Agad akong pumunta sa meeting ni Papa sa Tan Group of Companies. Kasalukuyan siyang may meeting pero wala akong pakialaman kung makasagabal man ako sa kanya o hindi. Mabilis akong pumasok sa building at dumiretso sa elevator. Nakatingin sa akin lahat ng empleyado at bumati ng 'Good afternoon Sir Zack.' Tinanguan ko lang sila at nginitian. Pagtunog ng 10th floor, agad akong lumabas sa elevator at pumasok sa opisina kung saan may meeting.
'' Good afternoon po Sir Zack. May meeting po si Boss. Bawal daw po ang..Teka po Sir!'' Hinahatak ako pabalik ni Miss Kate, secretary ni Papa.
''Bitawan mo ko, please. Kailangan kong makausap si Papa. Importante ito Miss Kate.'' Sabi ko habang nakatingin sa kanya. '' Parang awa mo na.''
'' Pero Sir, hindi daw po talaga pwede. Strict orders po iyon ni Boss eh.. Teka po!'' Hindi ko na pinakinggan si Miss Kate at agad na binuksan ang pinto sa CEO office. Nakita ko ang 14 na iba pang members ng Mafia. Lahat sila naka-balack na coat and tie. Lahat sila namumukhaan at kilala ko. Sila yung mga 'business partners'ni Papa na sinasabi niya kapag dinadalaw kami sa bahay.
'' Ang laki na ng anak mo', Gil ha.'" Bati sa akin ng isang matanda. '' Siya ba ang tagapagmana?''
''Anong ginagawa mo dito? Strict orders na..'' Binitawan ko ang paghawak niya sa braso ko.
''Wala akong pakialam! All my life,sinunod kita Pa! Hindi ba pwedeng pagbigyan mo ako this time?'' Sabi ko sa kanya habang magkatapat kami.
''Is this about Miss Watanabe again?!'' Papa
"I love her,Pa! Ayokong mawala siya ng ganoon na lang. Wag mo naman kaming parusahan ng ganito. Mahal naming ni Michi ang isa't isa, I just can't..''
'' So you want her to die?''
Muling nawala ang tibok ng puso ko pero nilabanan ko ang takot na ito. '' Hindi ko hahayaang mamatay na lang siya! Mahal ko siya! For once, please listen to me Pa!'' Natahimik ang buong opisina. Pati yung mga empleyado namin, nakisilip sa pinagmi-meetingan nina Papa. Sa sobrang lakas ng boses ko halos mabingi na yung mga taga Mafia. ''PLEASE PA. LET ME LOVE HER!''
Namuo ang tension at katahimikan sa buong opisina. Umiiling si Papa.
Tiningnan niya ang iba pang members at parang nangungusap ang kanilang mga mata. Anong ibig sabihin nito?
''Please answer me!''
Pinapasok niya si Miss Kate sa meeting place at sinabi,
...
..
...
'' Tawagan mo si Mister and Mrs. Watanabe at si Cecil. Papuntahin dito si Michi. May pag-uusapan kami.''
BINABASA MO ANG
MR. UNPREDICTABLE
Novela JuvenilAno ang mangyayari sa ordinaryong buhay ni Michiko Watanabe kapag naging boyfriend niya ang master ng Frat na si Zackary Tan? Sundan sila sa kanilang mga adventures at misadventures papunta sa pag-ibig na walang hanggan!