[4] Pokemon Guy & Friends

1.2K 33 0
                                    

Napaangat din ng ulo si Aya nung narinig niya si Pokeman Guy na nagsalita.May iba pa siyang ka-Pokémon. Mga mukhang mababait naman. Yung 2 doon mukhang hoodlums, mukhang hindi pagkakatiwalaan ang pagmumukha. (Ano ba yan ang harsh ko! >< )

''Sino sila?'' Sabi ko kay Aya na kasalukuyang nakatingin sa mga lalake.

''Malay ko ba. Hindi ko Makita yung ID lace eh.'' Paano ba naman kasi makikita eh yung iba nakasipit lang sa bag ang ID, yung iba naman natatakpan ng strap ng guitar case. Yung si Pokémon Guy naman katatanggal lang ng ID habang nakikipag-usap. Lumapit sila sa counter at nakipag-brofist kay Joms saka sinabi ang order nila.

'' Joms, isa ngang Triple Chocolate Cake dyan. Take out na lang namin. Salamat pre.'' Sabi ni Pokémon Guy. Inihanda naman ni Joms ang cake box at inilagay ang cake nila saka ni-ribbon at inabot na sa kanila. Binayaran nung mukhang hoodlum ang cake at sinabi, ''Magugustuhan kaya ito ni Zoom?''

''Oo yan! Paborito niya yan!'' Sabi ni Hoodlum #2

''Sure ka ha? Babangasan kita pag tinapon na naman niya ito! Pangalawang cake na ito pre,ubos na 1k ko! Maawa kayo sa akin!'' Hoodlum #1

'' Oo yan! Tiwala lang! Ikaw kasi mambababae ka na lang, dun pa sa lugar na mahuhuli ka! Hahahaha!'' Hoodlum #2

'' Heh! Sige pagdiinan mo pa! Pshhh.'' Hoodlum #1

''Ano na? Tara na?'' Pokémon Guy ''Sige Joms, salamat! See ya pre!'' Kumaway siya kay Joms at lumabas na sila sa café.

Takte na yan!

Bakit ang lakas ng impact nya sa akin kahit kumakaway lang siya?!

Sino ba yun?!

Bago kami umalis sa Cafe, tinanong na ni Aya kung sino si Pokémon Guy & Friends, '' Uy Joms. Sino yung mga umorder ng Triple Chocolate Cake?''

''Crush mo noh? Hahaha!'' Joms

'' Tse! Ano nga?'' Aya

Lumapit sa amin si Joms at binulong..

'' Hindi niyo sila kilala? Seriously? Yung dalawang hoodlum si Brix at Atom. Yung tatlong mukhang mababaet sina Eli, Yul at Berting...''

''Eh yung nagtanggal ng ID?'' Aya

''Seryoso ba talaga kayo di niyo sila kilala?'' Gulat na gulat na tanong sa amin ni Joms. Umiling kami. ''Yung nagtanggal ng ID, si Zack yun..

leader ng APO.''

''APO as in Alpha Phi Omega?! Oh come on. Imbento mo, Joms!'' Sabi ni Aya habang umiiling.

'' Oo nga. Hindi lang halata kasi mukhang good boy di ba? Mabait naman talaga yun, wag lang gagalitin.'' Joms

10%...

35%....

70 %....

BUFFERING....

LEADER YUN NG FRAT?! NO WAY!

MR. UNPREDICTABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon