[11] CHALLENGE ACCEPTED

953 27 0
                                    

''Nope. APO ako.'' Sabi niya.

Tumahimik ang bahay at dumiretso na lang kami sa dining table. Nginitian ako nina Kuya Haru habang umuupo sa pwesto ko. Napagdesisyunan naming na magkatabi kami ni Zack right ni Papa, para daw hindi daw mawawala sa tingin niya ang binata. Habang sina Kuya Haru naman katapat namin. Hindi naman awkward ang position pero feeling ko may tension sa mga kuya ko at kay Zack.

Anong meron?

'' Paabot ng chicken. Thanks'' Sabi ni Kuya Daisuki habang ngumunguya pa ng kanin. '' Ma, kakamiss mga luto mo ha.'' Dagdag pa niyo.

'' Si Michi nagluto niyan lahat. Hinanda niya yan para kay Zack'' Sabi ni Mama na halos namumula na sa kilig. '' Aren't they sao sweet, love?'' Sabay tingin niya kay Papa. Hinawakan lang ni Papa ang kamay niya at ngumiti.

''Goes to show our daughter is inlove.''

Palihim akong ngumiti habang nakayuko. Nang biglang bumulong si Zack sa kanan ko.

'' Hey, wag kang yumuko. Hindi ko makita ang kagandahan mo.'' It formed a smile on our lips. Hanggang ngayon parang nananaginip ako ha.

'' Bakit parang ang sama ng tingin sayo ni Kuya Haru?''

'' Wait til you see what he'll do.'' Umupo nang maayos si Zack at nangyari nga ang inaasahan niya.

'' Ma, Pa.''

''Ano yun Haru?''

'' Tau Gamma po ako.''

Napatigil ng pagkain sina Papa at Mama. Pati si Kuya Daisuki tumigil din. Tapos sumunod naman si Kuya Daisuki may sinabi din

''Pa, ako din po.'Magkafrat po kami ni Kuya''

Huminga nang malalim si Papa at ngumiti,

'' Huwag puro bulakbol ha. Wag niyo akong gayahin.''

Anong 'huwag niyo akong gayahin'? Do you mean Frat din si Papa?!

Hindi ko lubos na mapaniwalaan na ang mga lalakeng nasa pamamahayan namin ngayon ay puro frat men. Wew! Talk about SECURED AND PROTECTED! Grabe ha!  Over na ito ha! Hindi nga sana ako maniniwala hanggang sa pumasok sa kwarto si Papa at kinuha ang emblem niya ng Tau Gamma pati ang tattoo niya sa bandang braso. Pati si Kuya may ganoon din!  Utang na loob na yan! Di nga? Wew.

Tumingin ako kay Zack na kasalukyang ngiting ngiti. Hindi ko alam kung ano mayroon sa ngiti niya pero feels ko naman na safe ako kasama niya. Matapos ang pakitaan ng kung anek anek, nagsalita sina kuya at Papa,

'' Osige, okay lang sa akin ang boyfriend-girlfriend ha. Walang sakitan na mangyayari.'' Papa

'' Lagi kayong magmahalan.'' Mama

'' Kapag nalaman kong sinaktan mo si Michi, makakatikim ka sa akin,Tan'' Kuya Haru

'' Subukan mo lang paiyakin yang bunso namin. Tingnan natin kung saan ang tapang mo. Take care of her and love her, alright Zackary?'' Kuya Daisuki

Tumango siya sa kanila at tumingin sa akin.

''Challenge accepted.''

MR. UNPREDICTABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon