Never in my entire have I seen na may mga nag eexist pa palang mga COOL PARENTS. Cool naman ang parents ko, pero may mag ku-cool pa pala sa kanila! And those were Mr. and Mrs Tan. Grabe! Nasa 40s at 30s na pero rak na rak pa rin sa pagpeplaystation. Nakita ko pa nga may XBOX,Nintendo Wii at kung anu ano pang consoles na halos hindi ko na marecognize. Kumpleto nga yata sila sa console games eh! At yung mga games nila, according to Zack, ay puro updated sa technology. Ibig sabihin, kung ano yung latest game, mayroon na kaagad sila bago pa man irelease sa market.
Paano naging ganoon? Simple lang. May-ari ng multi-million gaming and food company sina Mr. Tan kaya naman madami silang connection on games. Kaya kung ano yung isa sa mga limited at prototypes, sa kanila napupunta. Yung ibang games nga, sa kanila muna pinapatry bago ilabas sa Gaming market eh. Ang cool, di ba? Whoa!
Pero bago ko pa man mahawakan ang mga consoles na yun, hinatak na ako ni Zack para kumain. '' Akala mo maiiwan ka ha. Tara na, iinterviewhin ka na nila''
What?! HINDI AKO PREPARED!!
-- DINING TABLE SCENE
Nakahain na ang pagkain and all we need to do is to make LAFANG AND LAMON! Teka.. synanymous lang yung dalawang words na yun di ba? Oh nevermind. Gutom na ako! Habang kumakain naman ako, panay tingin sa akin ni Mrs. Tan, sabi niya Tita Cecil na lang itawag ko sa kanya and sa dad naman ni Zack, Tito Gil. Naiilang tuloy ako kumain lal pa't napapatitig sa akin si Tita. Waaa! Poise,Michi! POIIISEEE!!
'' Nagustuhan mo ba luto ko?'' Tanong ni Tita Cecil dahilan para mapatigil ako sa pagkain.
'' Sobra po. Kayo po pala nagluto nito, Sarap po, Mrs. Tan'' Sabi ko habang ngumunguya pa. Ano ba yan, where are my manners?!
'' Hahaha! Mabuti naman. Kanina ko pa sinasabi sayo na Tita Cecil na lang di ba? Mga business partners lang namin at empleyado tumatawag sa amin ng Mr. and Mrs. Tan'' Sabi niya. Gumuhit ang ngiti sa mga labi namin at tumango ako.
'' Hija, matanong ko lang, anong trabaho ng mga magulang mo?'' Sabi ni Tito Gil
'' Yung Nanay ko po housewife, pero may business po kami ng mga homemade na cookies at cakes. Parang bakery na rin po. Yung Tatay ko naman po tinutulungan ang lolo ko sa Mercedes Benz.'' Sagot ko. Nanlaki ang mga mata ni Tito Gil at napangiti.
'' Si Eiji Watanabe ba ang sinasabi mo, hija? He's your dad?'' Tumango ako sa tanong ni Tito.'' Ayos ha. Kaya pala nung nakita kita may kahawig ka. Tatay mo pala siya. What a coincidence. I always go to Mercedes Benz para ipaupdate ang company cars ko.''
Huwaaaaaawwww! Relate na relate kami ni Zack! Saya!
'' Ano namang course kinukuha mo hija?'' Tanong ni Tita
'' AB Mass Communications in Journalism po sa UP.''
'' UP ka din pala. Di ba sa Pol Sci ka?'' Tita Cecil. Tumango naman si Zack. Nanlaki ang mata ko ang marealize na hindi ako nananaginip. Matalino pala tawalaga itong Pokemon Guy na ito. Matalino na nga, mabait pa. Tapos master pa ng Frat tapos.. Teka!
Alam kaya ng mga magulang niya na Frat master siya? O..O
''Alam ba nila na frat ka?'' Binulong ko sa kanya habang kumakain ng chicken. Ngumiti lang siya at hinarang ang daliri niya sa labi ko.
'' Shhhh. That's our little secret,babe.''
![](https://img.wattpad.com/cover/12064350-288-k374690.jpg)
BINABASA MO ANG
MR. UNPREDICTABLE
Teen FictionAno ang mangyayari sa ordinaryong buhay ni Michiko Watanabe kapag naging boyfriend niya ang master ng Frat na si Zackary Tan? Sundan sila sa kanilang mga adventures at misadventures papunta sa pag-ibig na walang hanggan!