Limang din ang lumipas at going strong pa rin naman kami ni Zack. Okay naman pala siya, may mga times nga lang na kinakabahan ako kapag may meeting ang APO. Ang tanong, alam ba ng mga magulang ko na may boyfriend ako?
'' Kailan mo ba ako ipapakilala?'' Tanong ni Zack sa akin habang kumakain kami sa KFC. Kailan nga ba? Limang buwan na din kasi ito Magkakalahating taon sa susunod na buwan. Hayyy!
'' Pwede bang ibang usapan muna?'' Sa totoo lang kasi, wala akong maibigay na dahilan sa kanya kung bakit hindi ko pa siya naipapakilala. Hindi naman siya masamang tao pero kinakabahan kasi ako sa magiging reaksyon ni Papa. Medyo strict din kasi siya sa mga nanliligaw sa akin. And to think na may boyfriend na ako now without him knowing it. well.. THAT WILL BE A TRAGEDY! HAHAHAHA!
'' Lagot ka kay Tito Eiji nyan. Hindi ka nagiging honest'' Sabi niya sa akin habang nakangiti ng nanloloko.
''Wag mo nga akong takutin! Kasi naman si Papa, alam mo naman na strikto yun eh. Natatakot ako baka..'' Hinawakan niya kaagad ang kamay ko at ngumiti.
'' Hindi yun magagalit. Besides, boyfriend pa lang naman hindi pa naman tayo magpapakasal. Saka magkakilala naman si Papa at si Tito Eiji di ba? Don't worry, Michi.''
Magpapakasal daw oh! ehhhh? KELEG EKEEE <3 <3 <3333
" All you need to do is to introduce me to them tonight, okay? Ready na ako.'' AKO ANG HINDI READY, ZACK! PATAY NA TALAGA AKO NITO! T^^T Pero gayunpaman, kailangan gawin ko ang tama. Hindi ko dapat inililihim ang mga ganitong aspects sa buhay ko. Kaya ko ito! Go, Michiko! Go!
Pagkauwi ko ng bahay, nagprepare kaagad ako ng dinner. Nagtaka pa nga si mama sa akin kasi matagal na akong hindi nakakapag-hands on sa kitchen. Kaya laking gulat niya nung kinuha ko ang kutsilyo at nagsimula nang maggayat ng sibuyas at bawang.
''Anong meron?'' Sabi niya sa akin habang naglilinis ng sala.
''May darating po mamaya,boyfriend ko po.'' Ayputek! Ano ba yan nadulas kaagad ako!
''Ano? Boyfriend?! Sino?'' Napatigil si mama sa pagwawalis at lumapit sa akin. '' Sinong boyfriend mo? Taga-school mo ba? Ka-course mo? Anong age? Anong year?'' Ayan na nga ba sinasabi ko. Mas excited pa siya sa akin. Sabik na sabik na magka-boyfriend ang unica hija niya. Huwaaa!
''Ma, kalma lang okay? Sa kanya mo tanungin yun. Name niya Zack Matthew Tan. Taga-UP din po.''
''Tan?'' Mama
'' Opo. Bakit po?''
''Kaanu-ano niya si Cecil?''
Teka nga.. Wag mo sabihing..
''Mama po niya.'' sabi ko habang nakahawak sa sibuyas.
''Ano?! Eh ka-dorm ko yun nung college ako! Huwaaaa! Sa Kalayaan Dorm nung freshman kami! Nako nako nako! Kamusta na sya?'' Sabi ni Mama na mukhang excited pa rin. Ano ba yan.
'' Okay naman po. Maganda po pala siya, Mama.''
''Aba oo naman, pang-laban yan ng UP sa mga pageants. Akalain mo nga naman. Nako anak, excited na ako makita yang Zackary na yan ha! Aynako for sure.. Fore sure nako! Ang gwapo gwapo ng anak niya!''
''Uhh okay po...'' -______- Fine fine fine! Mas excited pa siya! Parang siya ang girlfriend ha!
Kinagabihan, pagdating na pagdating ni Papa, binalita na kaagad sa kanya ni Mama na pupunta dito sa bahay si Zack para magdinner at magpakilala. Natuwa naman si Papa pero bakas sa kanya ang pag-aalala.
'' Siguraduhin mong mabait yan ha.'' Sabi ni Papa sa akin habang nagsusuot na ako ng necklace.
'' Opo, Pa. He's a nice guy.'' Sabi ko.
Nanonood kami ng movie sa Starmovies nang biglang may kumatok na sa pinto. Dali-dali akong pumunta sa pintuan para pagbuksan kung sino man siya nang biglang..
'' Baby namin! Kamusta na ha?''
WHAT?! WHY ARE THEY HERE?!
'' Kuya Daisuki at Kuya Haru?! B-bakit kayo napauwi? A-anong ginagawa niyo dito?'' Sabi ko matapos nila akong yakapin.
'' What the? Bakit naman ganyan ang mga tanong mo? Sino bang ineexpect mo na kumatok? Multo?!'' Sabi ni Kuya Haru.
Para sa kaalaman ng lahat, may dalawa akong barakong kuya. Si Kuya Haru,21, na senior Industrial Engineering student sa Mapua Intramuros at si Kuya Daisuki ,19, na senior student ng De La Salle University sa kursong Multimedia Arts. Laging accelerated nung elementary at si Kuya Daisuki kaya maag siyang gagraduate. Si Kuya Haru naman nagstop ng 1 taon noong highschool kaya na-late ng pagkacollege.
Bihira lang talaga silang umuwi sa bahay kasi naka-dorm naman sila. Medyo malayo din naman kasi ang bahay namin para mamasahe sila, saka may mga kotse naman sila kaya keribels lang.
'' Tabi nga. Michi. Gutom na gutom na ako.. Huwaaaw! Sino may birthday? Daming pagkain ha!'' Sabi ni Kuya Daisuki habang nakatingin sa inihanda kong carbonara.
'' Wag ka munang kakain!'' Hinarangan ko siya sa uupuan nya sa mesa.
''But I'm hungry! Ano bang meron ha?'' Kuya Daisuki
*tok tok tok*
''Andyan na sya!' Sabi ni Mama na puno ng enthusiasm.
'Sinong andyan na?'' Kuya Haru.
Pinagbuksan ko ng pinto yung kumakatok, and there he goes, si Zack na. Naka-jeans and polo shirt tapos ubod ng bango. Shemays! Kakahumaling itoooo!
'' Pasok ka.'' Sabi ko habang inili-lead siya sa sala.'' Ma, Pa, Kuya..''
'' Goodevening po . I'm Zackary Matthew Tan, boyfriend po ni Michi.'' Nagmano kaagad siya sa mga magulang ko. Nung makikipagshakehands na sya sa mga kuya ko, inilapit nila ang mukha nila sa kanya..
'' Kilala kita ha!'' Kuya Daisuki
'' Oo nga. Pamilyar mukha mo! Hmmm. Saan nga ba natin siya nakita?'' Kuya Haru
..
..
..
..
....
...
'' Tau Gamma ka ba?'' Sabi ni Kuya Haru.
'' Nope, APO.'' Sabi ni Zack na nagdulot ng katahimikan sa buong bahay.
BINABASA MO ANG
MR. UNPREDICTABLE
Teen FictionAno ang mangyayari sa ordinaryong buhay ni Michiko Watanabe kapag naging boyfriend niya ang master ng Frat na si Zackary Tan? Sundan sila sa kanilang mga adventures at misadventures papunta sa pag-ibig na walang hanggan!