Page 35

278 13 6
                                    

(Seth POV)

Successful ang naging gabi ngayon! Thanks to Elysse. She was just so real and natural! Hindi nga ako nagkamali na siya ang pinili ko and guess what? My parents seemed to like her. Especially dad.

"Ang lamig naman dito! Maawa ka naman sa GF mong maganda!" Angal nito habang pilit hinahanap ang adjuster ng temperature ng sasakyan,

Kasalukuyan kong hinahatid si Elysse sa kanilang bahay. Ang kulit din pala ng babaeng 'to! Hindi matahimik! "Ang dilim naman dito! Ay teka pwede ko bang tanggalin muna 'tong seatbelt kasi nawawala yung panyo ko eh!" Walang gana ko siyang tinanguan bilang sagot.

      Wala naman talaga akong planong ihatid siya sa kanila ngunit bigla niya lang akong kinurot sa gilid ko kanina dahil hinayaan ko daw siyang mag-taxi ng mag-isa. "Ano pa ang silbi ng pagkakaroon ng boyfriend ko?" Ika nito kanina.

      "Gusto mo hatid-sundo kita sa school?" Bigla kong sabi.

Napasilip ako ng konte sa kanya at nakita ko ang pamumula ng mga pisngi nito. Nahihiya siguro? "Hu—huwag na! Hmp! Ayaw ko namang sumakay dito sa kotse mo! Sobrang lamig!"

"Ang choosy pala ng jowa ko ah!" I looked at her and I couldn't help but laugh. "I can give you a warm hug."

Pinagmasdan ko ulit ang mukha nito at gulat na gulat ito sa sinabi ko. "I was just kidding! Eh?" Binawi ko naman agad ang sinabi ko.

      Napabuntong hininga ito ng malalim at saka nagsalita ulit! "Ayaw mo ba ng preskong hangin? Buksan na lang kaya natin 'tong mga bintana para makatipid ka sa gasoli—" Hindi pa siya natatapos sa pagsasalita niya ay agad ko ng binaba ang lahat ng mga bintana dito sa loob.

     At yun natahimik!

     "Ang tahimik naman!" When will she ever stop talking? "Play naman natin yung radio!" I immediately turned the radio on at hindi ako comfortable sa kantang naka-air ngayon.

     Ililipat ko na sana yung kanta ngunit sakto tinapik ni Elysse 'tong kamay ko! "So Close yan! Favorite ko yan!"

     "Whatever." Bagot kong sabi habang nakatuon ang atensyon sa daan.

     Minutes later, I started wondering why she was now in dead silence! I tried to take a glance at her and the moment I saw her, things turned out quickly into slow motion. It looked completely insane but ya it just did!

     Hinahaplos niya ang mga maninipis niyang braso at dahan-dahang nagliliparan ang mga buhok niya sa hangin. She was staring at the sky full of bright stars.

     And I couldn't just stop staring at her!

She blinked. Slowly. She smiled. Slowly. And I felt my jaw dropped at this moment. She just looks so beautiful!

"Ow di ba? Mas maganda pag presko ang hangin oh!" Itinaas niya ang kanyang mga kamay ng dahan-dahan. Anong nangyayari sa vision ko! Bakit ang lamyang kumilos ng lahat ng mga bagay na nakikita ko!

Biglang lumingon siya sa akin at nag-abot ang mga tinginan namin kaya agad akong umiwas at sa daan na tumingin. I swallowed a ton! At pagkatapos ay nagulantang na lang ako ng bigla kong narining ang tibok ng puso ko! "Huy! Huwag ka namang dedma!" Sobrang lakas! Nakakapanghina!

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon