Prologue

161 7 3
                                    

"Kakaiba ako sa lahat. Hindi ako maganda. Hindi ako maputi. Hindi ako matalino. Hindi ako mayaman. Wala akong maayos na pamilya. Wala akong matinong gadget. Hindi ako magaling magsulat. Marunong ako mag gitara, flute, piano, pero hindi ko kayang tumogtog ng isang buong kanta. Marunong ako mag doodle pero hindi maganda ang kalalabasan kapag natapos. marunong lang ako mag drawing Pero nagiging maganda lang yun kasi may kinokopyahan ako. kakaibang kakaiba ako sa lahat ng tao. hindi normal ang buhay ko dahil wala naman talagang normal na buhay. Lahat may complications."

Yan na ang lahat ng masasabi in Jiane Lean as buhay nya. Ngunit ano nga bang maskakaiba pa ang mangyayari sa buhay niya pagtungtong ng 4th year High school?

Gaganda ba sya? Puputi ba sya? Yayaman ba sya? Ito'y imposible na mangyari lahat sa pagtungtong nya ng 4th year highschool.

~Lean Residence~

May nagaganap na isang party sa Lean Residence. Isang malaking celebrasyon dahil nakatungtong na ng limang taong gulang ang bunsong anak. Maraming mga tao at masaya ang tema sa bahay at ang party ay nakacater. Maraming masasarap na pagkain ang nakahanda, ang mga bisita ay nakaupo lamang sa kanikanilang table at hinahandaan nalsng ng mga waiter, maliban sa mga bata na naglalaro sa palaruang ipinasadya para sa mga bata.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ng maliit na batang babae na nakasuot ng dress na may kulay na pastel pink na hanggang paa ang haba. Nakatingin sya sa, maliit na batang lalaki na naglalaro ng isang rubics cube.

"Naglalaro ako ng rubics." Inabot nya ang kanyang laruan sa maliit na batang babae. "Gusto mo bang subukan?"

Tumango ang batang babae at binuo ang rubics bahang paikot-ikot ito sakanyang mga kamay. "Napakadali naman nitong laruin." Comento ng batang babae. Manghang mangha na nakatingin and batang kanyang kaharap dahil halong tatlong buwan nya na itong sinusubukang buoin. "Tinuruan ako ng mga kuya ko kung paano ito mabuo ng maayos. Bakit hindi ka marunong?"

"Marry me!" Sabi ng batang lalaki at agad na niyakap ang batang nausap. "Marry me! Marry me!" Tuwang tuwa niyang sabi.

Nang bitawan ng batang lalaki ang isa, ay agad naman itong tumakbo palayo, ngunit hinabol ito ng bayang lalaki. "Mom!" tawag ng batang babae habang mabilis na tumatakbo palapit sa isang table.

"Oh, Jiane! You'll hurt yourself, be careful!" Sabi ng babaeng nakausot ng isang eleganteng damit. "Pero Mama, sabi nya 'Marry me!' kaya tumakbo ako." sabi ng bata habang tinuturo ang kaninang humahabol sakanya na ngayon ay nakalapit sa isangbabaeng katulad ng ina ni Jiane ay nakasuot rin ng eleganteng damit.

Tumingin ang batang lalaki sa kanyang ina at ipinakita ang buong rubics cube. "Mommy, ang galing nya! Nabuo nya ito ng walang hirap! Love ko na sya Mommy! Kaya Marry ko sya!" Paliwanag ng batang lalaki kaya nagtawanan ang mga tao na nakaupo palibot sa table.

"Luise, you're too young to marry!" Sabi ng kanyang ina habang natatawa. "Say sorry to Jiane and tell her you'll wait and Happy birthday." pinaharap ng ina ang kanyang anak kay Jiane na kanina pa sakanila nakatingin.

Lumapit si Luise kay Jiane na nakatingin lamang sakanya. "Happy Birthday Jiane! I'll wait until we can get married!" Sabi ng maliit na batang si Luise at niyakap si Jiane.

"Okay, Thank you!" Sabi ng maliit na batang si Jiane at yumakap din ito.

Imperfect Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon