Alas siyete ng umaga.
Bumangon ka na.
Ayaw ko pa.
Babangon ka o malelate ka?
Ayaw.
Sige ka, hindi mo makikita si baby mo.
Oo na! Eto na babangon na!
Isang malamig na Lunes ang sumalubong sa akin. Ayaw ko pa talagang bumangon pero nang maisip ko na ihahatid ako sa sakayan ni Vin, nabuhayan ako. Aba syempre, ang sweet kaya nun! Kahit malate sya ng 10 minutes sa klase niya, basta maihatid niya lang ako sa bus station, solb na daw siya. Ayeheee keleg nemern ekeeerrr~>___<
Michi. Michiko Alesa Watanabe.
18 years old. MassComm student sa Unibersidad ng Pilipinas.
Isang certified weirdo at matakaw.
Girlfriend ni Vincent Catindig. Ang heartthrob/ MVP/ President ng Student Council ng Ateneo de Manila University.
Masayang masaya ako kasi halos perfect na si Vin. Matalino, mabait, magalang, masiyahin, nakakatawa, pogi, cute,gwapo, baliw, faithful kay Lord, sikat..Waaa! Lahat ng Maiisip mo na okay sa isang lalake nasa kanya na. Basta, he's really a good catch! Kaya napakaswerte ko at sa dinami-dami ng babae, ako ang niligawan niya. And eto nga, girlfriend-boyfriend na kami for 2 years..AND STILL COUNTING! Aba syempre, pangForever na ito eh! Hindi ko na ito pakakawalan uy!
After ko magprepare, bumaba na ako ng bahay. Ayan na siya, nakaupo sa may sofa namin at pirmi na nakangiti habang pinagmamasdan ang beauty ko! (Beauty talaga?!O___O ) Hindi ko nga alam kung makakahinga ako sa mga titig niya na ganyan, with matching killer smile pa na nagrereveal sa malalim niyang dimples sa magkabilang pisngi.
Hayyy sarap sa feeling! Umagang umaga ha! Anobayaaan!!
'' Goodmorning baby. Ready ka na?'' Syempre ready na ako! LET'S GET IT ON! Hahahaha! Oy mga utak niyo ha. Let's get it on sa Bus Station! Kahit kasi may kotse sya, mas feels ko na sumasakay sa bus. mAY thrill kasi. Saka mas sweet kaya pag hinahatid ka sa station at ikikiss sa cheeks. Tulad ng ginagawa niya araw-araw sa akin. Wooo! Kaya araw-araw over KV (KiligVibes) ako :">>>>
Hinatid niya ako sa Bus station at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Teka. Hindi naman siya ganito ha.
Ibang ang feels ng pagkahawak niya.
'' Michi.''
Iba rin ang tono ng pananalita niya. Anyare? Kanina lang ang cheerful niya!
'' Oh?'' Sabi ko habang nakangiti sa kanya.
'' I'm really sorry..''
''Huh? Why? What's wrong? Anong meron?'' Ano ba yan! Para yatang may mali! Yung feeling na parang nakamissed ka ng episode ng Got To Believe at lahat ng tao ganoon ang pinag-uusapan, nakakaOP kaya! Ganoon yung nararamdam ko ngayon!
'' It's not you, it's me..''
Teka lang. Pamilyar ang mga linyang yan ha.. Tell me this is a joke! WOW MALI ito eh!
''Let's break up.''
SABIHIN NIYONG HINDI ITO NANGYAYARI! HALLUCINATION LANG ITO!

BINABASA MO ANG
MR. UNPREDICTABLE
Novela JuvenilAno ang mangyayari sa ordinaryong buhay ni Michiko Watanabe kapag naging boyfriend niya ang master ng Frat na si Zackary Tan? Sundan sila sa kanilang mga adventures at misadventures papunta sa pag-ibig na walang hanggan!