One!"

"See?" At napabuhakhak na lang siya na parang baliw.

     An hour later she leaned on my desk. Minamasdan niya ako habang nag do-drawing ako sa likod ng notebook ko. Isa sa mga hobby ko ang mag drawing ng kung anu-ano lalo na kapag wala akong magawa sa classroom.

     "Anong klaseng drawing 'yan?"

     "Grabe siya! Alam kong pambata 'tong drawing ko kaya huwag mo na mang awayin!" Porket magaling siya sa mga ganitong klaseng bagay, may gana na siyang humusga! "Na inspire ako sa mga paintings na nakita ko dun sa labas kaya ginagawa ko ito ngayon."

Nilapit niya ang mukha niya niya sa notebook ko upang pagmasdan ng maigi. "Okay so this one is the planet Earth," Tinuro niya ang maliit na planeta na ginuhit ko, "And this one is?" Tinuro niya naman yung malaking planeta na may isang malaking palasyo!

     "Hindi nga ako sigurado kung anong planeta to eh, kung Mars ba ito? Mercury? o Jupiter?"

     "Hello? Decision mo naman yan kahit ano pang pangalan ang ibigay sa planetang iyan kasi sayo naman ang drawing na ito! Tignan mo nga oh ang liit ng planeta parang marmol lang! Tapos may malaki pang palasyo," She finger snapped. "Ang lawak ng imagination mo sis!"

     "Grabe siya!" Sabay sarado ng notebook ko, "Ang weird lang kasi! Parati ko itong napapanaginipan kaya hindi ko na makalimutan ang hitsura."

"If ako ang tatanungin mo kung anong feeling ko diyan sa marmol na planetang iyan, ang unang nasagip sa isipan ko is yung Moon."

"Alam mo parehas tayo ng feeling! Pero kung halimbawa totoo ngang Moon itong parati kong napapanaginipan," Napatingin ulit ako sa mukha niya. "Bakit naman?"

      "Haha stop!" She laughed. "Are you serious?!"

"Of course I'm serious."

"Baka kasi parati mo itong tinitignan gabi-gabi?"

     Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa napapanaginipan ko. Matapos ko siyang kwentuhan, bahagyang napahawak siya sa kanyang ulo kasi medyo naguguluhan siya sa pagsasalita ko. Paano kasi, hindi ko naman masyadong naaalala yung mga napapanaginipan ko! At isa pa hindi ako good story teller!

     Pinaliwanag niya sa akin ang kanyang mga kaalaman tungkol doon. Maaaring hindi iyon isang karaniwang panaginip lamang. Maaaring iyon ay isang mensahe na kailangan kong intindihin!

     Nasa corridor kami ngayon ni Blaire, naglalakad. At dahil malapit na nga ang birthday namin, hindi nito naiwasan na pag-usapan ang tungkol dito.

     "Next week na yung birthday natin." Parehas kami ng araw ng kapanganakan ni Blaire. Palagi ngang sinasabi sa amin ni mama na destined to be best friends talaga kami.

     "Oo nga."

     Lumingon siya sa akin at nangunot ang kanyang noo. "Aren't you excited? We're gonna be eighteen na!" Napa-hooray siya sa saya!

     "Syempre, excited. Pero minsan hindi ko lang maiwasang mag-alala. Kagaya ng, ano kaya ang magiging future ko?"

     "Huhulaan kita!" Hinawakan niya ang kamay ko habang nakapikit ang mga mata. "Abracadabra — Ang liit ng iyong bra!"

     Binitaw ko agad ang aking kamay saka napatabon sa may bandang dibdib. "Grabe ka naman sis! Na co-conscious tuloy ako!" Hindi naman kasi talaga kalakihan tong dibdib ko, bakit ako magsusuot ng malaking bra? "Bakit mo naman nasabi yun eh hindi naman kita ah!"

"Hula nga diba! Hinulaan ko ang size ng bra mo — "

"Walang hiya ka talagang bestfriend!"

"Anyways, back to the topic! Anong gagawin mo sa debut mo?"

"Ayaw kong mag celebrate ng pinabongga! Simple lang ang handaan. Ikaw?"

     "Walang plano si mommy! Sagabal lang daw yun sa oras niya. Ang busy niya kasing tao, ni wala na nga siyang oras sa akin!" Naiiyak si Blaire ngunit halatang pilit niya itong pinipigilan. "Kilala mo naman ako diba? Noon ko pa lang pinangarap na magkaroon ng isang grand debut party para sa aking kaarawan kasi feeling ko nasa fairytale ako. May pera naman kami, ayaw niya lang talaga." Palihim ko siyang sinilip at may luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. Dali-dali niya naman itong pinunasan upang hindi ko mahalata.

     Five years na kaming mag best friends ni Blaire at ni minsan hindi talaga ako nagustuhan ng mother niya. Last year nga, inimbita niya ako sa kanyang bahay at hindi ako pinapasok ng guwardiya nila dahil sa utos ng kanyang evil mother!

#CBTSBestfriend

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon