Page 18

339 16 3
                                    

"Kung hindi na lang kaya ako mag celebrate para pareho na tayo?" sabi ko kay Blaire habang naglalakad kaming dalawa sa loob ng ospital.

"Tutuluyan talaga kita kapag yan ginawa mo!" biro nito.

"Eh ayaw ko na man talagang magkaroon ng debut party diba? Mahihiya lang ako!"

"Just be happy that your parents are willing to give you that! Hindi katulad ko, ang yaman yaman na nga niya sa kata-trabaho —" She's referring to her mom, "She can never give me what I have always wanted naman."

"Sinabi mo na ba talaga sa mommy mo na gustong gusto mo talaga ito?"

"Oo naman Elysse!" Tumaas ang tono ng boses ni Blaire. "I told her how many times already pero ayaw niya talaga."

      Wala na akong masabi pa. Alam ko naman talaga kung gaano ka walang kwenta ang mommy ni Elysse! Inuuna pa niya ang sarili niya kesa sa anak niya! Anong klaseng ina yan?

May bigla akong naisip na paraan upang sumaya naman siya sa birthday niya. Kailangan ko itong pagplanuhan ng mabuti at kakailanganin ko ng tulong ng dalawang lalakeng kinaiinisan ko ngayon!



"ARAYYY!!!" Sigaw ng isang lalakeng may malaking atraso pa sa akin — si Van!

     "Ano bang ginawa namin sayo — aray!" Natatawang sigaw ni Tristan habang kinukurot ko sila!

     "Hindi ko pa rin kayo napapatawad dahil sa ginawa niyong panloloko sa amin! Pinag-alala niyo kami! Akala namin patay na kayo yun pala nagtatago lang kayo sa America!" Kinurot ko sila ulit sa mga gilid nila upang matauhan sila.

     "Ano ba! Nakakakiliti!" Tawang tawa naman 'tong si Van sa ginagawa ko sa kanya!

     Huminto na ako saka napa-pout, kunwaring nanlulumo pa rin sa kanila. Lumapit si Van sa akin saka kinuha niya ang kanyang handkerchief mula sa kanyang bulsa saka ito pinahid ng dahan dahan sa ulo ko. "Sorry na baby girl." Kinilig talaga ako sa ginawa niya!

     Lumapit naman ang isa pang guwapo, si Tristan, at niyakap ako mula sa likuran. "Sorry na Babba ko! Hindi naman na namin uulitin eh!" Bigla niyang kinagat ang tenga ko kaya't tinulak ko sila palayo, "Ano ba kayo! Hindi niyo ako madadaan diyan sa paglambing niyo sa akin! Alam niyo kung anong magagawa ninyo?"

     Nagtinginan silang dalawa saka tumingin sa akin. "What?"

     "Tulungan niyo akong mag-isip ng paraan upang sumaya si Blaire sa kaarawan niya! Su-surpresahin natin siya!" saad ko.

     "O sige game kami diyan!" ani Tristan. "Basta tulungan mo lang ako kay Blaire!" Nginitian ko lang siya bilang sagot.

     "Alam ko na!" Biglang sigaw ni Van na ikinagulat namin. "Ay — pasensiya na! Hehe! Makinig kayo sa akin. I have a brilliant idea!"



Napakasaya ko ngayong araw dahil nakakuha ako ng perfect score sa Science quiz namin. Natuwa din ako sa nakuha ni Blaire dahil dalawa lang yung mali niya! At hindi kami nagkopyahan!

"Yay! I passed, I passed!" Paulit ulit na sabi nito.

Natuwa din si professor Kelton sa amin dahil akala niyang mababagsak ulit kami ngunit ngayon ako ang nakakuha ng highest score at pangalawa naman si Blaire. "Maintain that girls! I'm so proud of you!"

"Double yay!" Kinurot ako ng napakasakit ni Blaire sa balikat ko. Kinilig siya sa sinabi ni prof! Crush na crush kasi talaga niya ito! "Sa wakas at natuwa sa akin si prof! Alam mo bang nag-aral talaga ako ng mabuti upang makakuha ng malaking grado sa quiz niya today!" Siyempre alam ko! Sabay kaming nag-study eh! Ito talagang si Blaire!

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon