Masayang kinuha ni Ronan ang classcard na inabot ng kanyang professor.
"Good job Mr. De dios. Ikaw lang ang nakakuha ng uno sa klase ko."
Hindi niya naitago ang tuwa ng makita ang iskor sa classcard. Ang subject ng matandang professor na iyon ang isa sa pinakamahirap na tinapos niya ngayong semester at nakakatuwa lang na hindi lang siya nakapasa kundi pinakamataas pa sa klase.
"Thank you, Sir. Tiyak na matutuwa sila tatay at nanay dahil dito."
"You deserve it. I heard you are running for summa cum laude sa graduation next term. So keep up the good work at gusto kitang makitang magbigay ng graduation speech being the valedictorian of the batch."
"Wow sir, nakaka-proud naman yun." Nakangiti niyang tugon dito. Hindi niya ini-expect na ganito ang tiwala ng professor niya sa kanya.
"Kayang kaya mo yan, hijo. Naniniwala ako sayo."
Lumabas siya sa college building na may ngiti sa mga labi. Halos lahat ng subjects niya ay mataas ang nakuha niyang grado. Tiyak na magkakatay na naman ng manok ang kanyang nanay sa kanyang pagbalik sa Nueva Ecija para sa semestral break niya ng taong iyon.
Habang naglalakad pauwi sa kanyang boarding house ay biglang na lang lumabas kung saan ang kanyang matalik na kaibigan.
"Bestfriend!"
Napaigtad siya sa panggugulat nito sa kanya at hindi niya napigilang ihampas ang kanyang folder sa kaibigan.
"Tado ka Chester. Wag mo sabi akong ginugulat eh!"
"Grabe ka naman kung manakit bestfriend. Parang di mo ko love." Ang nakalabing tugon nito.
"Ewan ko sayo. Tara na uwi na tayo."
"Oo na nga di ba andito na ko sasabay sayo." Ang pamimilosopo nito. "Pero teka tignan ko muna grade mo."
Mabilis nitong binuksan ang bag niya at hinanap ang kanyang classcard.
"Nasaan ba dito yun?" At kinalkal talaga nito ang gamit niya na parang ito na ang may-ari ng kanyang bag.
"Huwag mo ng kalkalin yan. Sasabihin ko naman sayo ang grade ko e."
Sinarado nito ang bag niya at hinarap siya.
"Uno ka no?"
Ngumisi siya. "Secret!"
"Heh! Nakakainis ka! Kaya gusto kong tignan mismo eh." Akma nitong susunggaban ulit ang bag niya pero humarang siya.
"Oo na, uno na ako."
"Talaga?"
"Ako pa ba?"
"Sabi ko na eh. Magiging valedictorian ang bestfriend ko."
At tumalon ito na masayang masaya.
Nangiti na lang siya sa inakto ng kaibigan. Meron kasi silang pustahan na kapag nakapagtapos siyang valedictorian ay ililibre niya ito sa kahit na saang restaurant na pipiliin nito.
"Minsan ay nagdaramdam ako Chester kung masaya ka ba na magiging valedictorian ako o gusto mo lang na mailibre kita."
Tumigil ito sa pagtalon talon at hinawakan ang kanyang balikat. "Bestfriend. Una, di ba nga at sinabi ko sayo na Cheska ang pangalan ko at hindi Chester. Pangalawa, masaya ako na magiging valedictorian ka. Syempre sobrang proud ko na may kaibigan akong number 1 sa buong university na hindi lang gwapo kundi sobrang talino pa. At pangatlo mas masaya dahil ililibre mo ko. Yehey!"
Binatukan niya ito. "Magtigil ka."
Classmate niya si Chester o kung susundin ang gusto nito, si Cheska, mula pa noong unang pasok niya sa college. Business Administration major in Human Resources Development Management ang kurso nilang dalawa sa isang prestihiyosong paaralan sa Maynila.
BINABASA MO ANG
Masahista sa Guadalupe (boyxboy)
RomanceBrokenhearted si Ronan dahil nahuli lang naman niya sa akto ang kanyang boyfriend na may kasiping na ibang lalaki. Yes, in the act of making love. Sobra siyang nasaktan dahil ito ang kauna-unahan niyang kasintahan sa "ganoong" uri na relasyon kung...