Page 29

283 16 2
                                    

Chapter 11
(Elysse POV)

It's official—may boyfriend na nga ako! Sinagot ko na nga si Seth kagabi at kaya pupunta na ako sa bahay niya mamaya upang mamanhikan— ay este upang makilala ng mga magulang niya.

"Don't expect too much." Paalala naman ni Blaire. "Tandaan mo, pansamantala lang ito kaya wag kang umasa."

"Alam ko yun," Alam kong fake girlfriend lang naman ako!

At sa totoo lang, ayaw ko naman talaga! Hindi sa ayaw ko siya, ngunit ayaw ko yung idea na peke lang ako. Hindi pa nga ako nagkakaroon ng totoong boyfriend ever since!

     At saka mahirap tanggihan ang isang katulad ni Seth. Guwapo na nga, mabuti pa ang kalooban! And take note! Ilang beses niya na rin akong niligtas!

"Tapos dahil mag-jowa na nga kayo, wag mo na ngang sayangin yung pagkakataon! Grab the opportunity agad!"

     "Anong ibig mong sabihin?" Kutob kong hindi na naman maganda ang sasabihin nito!

     "Take advantage sa pagiging magjowa niyo! Ano ba ang ginagawa ng magjowa— mag halikan kayo sa labi saka mag—"

"Blaire!" Huwag niya lang talagang itutuloy ang sasabihin niya kung hindi, malilintek siya sa akin!

Nagtungo kami sa mall ni Blaire para makapag-shopping. Kailangan ko na rin kasing bumili ng bagong damit para sa okasyon mamaya. Kailangan kong magmukhang mayaman para hindi ko naman mapahiya si Seth sa mga magulang niya.

Nasa pangalawang lapag kami ng mall at napako naman ang tingin ni Blaire sa naglalakihang sale. "Fifty percent—omg may seventy percent discount doon!" Shopaholic talaga 'tong si Blaire!

Hinila niya ako sa kamay at lumapit sa may pinakamalaking discount. Sino ba naman kasi ang ayaw ng discount? Wala naman di ba! Kaya sige makipagsiksikan tayo!

"Ang dami na mang tao dito!" May social anxiety kaya ako!

Nagpunta kami sa hilera ng mga super discounted na mga damit. At puro branded pa ang mga ito!  "Talagang ganito kalaki ang sale nila ngayon?" Excited sa new year?

Ang bilis mag-pileup ng mga damit ni Blaire sa kanyang kamay. At pati balikat niya nilagyan niya na rin ng mga damit para hindi na maagaw ng ibang customers. Nakipag-agawan pa nga siya sa isang babae dahil pareho silang may gusto sa damit na 'yun!

     "This is mine!" Blaire gets what she wants!

Panay naman ang pagpili ko. Kahit ilang percent pa siguro ang ipapatong nila dito, hindi ko pa rin afford! Napatingin ako sa presyo ng isang pantalon, "Seven hundred pesos?" At may seventy percent discount na 'to ha!

"Nagtitipid ka na naman?" Biglang sabi ni Blaire sa likuran.

"Ang mahal pa rin kaya nito!" Lumingon ako sa kanya saka pinakita ko ang presyo ng pantalong gusto ko sanang bilhin.

"Para saan pa 'yung enggrandeng debut party mo kung kahit pambili ng pantalon, wala ka!"

Psh! If I know, may dayang nagaganap dito. Malay mo, dahan-dahan nilang tinataas yung presyo ng mga bagay na binibenta nila tapos pag dumating na yung sale day, babalik ulit sa original price o di kaya konti na lang yung discount!

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon