Pumasok ako sa school nang may wasak na puso at puno ng hinagpis.
Ganoon na lang ba kadali sa kanya yun?
Lahat naman binigay ko ha..well hind pa pala lahat, pero yung love, patience,trust,respect at lahat na ng kailangan sa isang perfect and happy relationship ibinigay ko sa kanya! Ano pa ba ang kulang? Saan ba ako nagkulang? Waaaa! Bakit ako pa? Ang dami-dami diyang mga magbf.gf na hindi faithful sa isa't isa, yung mga lagging nag-aaway at nagkakamisunderstanding.. Bakit kami pa ni Vin? Ang unfair naman oh! Kung sino pa ang talagang nagmamahalan, yun pa nagkakahiwalay.
Pero come to think of it, if he loves me then why would he break up with me that easily?
Baka naman naguguluhan lang siya o badmood lang sya kaya ako yung napagbuntunan nya ng badvibes nya?(so kailangan isinasali niya ako sa pagkaBV nya?! Nakngtinapa naman -____-'' )
'' Hindi pa Biyernes Santo, Michi. Umayos ka dyan.'' Sabi ng ka-groupmate ko sa English class/ kabarkada.. si Aya Politas.
Kumawala ako ng buntonghininga at isinubsob ang mukha ko sa upuan. '' Break na kami ni Vin.''
''Alam mo kasi..WHAT?! PAKI-ULIT NGA!''
'' BREAK NA KAMI NI VIN! HUHUUHUHUHUHU~HUWAAA!'' Napatigil ang buong klase sa pagkasigaw ko. Feels na feels nila ang paghihinagpis ko, I know! '' BAKIT GANOON?! BAKIT...''
''MISS WATANABE! YOU DON'T NEED TO DECLARE THAT YOU BROKE UP WITH YOUR BOYFRIEND. Umagang umaga ha! Hala! Tapusin niyo na yang project niyo, in ten minutes ipasa niyo na!'' Sabat ng prof kong nuknukan ng sungit. Dyahe! Matandang dalaga kasi kaya parang laging nasa PMS >< Tumango na lang ako at pinigilan humagulgol. Why can't you even understand me Ma'am? Ang sakit kaya!
After ng dismissal sa English dumiretso na kami sa isa pa naming klase. Pinauwi naman kami kaagad ng prof dahil may general meeting daw ang department nila. Ikwinento ko kay Aya ang mga nangyari kanina sa amin ni Vin kaninang umaga. Pinipigilan kong mag eskandalo sa pag-iyak ulit. Hirap palang pigilan ang sakit at luha! Hirap te, I swear!
'' Grabe naman siya. Ganoon na lang ang break up? Walang paliwanagan? Ano kaya meron sa Vin na yun?'' Aya
'' Baka sawa na siya sa akin. Baka I'm not good enough. Baka...Hayyyy. Huhuhu''
'' Sows! Maganda ka at mabait ka. No one should treat you the way he treated you kanina, Michi. Wag mong isadlak sa lupa sarili mo.'' Aya
Habang nag-uusap kami sa gilid ng oval, may biglang sumagip sa mata ko. Kilala ko yun!
Shemays!
May kahawakan pa ng kamay! Mukhang sweet pang nag-uusap
Siningkitan ko pa ang mata ko at hinila na si Aya sa papalapit sa couple na nakita ko.
'' Si Vin at..IS THAT CAMILLE?!''
yeah right.
Si Camille Dela Rosa nga! Ang Pambansang Palengkera!

BINABASA MO ANG
MR. UNPREDICTABLE
Teen FictionAno ang mangyayari sa ordinaryong buhay ni Michiko Watanabe kapag naging boyfriend niya ang master ng Frat na si Zackary Tan? Sundan sila sa kanilang mga adventures at misadventures papunta sa pag-ibig na walang hanggan!