20 YEARS LATER..
'' Huwaaaaa! What a happy happy super happy daaaaay!!'' Sabi ni Zoey,16, habang papunta sa dining table. ''Ang saya saya ko! Huwaaaa!''
'' Pshhh. Ano na man yang kaartehang iyan Zoey?'' Sabi ni Hiro,22, habang kumakain nakaupo at nagpi-PSP.
'' Eh kasi Kuya... Huwaaaaa! Gasssshhh!!'' Pumalumbaba si Zoey habang nakatingin sa akin habang nakangiti at namumula '' Mama, ang pogi talaga niya! Gasssh! I just can't believe it! Nilapitan niya ako sa corridor habang hinihintay ko sina Paula. Tapos.. tapos...EKKKKK! GAAAAAAAAAAAAAWWWWD! GRABE!''
''Ano ba Zoey! Tone down your voice. Sheeez.'' Sabi naman ni Lance,19, na papaupo pa lang sa dining table. '' Please, bigyan mo kami ng katahimikan. At sino ba yang mukhang tukmol na yan?''
''TUKMOL?! HOW DARE YOU CALL HIM TUKMOL! HIS NAME IS FREDERICK TERRENCE POLICARPIO! AND HE IS...''
''Saan mo naman nakilala yang tukmol na yan?'' Lance
''HE IS NOT TUKMOL NGA EH! GRRRRR! sa school. Kaschoolmate ko siya! ibang section nga lang pero nonetheless, lagi kaming nagkikita sa school at crush na crush na crush ko sya! Waaa!''
''Hindi halata, Zoey. Sapakin ko pa yun eh.'' Hiro '' Siguraduhin mong di ka paiiyakin ng lalakeng yan. Yari yan sa akin.'' Tumingin siya kay Zoey at tinaasan ng kilay. '' Naiintindihan mo ba?''
Ngumiti si Zoey at tumango. '' Meaning you'll agree if sagutin ko na siya? Hahaha! Now na? Waa!''
''Hep hep. Anong sagutin ko na siya ang sinasabi mo. Ipakilala mo sa amin yan.'' Hinawakan ni Zack ang balikat ko at kiniss ako sa pisngi. '' Hi, Babe.''
'' Oh yang si Zoey, kwinekwento na naman yung kilig moments niya kasama nung anak ni Brix'' Sabi ko sa kanya tapos tumingin kay Zoey. '' Papayag ka daw bang magkaboyfriend na ang bunso natin?''
''Please Daddy! Pleaaaaasseee!! I REALLY LIKE HIM! HE'S..... HE'S....WAAA! BASTA! I REALLY LIKE HIM! PLEASE SAY YES!''
Umupo si Zack sa gitna at tumingin kay Zoey. '' He's what,baby?''
'' He's nice, sweet, funny.. and he comes from a great family. Saka halos matagal na kaming magkakilala ni Erick. Tapos magkaibigan pa kayo ni Tito Brix.
Medyo malaaway siya at suplado pero I really like him.
Minsan he'll make suplado to me but on the other hand, he becomes so sweet and romantic.
Basta!
One word to describe him? HE'S UNPREDICTABLE!
So please,Daddy? Mommy? Pleaaaase?''
Nagkatinginan kami ni Zack at naghawakan ng kamay.
Tiningnan namin ang mga anak namin. Lumaki silang mabubuting tao. Mga hindi naligaw ng landas. What would we ask for? We're happy and inlove. Ayokong mahantong ang lahat sa pagkakamali at pagsisisi. They're young, yes that's given, but don't they deserve to love and to be loved?
I smiled at him and whispered, '' Let her be,Zackary. She's a tough girl.''
And from the look on their smiles and laughs, I know that this life is really wonderful.
Tama ang desisyon ko na ipaglaban ang pagmamahalan namin.
Every fairytale really deserves a happy ending.
--THE END--
[author's note:]
I really love happy endings! thank you sa mga nagbasa at nainlove. :"> ito po ang aking entry para sa nalalapit na valentine's day. Wooooo! Sana po at patuloy natin ipaglaban ang pagmamahal na nararamdaman natin sa taong importante sa atin. Wag po tayong matakot magmahal at masaktan, natural lang yan. Every story has its twists and turns but nevertheless, in the end may matutunan po tayo. It may be a tragedy, but atleast you learned something from it. Sana wag tayong magsawa iparamdam ang pagmamahal sa pamilya man yan o sa mga kaibigan o sa 'kay special someone. Let us all spread the love!
(c) LaraPulumbarit

BINABASA MO ANG
MR. UNPREDICTABLE
Teen FictionAno ang mangyayari sa ordinaryong buhay ni Michiko Watanabe kapag naging boyfriend niya ang master ng Frat na si Zackary Tan? Sundan sila sa kanilang mga adventures at misadventures papunta sa pag-ibig na walang hanggan!