Page 27

272 14 0
                                    

"Makinig ka Elysse! Iki-kwento namin sa iyo ang isang kwentong pinaniniwalaan naming konektado sa totoo nating pagkatao. Nabuhay tayo muli, Elysse." Kagimbal-gimbal ang kanyang sinabi! Ano ba 'to, reincarnation ganun?

     "What's with that face?" Ngunot-noong tanong ni Sophia.

     "Hindi ko kasi maintindihan —"

     "Kaya nga makinig ka! Patapusin mo muna si Keira sa pagsasalita!" Mahinhing sigaw ni Devi.

Napipressure ako sa kanila jusko! "O sige, fine! Makikinig na ako!"

     "Noong unang panahon, may isang planetang tinatawag nating Prasinus. Maliit ang planetang ito kung ikukumpara natin sa Earth. Mga Fatas naman ang tawag sa mga taong nakatira rito." Ow. Em. Ji! Mga fatas din kami so ibig bang sabihin doon din kami nanggaling? "Mga tao rin sila. Ngunit may mga pambihirang lakas at majika silang katangian. Sa isang palasyo na gawa sa esmeralda o emerald ang panahanan ng mga fatas na may nakakataas na katungkulan kagaya ng kanilang bukod-tanging prinsesa,  na siyang laging nakasuot ng berdeng damit dahil sumasagisag ang kulay nito sa kanilang planeta. Alagang-alaga ang prinsesang ito sapagkat siya ang susunod na tagapagmana ng trono. Pinagkalooban siya ng apat na magagaling na guardians, upang may magtanggol sa kanya kung sakali mang malagay siya sa kapahamakan." Hindi marunong gumamit ng magic ang princess?!Langyang kwento ito! Hindi lang man pinagbigyan ang bida!

     Si Devi naman ang sunod na nagsalaysay ng kwento. "Isang araw, pumunta ang prinsesa sa Earth kung saan niya natagpuan ang lalakeng nagpatibok ng puso niya sa unang pagkakataon. Ang prinsipe ng planetang Earth."

"May prinsipe ang planet Earth noon?"

"Noong isang kontinente pa lang ang ating mundo." Mabilis na sagot ni Keira.

"At hindi nagtagal, nagmahalan ang dalawa." Pagtatapos ni Devi.

     Si Sophia naman ang sumunod. "Okay so — what part were you na nga?" Powtek talagang babaeng ito oh! Ang ganda-ganda na ng moment ko habang nakikinig sa kwentuhan eh! "Okay so, they both teleported to Prasinus because the princess wanted to show her world. The end."

     Sinapak ni Devi si Sophia sa ulo talaga. "Ouch! How dare you!"

"Anong klaseng pagku-kwento yun Sophia? This is not a joke!"

Agad namang napahawak sa dibdib si Sophia dala ng kaartehan niya. "Oh, so you think I was joking?"

"Eh ano ba yun?"

"Hindi ko kabisado ang kwento! Pake mo?"

Habang nag-aaway ang dalawa, nabalin ang atensyon ko sa isang lalakeng nagbabasa ng libro sa di kalayuan kasama ang mga kaibigan niya. Nandito siya!

At mahilig palang magbasa ng libro si Seth!

Biglang nagkatagpo ang mga mata namin kaya agad kong binalik ang atensiyon ko sa kanilang tatlo. Lumakas ang kabog ng dibdib ko na parang hindi ako makahinga! Ibang klase kasi siya tumingin sa mga mata ko, yung parang may spark?

     Tinuloy ni Keira ang pagku-kwento. "Hindi na kami sigurado sa susunod na nangyari. Ang tanging alam lang namin, isang karimarimarim ang naganap sa planetang Prasinis. Isang trahedya ang nangyari at napaslang ang lahat ng mga fatas doon kasama ang mga guardians, ang prinsesa, pati narin ang reyna."

     Sumingit naman si Devi. "Ngunit bago binawian ng ng buhay ang reyna, ginamit nito ang pinakamalakas na brilyante na mayroon siya upang muli tayong buhayin o magkatawang-tao sa mundong ito, kung saan nanggaling ang mga kalabang umatake sa atin noon." Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko ngunit wala ng rason pa upang magduda sa kanila!

Tumingin ulit ako kay Seth ngunit seryoso na siyang nagbabasa ng libro. Ang sarap lang magpapansin eh! Tumingin ako agad sa kanilang tatlo at nilakasan ko ang boses ko upang mapansin niya ako! "Grabe naman pala yan!"

"Ms. Afable! Quiet!" Pinagalitan naman ako ng librarian kaya humingi ako ng pasensiya.

Nang tignan ko naman si Seth, nasa libro pa rin ang atensiyon niya!

Jusko! Ginawa ko talaga yun?!

"Here's my number!" May tinunol sa aking maliit na papel si Devi na may nakasulat na mga numero. "Tawagan mo ako, tapos i'll inform you kung saan ang VIP room namin."

"Sige, sige." Nakita kong sumimangot ang mukha ni Sophia ngunit hindi ko na lang pinansin yun.

Aalis na sana ako ngunit biglang hinawakan ni Keira 'tong kamay ko. "Elysse, protektahan mo si Blaire."

"Isa rin siyang fata, hindi ba?"

"Yes but—" Batay sa reaksyon ng mukha ni Keira, nag-aalala ito. "She might be the princess that we have been searching for."

Lumabas na ako sa library at nagulat ako nang may humawak bigla sa balikat ko mula sa likuran.

#CBTSTheStory

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon