Marahang tinapik ni Janus si Ronan upang gisingin ito. Nasa kotse sila at binabagtas ang isang mahabang kalsada ng umagang iyon.
"Malapit na tayo." Ang ngiti nito ang bumungad sa kanya. Nakaunan siya sa binti nito. Nagpunas siya ng mata at humikab. Saglit pa lamang siyang natutulog. Buong biyahe kasi siyang nag-iisip sa mga nangyayari sa kanya ngayon.
Inabot nito ang maliit na distansyang meron ang kanilang mga mukha upang magtama ang kanilang mga labi. Naipikit niya ang kanyang mga mata dahil sa sensayon na dala ng halik nito.
"B-baka maki..ta tayo ng driver." Sambit niya sa gitna ng kanilang paghahalikan.
Hindi siya pinansin ni Janus at patuloy pa ring nilalaro ng dila ang loob ng kanyang bibig. Ginagalugad ang bawat sulok nito na tila uhaw sa tubig.
"Ang sarap ng kiss mo kahit bagong gising." Sambit nito ng maglayo ang kanilang mga mukha.
"Sira ka talaga!"
Pinagsalikop nito ang kanilang kamay at hinalikan ang likod ng kanyang palad.
Lihim siyang kinilig. Ang sweet kasi nito sa kanya. Hindi nga lang niya alam kung normal lamang dito na gawin ang ganoong bagay. Hindi naman kasi sila at walang nababanggit ito tungkol sa estado ng kanilang relasyon mula ng umalis sila sa kanilang bahay.
"Thank you." Sambit niya at ngumiti dito.
"For what?"
"Dahil sinama mo ko dito."
Tumango ito at inihilig ang ulo niya sa balikat nito.
"Thank you din." Bulong nito.
"Para saan?"
"Sa pagsama sa akin dito."
"Siyempre kinilala mo ang pamilya ko, nakakahiya naman kung iimbitahan mo ako tapos di ako sumama."
"Yun lang ba talaga ang dahilan?"
Siyempre dahil mahal kita. Gusto niyang ibulalas ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi niya kasi alam kung ano ang magiging reaksyon nito. Yun nga at isinama siya nito sa kanila ngunit hindi ibig sabihin niyon ay mahal na siya nito.
"Yun lang." Sambit niya.
"Okay." Narinig na lamang niyang bulong nito.
Naalala niya ang eksena kanina sa kanilang bahay. Ang akala ni Ronan ay may sinabi ng kung ano si Janus sa kaniyang mga magulang ngunit iyon pala ay gusto lamang siyang dalhin nito sa Davao. At pumayag siya. Nagtampo kunwari ang kanyang ama na sinabing saglit pa lamang silang nagkasama ngunit aalis na naman siya. Napangiti na lamang siya at niyakap ang ama. Sinabi niyang babalik naman siya agad.
Sinabi ni Janus na huwag na siyang mag-alala sa ticket dahil ito na ang bahala. Hindi na niya inalam pa kung paanong gagawin nito. Um-oo na lamang siya.
At heto nga at lulan sila ng isang sasakyan. Hindi din niya alam kung saan nakakuha ito ng paglulunanan nila.
Sa totoo lang ay hindi nga niya alam kung bakit siya nandoon ngayon sa Davao.
Hindi niya maitatanggi na nakakaramdam siya ng safety pag kasama si Janus. Lalo na kapag kayakap ito. Iyon siguro ang dahilan kung bakit oo na lamang siya ng oo. Liban pa sa gusto talaga niya itong makasama at makilala ng lubusan.
"Nandito na tayo."
Napaayos siya ng upo dahil sa sinabi nito. At napakunot ang kanyang noo ng makita ang nasa labas.
Nasa tapat sila ng isang maganda at malaking mansyon.
"B-bakit dito?" Nagtataka siyang tumingin kay Janus.
BINABASA MO ANG
Masahista sa Guadalupe (boyxboy)
RomanceBrokenhearted si Ronan dahil nahuli lang naman niya sa akto ang kanyang boyfriend na may kasiping na ibang lalaki. Yes, in the act of making love. Sobra siyang nasaktan dahil ito ang kauna-unahan niyang kasintahan sa "ganoong" uri na relasyon kung...