ALAM ni Janus na marami na siyang nagawang pagkakamali sa buhay niya, sa pamilya niya at sa mga taong nagmamahal sa kanya. Marami na syang nasaktan. Marami na syang naging maling desisyon.
Isa lang naman ang tamang ginawa niya.
Yun ay noong minahal niya si Ronan.
Napailing siya. At pinagmasdan ang taong nasa harap niya. Parehas silang walang saplot ng panahong iyon. "Hindi dapat nangyari ito."
Hindi niya alam ang gagawin ngayon. Kung puwede lang niyang ibalik ang oras ay gagawin niya. Nagkasala siya. Sumiping sya sa iba. Alam niyang kapag nalaman ito ni Ronan ay lalong lalayo ang loob nito sa kanya. Sigurado siyang masasaktan ito.
Masasaktan nga ba si Ronan? Paano kung bumalik na ang ex boyfriend niya? Paano kung tinanggap na niya ulit ito sa buhay niya?
Kaya siya naglasing gabi-gabi. Gusto niyang makalimot. Umiinom sya dahil sa naabutan niyang tagpo sa pagitan ni Ronan at Kelvin. Naghabol sya pero huli na.
Natakot syang puntahan itong muli dahil baka hindi niya matanggap ang katotohanan. Baka bumalik na naman siya sa pagiging miserable.
Pero hindi pa ba miserable ang buhay niya ngayon. Kagabi ay napasobra sya sa pag-inum at hindi na alam ang nangyari.
Mabilis syang umalis sa kwarto at binalibag ang pintuan. Hindi na niya kayang magtagal pa doon.
"Fck Janus! Ano na naman itong ginawa mo?!" Sigaw ng binata sa kanyang isipan.
Hindi na niya alam ang oras. Wala ang wristwatch niya kaya kinapa niya sa bulsa ang kanyang cellphone.
Sht!
Iyon ang dahilan kaya't mabilis syang bumalik sa kwartong nilisan kanina. Mabuti na lamang at hindi pa naka-lock ang pinto ng silid.
Nadatnan niya itong hawak ang kanyang cellphone at nakangiti ng malaki.
Dali dali niyang inagaw ang cellphone dito. Ayaw niyang murahin ito pero gustong gusto niyang gawin iyon ngayon. Lalo pa nang marinig ang boses na nasa kabilang linya.
"Ronan?"
Tinapunan niya ito ng masamang tingin at umalis agad sa lugar.
Kinakabahan siya sa puwedeng madinig. Iiwan na kaya siya nito? Tuluyan na ba itong sasama kay Kelvin? Napapikit siya ng mariin dahil sa naisip.
*****
"J-JANUS?" Nagtaka si Ronan ng biglang ang lalaki na ang nasa kabilang linya.
"Bakit napatawag ka, Ronan?"
"Gusto sana kitang makausap. Kung hindi ka busy?"
"A-ayos lang naman. Sige magkita tayo. Nasaan ka ba?"
"Nandito ako sa massage parlor na pinagtatrabahuan mo." Hindi niya alam kung imahinasyon lamang niya ang narinig na pagkabalisa sa boses ng kausap. "Janus, s-sino yung sumagot ng tawag?"
"Ah... Yung kliyente ko."
Napakunot ang noo niya. "Pero bakit kilala niya ko?"
Matagal bago ito nakasagot. "Ah... Nakwento kasi kita sa kanya, Ronan. Galit ka ba? Sorry kung nakuwento ko ang about sa atin. Isa kasi sya sa mga naging kaibigan ko. H-hindi ko na uulitin."
May kakaiba syang kutob sa nangyayari. Kasasabi lang ng receptionist ng parlor na matagal ng di pumapasok si Janus. Paanong nasa kliyente niya ito.
Pero ayaw niyang mag-isip ng anupaman. Gusto niyang makita si Janus. Yun ang mas mahalagang bagay na dapat niyang pagtuunan ng pansin ngayon.
"H-hindi naman. Nagulat lang ako."
BINABASA MO ANG
Masahista sa Guadalupe (boyxboy)
RomantikBrokenhearted si Ronan dahil nahuli lang naman niya sa akto ang kanyang boyfriend na may kasiping na ibang lalaki. Yes, in the act of making love. Sobra siyang nasaktan dahil ito ang kauna-unahan niyang kasintahan sa "ganoong" uri na relasyon kung...