[17] CONFRONTATION

912 24 0
                                    

--- MICHI'S POV --

'' Magbihis ka na dyan. May pupuntahan tayo.'' Sabi ni Papa habang nakaupo ako sa kama at naglalaro ng console games kasama sina Kuya. '' Kayo rin Haru at Daisuki.''

''Ano pong meron? Hayyy! nasa level 30 na kami oh!'' Sabi ni Kuya Haru na kasalukuyang nakafocus pa rin sa game.

'' Pinatatawag tayo ni Mr. Tan.''

Tumigil kami sa paglalaro at tumingin kay Papa '' Anong meron? Bat naman pinapatawag atyong lahat? Family dinner? Kasal ba ng tagapagmana? o magpapatayn na?'' Sabi ni Kuya Daisuki. Namutla ako sa sinabi niya,alam kong nagbibiro lang si kuya pero iba ang impact sa akin. Kung kalian kinakalimutan ko na siya saka naman darating ang ganitong eksena.

'' Basta magbihis na kayo.''  Tumayo kami at nagsibihis na nung medyo badtrip na ang mukha ni Papa. Umuwi pa kasi siya galing work nung malaman niyang tinawagan siya ni Miss Kate at pinapatawag daw kami ni Tito Gil. Ano naman kaya ito? Hayyy!

Pagpasok namin sa Tan Group of Companies, sinamahan kami ni Miss Kate papuntang 10th floor at pinapasok sa CEO office.

Nandito pala siya.

Nagkatinginan kami at parang tumigil na ang mundo ko.

Siya lang ang nakikita ko. Lahat blurred.

''Bakit mo kami pinapunta dito Gil?'' Sabi ni Papa habang seryosong nakatingin sa papa ni Zack. Magkatabi sila ni Zack at halos parang magkasing edad lang.

'' I want you to know that my son is deeply inlove with your daughter.'' Nung sinabi yun ni Tito Gil, napatingin sa akin sina Mama, kuya Haru at kuya Daisuki. May bumuong ngiti na palihim sa aking mga labi. He still loves me. Pareho lang kami.

'' So? What's the point? Alam mo naman na hindi pwedeng mangyari yan, Gil.''

'' Will you please listen to the kids for once Eiji? Sila na ang involved dito hindi tayo.'' Lumapit si Titol Gil kay Papa. ''Alam yun ni Cecil. Pinakasalan mo siya kahit labag sa loob mo. Ayaw mo siyang mapahamak kaya kahit ayaw  mo sa kahihinatnan ng  relasyon niyo, pinakasalan mo pa rin siya. Mahal mo siya kaya ginawa mo yun even if you love someone else more !  Look at Michi and Zack..''

Tiningnan kami ni Papa

''Hahayaan mo bang hindi nila makuha ang gusto talaga nila? Hahayaan mo bang matulad sila sa atin na kahit iba ang minahal eh napilitan na lang sa iba dahil sa takot. Look at them,Eiji,. They are merely fighting for love and for their lives. Handa silang mamatay para lang maipaglaban ang nararamdaman nila sa isa't isa.'' Nung sinabi na yun ni Tito Gil, halos mag-unahan ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko na napigilan ang aking mga emosyon. Mahal ko si Zack, sobra. Ayaw kong mawala siya.

'' Tito Eiji, can't you see? I love her. Pinaparamdam ko po ito kay Michi at malinis po ang intensyon ko. Magkaaway man ang frat namin nina Daisuki at Haru at kahit magkaaway ang mga gang niyo, mahal ko pa rin siya. Totoo po iyon. Hindi dahil sa money and fame..'' Tiningnan lang ako ni Zack at pinunasan ang luha niya. '' .. ito ay dahil mahal ko siya. Yun lang po ang alam ko. mahal na mahal na mahal ko si Michiko...

''..at handa akong igive up ang lahat..pati ang buhay ko para sa kanya.''

Niyakap ko si Zack agad agad at hindi na siya pinakawalan.

''Pa, mahal na mahal ko po si Zack. Ayaw ko po mahiwalay sa kanya. Please po..'' Sabi ko habang umiiyak. Humarap ako sa kanilang lahat at huminga ng malalim, ''Ayaw ko na po pakawalan ang tulad ni Zack. Sinabi ko po sa sarili ko na kapag natagpuan ko na ang tulad niya, hindi ko na siya pakakawalan kahit anong mangyari. Kaya please, kahit o ganito ang sitwasyon nating lahat, hayaan niyo na po kaming magmahalan.''

Tiningnan ni Papa si Tito Gil at ngumiti.

'' That's what the kids want, let them be.'' Sabi ni Tito Gil habang nakikipagkamay kay Papa.

''I agree.''

MR. UNPREDICTABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon