Binigyan niya kaagad ako ng Bazooka bubblegum at sinabing '' Akala ko sisigawan mo na naman ako. Hahaha!'' Kakaiba ang tawa niya. Napakagenuine. Hindi ka talaga maniniwala na master siya ng APO. Alam mo yung ganoon? Basta !Ang amo at ang bait ng mukha niya. Baka naman kasi pakitang tao niya lang yun. Masyado ka naming nagpapaniwala, Michi! Get hold of yourself! Kahit mabait siya, may natatago yang kasamaan.
Oh well, lahat naman tayo may bad side.
Pero iba naman kasi yung kay Zack. SUPERBAD side. Ewan ko ba! Ayaw ko naman siya ijudge ha, pero sa tingin ko ang mga lalakeng tulad niya na napapabilang sa frat parang ang sama-sama ng dating sa akin. Or maybe, badboys are really not my cup of tea. (Kuma-cup of tea pa atey?! Wew. Bigat! )
Pagkatapos ng Filipino namin , nauna na siyang lumabas ng room. '' See ya around Binibining Michiko.'' He flashed that smile again and ran towards APO office. Medyo nakahinga na ako ng maluwag sa pagkakaalam na talagang safe na ako.
'' Buti hindi siya natunaw kanina. '' Bulong sa akin ni Aya habang hawak hawak lahat ng libro niya. Oo na, tinitingnan ko si Zack kanina. Hindi naman kasi ako makapaniwala! Ikaw ba naman, makatabi mo siya di ba? Kaka...EWAN!
'' Tigilan mo nga ako Aya! Hayyy. Alam naman nating Frat boy yan.''
''So what? He's cute. Cute ba sya pag malapitan?''
''Oo!''
WHAT DID I JUST SAY?!
'' BILIS SUMAGOT HA. HAHAHAHAHA!'' Sabi niya habang tumatawa na nang malakas. Hinampas ko siya sa braso at tinakpan ang bibig.
'''Shhhhhh! Hayyyyy! Binibigla mo kasi ako babaita ka!''
''Ayiiiiee. Cute lang talaga siya eh noh? Aminin.''
''Geez,Aya. Para kang baliw.''
''Baka ikaw ang parang baliw. Kung makatitig ka kanina sa kanya sa klase, akala mo wala ng bukas. Ateyyy! Kalma lang. Makikita mo yan sa school araw-araw.'' Ngumiti na lang ako at inayos ang buhok ko habang naglalakad.
''Bahala ka nga. Gutom lang yan, tara kain tayo!'' pag-aaya ko sa kanya. Pero hindi pa ako nakakalayo sa building, sumulpot na naman si Zack, dala-dala ang backpack niya.
''Hey.''
Napalingon kaming magkakaibigan sa likuran namin. Shemays. Siya nga! Siniko pa ako ni Aya at ngumiti sabay sabi '' Ayiiie. Hinahabol siya.'' Binilisan ko ang paglalakad at pilit na hindi tumingin sa paligid. Alam kong nagbubulungan na yung nakakakita sa amin. Yung iba nakikita kong nanonood sa amin. Hayyyy Pokémon Guy! Ano ba! Tantanan mo ako!
'' Hey, wait. Bakit ka ba nagmamadali?'' Hinatak niya ang braso ko at ngumiti. '' Hindi naman ako nangangagat ha.''
''What do you want?''
Hinawakan niya ang batok niya at yumuko. Ilang Segundo lang ang lumipas at saka niya ako tiningnan ng seryoso.
'' Can I have a date with you? Please?''

BINABASA MO ANG
MR. UNPREDICTABLE
Teen FictionAno ang mangyayari sa ordinaryong buhay ni Michiko Watanabe kapag naging boyfriend niya ang master ng Frat na si Zackary Tan? Sundan sila sa kanilang mga adventures at misadventures papunta sa pag-ibig na walang hanggan!