[3] POKEMON!

1.2K 30 0
                                    

Hindi ako nagkakamali. Si Camille Dela Rosa nga yun! Takte na yan! Aagawan pa ako ng jowa! Kaya naman pala nakipagbreak sa akin si Vin just to prove na kaya niyang GAWIN ANG LAHAT para sa babaeng ito.

Excuse me! Tatahi-tahimik lang ako, pero palaban ito!

Hinatak ako ni Aya sa braso at pinigilan na sumugod sa lovebirds '' Maghunusdili ka nga Michi! Nasa public place tayo!''

''Wala akong pake! Takte na yan! Bakit yang Camille pa na yan ipagpapalit sa akin! Waaaa!'' Naglakad ako ng mabilis sa likuran nila at kinalabit si Camille. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Yung ngiti na nakakaasar! Sarap jombagin!

'" Well,well,well.. Look who's here na humahabol BABY'' At talaga inemphasize niya ang Baby part just enough for some students to look at us while they're walking sa pathway ng oval.

'' Explain this to me Vincent!'' Sabi ko kay Vin habang nakatingin sa kanya at nakayukom ang kamao. Pigilan niyo ko!! Pero wala akong narinig na explanation galing sa kanya, tumingin lang siya sa may Law building. Kunware walang naririnig. ''Ano ba Vincent!'' Hinatak ko ang braso niya pero hinampas ni Camille at kumapit na parang ahas sa ex ko.

'' Excuse me, boyfriend ko yang hinahawakan mo.'' Camille '' So if you may excuse us, we will go na. Wala kang makukuhang explanation sa amin ni Vincent. Okay?'' Pinandilatan niya ako at lumapit pa lalo sa mukha ko. '' Akin siya noon pa man. Pinagbigyan lang kita, Michi.''

Pero bago pa man sila makalayo sa akin, lumingon na naman sa akin si Camille at ngumiti '' Oh by the way, THIRD ANNIVERSARY na naming ngayon.So, that's it. Gusto ko lang malaman mo yun. Hahaha!'' Then off they go. At ako? Eto nganga at tulala. Bakit hindi ako lumaban? Ano ba naman yan! Akala ko ba palaban ako?! Waaaa! Tiningnan ko na lang si Aya at ngumiti.

'' Wala na talaga siya, Aya.''

Niyakap niya ako at hinimas ang likod ko, "Madami pa dyan,friend. Don't worry. That Vincent doesn't deserve to be loved. Makakarma din yan!''

Pagkatapos ng confrontation ko kay Camille, niyaya na lang ako ni Aya sa Chocolate Kiss Cafe sa may Bahay ng Alumni. Ito yung tambayan naming kapag stressed out o kaya brokenhearted.

'' Joms, alam mo na.'' Sabi ni Aya sa isang staff sa café at nginitian siya nito.

'' Syempre noh. Red Velvet and Strawberry Cheesecake coming up ladies'' Sabi ni Joms na working student/ kaklase namin.

'' Buti wala nang klase noh? Makakapagtrabaho ka ng maaga. Kamusta naman kapatid mo? May lagnat pa rin?'' Sabi ni Aya habang nasa counter.

'' Okay na sya. Salamat Aya ha. Oo nga buti maaga tayo dinismissed kung hindi, nako pahirapan na nman sa rush hour traffic. Hassle kaya!''

''Sinabi mo pa. Osiya, eto yung bayad. Bilisan mo ha. Gutom na kami.'' Tumingin sa akin si Joms at tinanong kung okay lang ako. Tumango ako at ngumiti.

Nung binigay na samin ni Joms ang cakes,'' Michi. Matagal pa Holy Week,nakabusangot ka na dyan. Mahal ka nun.''

Tiningnan ko ng masama si Joms (but I didn't mean super sama ha!) ''Kung mahal niya ako di siya makikipagbreak sa akin. Hayyyyy!''

''Sus. Madami pa dyan kaya smile na,okay?'' Ngumiti ako at nagpasalamat kay Joms. Hayy! May mga tao pa talagang sobrang baet at kumportable kausapin!

''Tama si Joms. Ngumiti ka na. Ang dami-dami pang iba dyan, ayaw mo lang talagang tumingin~lilipas din yang sadness mo, friend. Cheer up! Oh ayan ang cheesecake mo.'' Binigay sa akin yung cheesecake at agad na akong kumain. Iba talaga feeling g kumakain kapag ganitong malungkot, nakakarelieve ng pain! Wooo! Hanep.

Tumingin-tingin ako sa mga tao sa café, parang wala silang kastress-stress na nararamdaman. Ang tatahimik lang at kumakain lang. Yung iba magbabarkada, yung ibang couples na naglalambingan, yung iba prof, at yung iba..

''HAHAHAAHAHAHA! HINDI KA KASI NAGREVIEW KAYA BUMAGSAK KA! HAHAHAHAHA!''

WHO'S THAT POKEMON?!

MR. UNPREDICTABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon