Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ngang taga APO yung Pokémon Guy na yun. Di nga? EH bakit wala sa itsura nya? Ang amo ng mukha niya para maging leader ng isa sa pinakasikat na fraternity sa buong bansa. So dude, NO WAY! Nantitrip lang sila! Kunsabagay, mga kaklase ko pa lang namn pinagtatanong ko nun. Sabi nila totoo daw, bakit daw ayaw ko maniwala, pag nakita ko daw yung lalake ask ko daw kaagad. Sabi din nila mabait naman si Zack, yung name talaga ni Pokémon Guy. Hahahaha!
Wushuuu... as if naman magpapaniwala kaagad ako. Ilang beses na kaya nila akong ginawan ng pranks. Hindi ko na palalagpasin ang isang ito!
Habang naglalakad ako papunta sa next class ko , iniisip ko pa rin kung totoo nga kaya na leader yung Zack na yun. Oo na! Di na ako makaget over! Ikaw ba naman na walang kaclue- clue na siya yun di ba? Siya pala yung notorious APO master na nagpapahirap sa ibang estudyante na gusto mapabilang sa brotherhood na yun tapos..
*BLAGGGGG!*
Nagkalat ang mga libro ko sa corridor. Pinulot ko kaagad ang mga ito nang may makahawakan ako ng kamay sa Filipino book ko..
'' Oops, sorry. I didn't mean to.''
Pagtingin ko kung sino yung nagsalita..
OHMAYGOLLYWOWOWEEEEE!!!
SIYA NGA! SI ZACK!
''Pokémon Guy!'' Halos mapasigaw ako sa lakas ng pagkasabi ko nun! Ano ba naman yan Michi! Lagot ka na! Katapusan na ng buhay mo!
'' Excuse me? Pokémon Guy? Hahaha!'' Tumayo siya at pinagpag ang kamay niya sa jeans. ''I think I saw you at the cafe''
''Uh ehh.. Ahhh... Sige ha una na ako!'' Patay na talaga ako! O..O Wag kang lilingon Michi! Diretso lang ang lakad!
'' Hey! '' Sumunod siya sa paglalakad ko at inayos ang buhok niya. Huwaaa! Ang pogi pala niya pag malapitan eh! "Why are you avoiding me? Okay ka lang ba Miss?'' Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko naman kasi alam kung ano sasabihin ko. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang estudyante.
Paano ka naman hindi pagtitinginan kung kasabay mo sa paglalakad ang lalakeng tulad niya?! Wew.
'' Pasensya na, malelate na talaga ako.'' Tumakbo na ako palayo at pumasok kaagad sa room ko. Pag pasok ko, hingal na hingal pa ako. 15 minutes early ako, isa sa mga naabutan ko sa classroom si Olivia.
''Uy Michi! Anyare sayo? Pawis na pawis ka?!'' Sabi niya sa akin.
''Okay lang ako! Promise!'' sabi ko habang umuupo sa lugar ko.
Ilang minuto lang ang lumipas, may kumakalabit sa balikat ko. Hindi ko naman pinansin kasi akala ko si Aya lang. Bahala nga sya! Sarap sarap ng pagpapahinga ko. Pero hindi tumigil ang pangangalabit, napunta naman sa pagpindot ng braso.
'' Ano ba Aya''
Hindi pa rin tumigil sa pagpindot ng braso hanggang pisilin niya ang pisngi ko.
''AYA NAMAN EH!SARAP SARAP NG TULOG...HUWAAAA!'' Napatayo ako sa kinauupuan ko at tinuro si Zack. '' Bakit ka nandito? A-anong ginagawa m-mo dito?!''
Bahagya syang ngumiti at nag-peace sign sa akin.
'' Seatmate mo ako. Zackary Matthew Tan.'' He offered his hand to me and smiled widely.
Nanaginip ako di ba?!
Imposible! "Pa-paanong ka n-naming naging kaklase?'' Tumingin ako sa kanya at sa mga kaklase ko na kasalukuyang pinapanood kaming dalawa. Umupo siya ng maayos at pinakita ng schedule niya sa akin.
FILIPINO 118
RM 14
Ms.Catalina Meneses
''P-pero..''
'' Kukunin niya ang minor niya ngayong sem. Hindi niya kasi kinuha yun last year.'' Dagdag ni Ms. Meneses habang pumpasok sa classroom. '' Simulan na natin ang klase. Binibining Michiko Watanabe, umupo ka na dyan. Masyado ka yatang nagulat.'' Natawa yung iba kong kaklase habang binubuksan na ang kani-kanilang libro.
Habang nagdidiscuss na si Ms. Menses, napatingin ako kay Zack na kasalukuyang kumakain ng Bazooka bubblegum.
'' Uh..'' Tumingin siya sa akin at ngumiti.
'' Something's wrong Binibining Michiko?'' Ngumiti siya sa akin at itinukod ang isang braso sa armchair.
''May Bazooka ka pa?''
BINABASA MO ANG
MR. UNPREDICTABLE
Teen FictionAno ang mangyayari sa ordinaryong buhay ni Michiko Watanabe kapag naging boyfriend niya ang master ng Frat na si Zackary Tan? Sundan sila sa kanilang mga adventures at misadventures papunta sa pag-ibig na walang hanggan!