Hinubad na ni Ronan ang kanyang pang-itaas at pumwesto na sa kama in prone lying position.
"Pahubad na din ng short para mas maayos kitang mamasahe, Sir Ronan", kaswal na sabi ni Janus habang kinakalat sa palad nito ang dalang massage cream. Nakasuot na lang ito ng sando kaya't nakita na niya ang malapad na balikat at biceps in flesh.
Napalunok siya. "Bakit pati short?"
"Okay lang yan sir. Meron din ako niyan." At ngumiti ito ng maluwang sa kanya. Na parang nabasa ang nilalaman ng kanyang isip.
Ngumiti siya ngunit alam niyang pinamulahan siya ng mukha. Bakit ganito na lang ang epekto ng gwapong masahista sa kanya?
Bumangon siya at tumayo. Tinanaggal ang short at mabilis na bumalik sa dating posisyon sa kama. Naramdaman niya ang pag-indayog nito ng sumampa si Janus at ipatong sa bandang puwitan niya ang towel.
Pagdampi pa lang ng palad nito ay naramdaman na agad niya ang pagtaas ng kanyang balahibo. Apektadong apektado siya sa haplos nito.
"Sir, relax ka lang. Masyadong nate-tense ang muscle mo."
"O-okay." Pinilit niyang kinalma ang sarili at ang huminga ng malalim. Inhale. Exhale.
"Ang init niyo, sir. Fertile ka po ba?"
Napakunot siya ng noo. Aba bakit ganito ang tanong nito?
"H-hindi ko alam. Ang sarap kasi ng masahe mo e." At tumawa siya habang nakatagilid ang kanyang ulo. Magsukatan sila ngayon. Kahit alam niyang talo siya sa huli ay susubukan niyang sumabay sa pagiging teaser nito.
"Masarap talaga ko magmasahe."
Oo nga e, kahit siguro hindi massage cream, kahit floorwax pa ang ipahid mo masarap ka pa rin magmasahe, sa isip lang niya.
"Mukhang matagal ka ng nagmamasahe ah."
"Sakto lang. Bago lang ako sa center e. Siguro, mga two months ago."
"Marami ka sigurong customer?"
"Marami-rami din naman."
"Sa pogi mo ba namang yan." At huli na ng maisipan niya ang kanyang nasabi. Napapikit na lang siya ng mariin.
Minsan talaga ay tuloy tuloy na lang ang bibig ko.
Ngunit narinig lang niya ang halakhak nito. "Sabi din nila. Syempre kelangan din sa business para madami kang customer."
Siguro ay sanay na itong makatanggap ng ganoong papuri o sanay na ito sa ganoong kalakalan.
"Ganoon ba? W-wala naman bang namamantala sayo?" curious niyang tanong.
"Meron din naman pero..."
"P-pero?"
"Pero di ako pumapayag."
Hindi niya alam kung bakit parang nabunutan siya ng tinik dahil sa sinabi nito. Dahil siguro alam niyang hindi katulad si Janus ng ibang masahista na nag-ooffer ng ganoong serbisyo. Pero paano kung sinasabi pala nito ang ganoong bagay sa lahat ng customer nito.
"Ows?"
"Totoo yan, Sir. Sa center namin bawal ang ganoong kalakaran."
"P-pero may nakakalusot din diba?"
"It's not my concern anymore, Sir."
Pahiya siya. Bakit nga ba kelangan niya pang usisain ang ganoong bagay dito.
"Have you tried that kind of service, Sir?"
Naramdaman niya ang bahagya nitong pagdiin sa bandang tagiliran niya. Ito na kasi ang minamasahe ni Janus.
BINABASA MO ANG
Masahista sa Guadalupe (boyxboy)
RomanceBrokenhearted si Ronan dahil nahuli lang naman niya sa akto ang kanyang boyfriend na may kasiping na ibang lalaki. Yes, in the act of making love. Sobra siyang nasaktan dahil ito ang kauna-unahan niyang kasintahan sa "ganoong" uri na relasyon kung...