Chapter 16 - The Truth

1.6K 49 51
                                    

NAGDAAN ang ilang linggo at naging kapansin-pansin na ang pagbabago sa pangangatawan ng ama ni Ronan dahil sa mga pinagdaanang chemotheraphy. Pumayat ito at unti-unting naglalagas ang buhok.

Ilang gabi na din siyang iyak ng iyak dahil sa kalagayan ng ama. Pinipili niyang mag-isa dahil ayaw niyang makita siya ng mga ito na pinanghihinaan ng loob dahil sa nangyayari.

Ngunit hindi niya alam kung kailan siya magpapakatatag. Alam niyang anumang sandali ay susuko na lamang siya sa pagsubok na ito.

Dumadagdag din sa pag-iisip niya ang madalas na pagiging tulala ni Janus. Minsan ay tatahimik na lamang ito habang kausap siya at prang lumilipad ang isip sa kung saan man. Kapag tinatanong niya naman ito kung may problema ay palaging wala ang isasagot nito.

Siguro ay pagod lang din ito dahil sa mga nangyayari sa kanila ngayon, ang lagi niyang sinasabi sa sarili. Minsan ay nagi-guilty siya dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi ito magkakaganoon.

Nitong mga nakaraang linggo ay may mga bumibisita sa kanyang mga kakilala tulad ng mga kaklase niya at mga taong nakilala niya sa texting clan na sinalihan nila ni Chester dati. Nawawala ang lungkot niya kapag narito ang mga ito dahil nakakalimutan niya kahit sandali ang dinadala.

"Tao po."

Napalingon siya at ang kasama niya sa kuwarto na si Chester dahil sa tunog na nagmumula sa pintuan. Nang panahong iyon ay kasama ni Janus ang kanyang inay upang bumili ng makakakain nila ng tanghaling iyon.

Siya na ang tumayo at nagbukas ng pinto.

"Hello."

Bumungad sa kanya si Zander na may dalang basket ng mga prutas.

"Uy, Zander. Halika, pasok ka." Pag-anyaya niya dito.

Tumuloy naman ito sa loob. Inabot nito sa kanya ang basket ng prutas para sa kanyang ama.

"Papa Zander, ikaw pala." Masayang bati ni Chester dito na sinuklian naman nito ng ngiti.

Binigyan niya ito ng mauupuan at tumabi siya rito.

"Ah, Ronan. Sorry kung naabala ko kayo ah. Gusto lang kitang kamustahin tsaka ang tatay mo." Paghingi nito ng pasensya sa kanya.

"Okay lang, Zander. Nagpapasalamat nga ako dahil nakabisita ka dito eh." Sagot niya.

"O-okay lang din naman ako tsaka ang nanay. Tinutulungan kami ni Janus at Chester. Si tatay, ayan, nanghihina dahil sa chemo."

Parang nagkaroon ng bara ang kanyang lalamunan dahil sa mga huling sinabi. Hinawakan naman ni Zander ang balikat niya.

"Magiging maayos din ang lahat Ronan. Basta magtiwala ka lang sa Kanya. Papagalingin niya ang tatay mo."

Tumango siya dito upang pagtugon. "Sana ay maging malakas na ang tatay."

"H'wag tayong titigil sa pagdadasal, Ronan."

Dahil nandoon din naman si Chester ay napag-usapan na nila ang OJT at ang requirements para matapos nila iyon. Kailangan pa din kasi nilang maghanda ng report at case study para may maipasa sila sa kanilang eskuwelahan para makapagtapos sila ng kanilang pag-aaral.

"So okay lang na halfday na lang ako pumasok?" Tanong ni Ronan kay Zander.

"Oo naman. Understandable naman ang case mo eh."

"Ang kailangan na lang nating kausapin ay ang college natin" Sambit ni Chester. "Sana ay payagan nila tayo."

"Sana nga bes."

Makalipas ang isang oras ng kwentuhan at dahil tulog naman ang kanyang ama ay nagpaalam na din si Zander sa mga ito.

"Maraming salamat, papa Zander ah. Kung hindi dahil sayo hindi kami makaka-graduate." Pagpapasalamat ni Chester dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Masahista sa Guadalupe (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon