Sikretong malupit na hindi mapupunit. May mai-rhyme lang~Hehehe. Pero di nga? Bakit sa lahat ng hindi pwedeng sabihin yun pa di ba? Sabagay, kung ako rin nasa Frat tapos sasabihin ko kayna Mama at Papa edi baka mahimatay yung dalawang yun. Sino ba naman kasing magulang ang hindi mag-aalala kung ganoon ang kinalalagyan ng kanilang anak,di ba? Wew. Kaya all I need to do is to keep calm and wag na wag na wag na HUWAG SASABIHIN ang maliit naming sikreto.
Kinagat ko ang dila ko ng kaunti para mapigilan ang pagkagulat ko. Pero mukhang nahalat ni Tita Cecil na may ikinagulat ako nung nakita niyang lumaki bahagya ang aking mga mata.
''Is everything all right, hija?''
Tumango ako at ngumiti. '' Eto po kasing si Zack nagjojoke eh. Hehe. Ikaw talaga Zack! Kumakain tayo oh!'' Hinampas ko bahagya si Zack sa braso at tumawa. Buti hindi nagmukhang fake ang tawa ko. Tiningnan lang niya ako at tumango.
''Sarap mo kasing biruin. May pagkapikon. Hahaha!'' Sabi niya habang isinusubo ang huling piraso ng chicken niya.
Pagkatapos naming kumain, nakipagbeso-beso na si Tita Cecil at Tito Gil sa akin. Magpeprepare na daw sila at mayroon daw silang meeting mamayang hapon. Naiwan nila kami sa sala na may hawak na tig-isang icecream cup at plastic na kutsara.
'' How did you find my parents? Gulat ka ba?'' Sabi ni Zack habang nakatingin pa rin sa Showtime.
'' Ang cool nila, I swear. Nakakatuwa kasi mukha silang nasa 20s lang. Ang bata nilang tingnan.'' Sabi ko
'' Ipinanganak ako ni Mama noong 18 years old siya.''
'' Ang aga noh? Bakit ganoon? Nabuntis?''
'' Nope. They were married when they were in highschool. Arranged marriage sila nina Lolo.''
'' Hindi ba labag sa kalooban nila yun? Hindi ba kapag arranged marriage, halos parang sapilitan lang ang lahat?''
'' They were childhood sweethearts. Magkababata sila. Then noong nag-highschool sila, naging mas close sila sa isa't isa. Nililigawan pa lang ni Papa si Mama noong nalaman nila na itinakda na silang ikasal nina Lolo.''
''Wow! So you mean, magboyfriend/mag-asawa sila eversince?''
Tumango si Zack at sumubo ng ice cream. '' Yep. They were the best of friends and they were the sweetest couple I ever saw. Wala pa akong nakikitang ganoong ka-sweet na lovers katulad ng pagka-sweet nina Mama at Papa...''
''Well, sina Mama at Papa ko ganoon din. Sila naman nagkakilala noong college pa lang. Naging exchange student kasi si Mama sa Japan, tapos yun naging kaklase niya si Papa. Nung nakauwi na si Mama sa Pilipinas, sinundan siya ni Papa. From then on, naging magboyfriend sila then nagpakasal na sila.'' Pag-eexplain ko
'' Bihira na lang ganoon noh?'' Tumingin sa akin si Zack at ngumiti '' Yung magmahal ng lubos at totoo.'' Bumuntong hininga siya at sumubo ng icecream sabay sabi ng,
'' Gusto ko maranasan ang ganoon. Ang umibig ng totoo at lubos. Ang mainlove nang walang katapusan at walang hadlang. Ang gawin ang lahat para lang maging akin siya forever.''
In that moment, all I ever did was to look at his face. There was hope and excitement in his eyes. Yung ngiti niya totoong totoo, no pretentions at all. From the way he eats his ice cream to the way he adjusts himself in the sofa while sitting, parang perfect lahat.
'' Ako din''
I knew, right in that moment while I wa ssitting in the sofa with him, that all the things that is clogging in my head is true.
I knew that I was falling in love with Zackary Matthew Tan.
BINABASA MO ANG
MR. UNPREDICTABLE
Teen FictionAno ang mangyayari sa ordinaryong buhay ni Michiko Watanabe kapag naging boyfriend niya ang master ng Frat na si Zackary Tan? Sundan sila sa kanilang mga adventures at misadventures papunta sa pag-ibig na walang hanggan!
