Page 21

308 16 0
                                    

"Thank you — thank you so much for coming at my debut party! I'm really honored for having you here! And to papa and mama, thank you for giving me the best and most appreciated surprise of my life!" Bigla akong napahinto nang masulyapan ko si Seth na titig na titig sa akin! "I'm blessed by your love! And i love you all so much!" Nakatingin pa rin siya sa akin.

     Unti unti ng nababawasan ang mga bisita namin. Pagkain lang naman talaga ang habol nila sa okasyon nato! Ngunit marami pa rin namang mga tao kasi hindi pa naman ubos ang mga pagkain eh.

     Habang inoobserbahan ko sila, may nakita akong isang cute na batang chubby na pinapagalitan ng kanyang mommy. Kaibigan yata ni mama ang babaeng yun. Hindi ko na man naiwasan na makita si Blaire na malungkot. Siya lang ang mag-isang nakaupo ngayon sa lamesa niya kasi nakikipag-usap pa sina Van at Tristan sa mga tropa nila.

     Nilapitan ko ito, bitbit ang gown kong kay bigat. "Tell me, bakit ka nakasimangot?"

     "Nakasim―a–ako? Nakasimangot?" Sabay turo sa mukha niya. "Saan ba ang simangot dito?" Ngumiti siya ng malapad.

     "Bahala ka nga diyan, iiwan na kita."

     Tumalikod ako sa kanya at hindi naman ako nito natiis. "O sige na nga. Ikaw talaga! Ang kulit mo talaga!"

     Tumawa siya tapos sumeryoso ulit. Hindi nakapagsalita at medyo naluluha. Naaawa ako sa kanya at gusto ko siyang i-comfort pero hindi ko talaga alam kung paano. Blanko ang isipan ko. "Blaire, tungkol ba ito sa mommy mo?"

     "Oo," Diretso niyang sagot, nagtipon lahat ng luha sa kanyang mga mata. Pumikit siya ng sandali at bumagsak ang lahat ng ito. It was a heartbreaking scene to watch. Hindi nga ako tumingin kasi masasaktan lang din ako. "She never messaged me today. She never greeted me a happy birthday..."

     Niyakap ko siya ng napakahigpit. Ano bang magagawa ko? Ginawa ko naman ang lahat upang sumaya siya sa birthday niya ngunit hindi talaga kaya ng powers ko.

     Bigla namang umeksena si Tristan, "Blaire, are you okay?" Sinenyasan niya akong lumayo muna kasi kakausapin niya muna si Blaire. Lumayo naman ako saka nakatingin lang sa kanila sa malayo. Niyayakap niya ito.

      Nagulat ako ng may biglang humawak sa mga daliri ko, "Juice ko!" Isang napakacute na batang lalake! Yung pinagalitan ng mommy kanina! "Ang cute mo na mang bata ka!" Ang haba ng pilok nito at ang chubby ng cheeks kaya hindi ko napigilang kurutin ito.

     "Thank you po, miss ganda!" Napangiti naman ako sa sinabi niya.

     "Talaga? Maganda ako?"

     "Opo," Ngumiti ito at lumabas ang dimples nito. "Kayo po ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa po!" Hindi nagsisinungaling ang mga bata ha!

     "Magalang kang bata," Ngumiti ako sa kanya saka hinawakan ang kamay niyang kasing liit ng kamatis! "Sana hindi kumupas ang ugali mong yan ha! Huwag kang magpa-inpluwensiya sa mga kaibigan mo! Listen to your mommy, mommy knows best! Syempre pati na rin sa daddy mo."

     Nanlaki ang bilog niyang mga mata, "Wala na po akong daddy po!"

     "Ha? Bakit?"

     "Iniwan niya po ako kasi chubby daw po ako po." Teka! May bumara yata sa tenga ko!

      "Naku! Sino naman ang may sabi sayo niyan?"

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon