Chapter 14 - Perfect

3.6K 74 19
                                    

Pinaglalaruan ni Ronan ang tasa ng mainit na tsokolateng nasa harap niya ng umagang iyon.

Masaya siya dahil nagkaayos na sila ni Janus. Naalala niya pa kung paano sila magharutan kahapon. Parang walang nangyaring sigalot sa kanilang dalawa ng mga nakaraang linggo.

Ayaw nga siya nitong pauwiin kung hindi lang niya sinabing baka "ma-rape" na naman siya kung mananatili pa sya sa place nito.

Isang bagay lang ang bumabagabag sa kanya ngayon. Gusto niyang malaman kung bakit bigla na lang naging kakaiba ang reaksyon ni Janus noong nag-usap sila sa fastfood.

Ngunit di na muna niya inusisa iyon sa lalaki. Ang mahalaga ay bati na sila. Hihintayin na lamang niya ang panahong sasabihin nito sa kanya ang dahilan ng kakaibang inakto nito.

Natuto na syang makinig at maghintay sa mga eksplanasyon ng binata.

Napukaw ang pag-iisip niya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Excited nyang inabot ang aparato dahil baka galing kay Janus ang message.

Ngunit ibang pangalan ang rumehistro dito. Kay Zander.

"Good morning Ronan! I just want to remind you about our date this afternoon. See you!"

Luh!

Napatayo siyang bigla dahil sa nabasa. Hindi niya alam ang kung ano ang gagawin.

May boyfriend na ulit siya. At mortal sin naman kung makikipagdate sya sa ibang tao gayong may karelasyon na siya. At sa lalaki pa. Kesehodang friendly date iyon.

Paano pa kapag nalaman ni Janus.

Nagsimula syang magtype ng reply dito.

"Sorry Zander, pero hindi na ko puwede..."

Anong idadahilan niya? Na nagkabalikan na sila ni Janus. Tiyak masasaktan ito.

Paano kaya kung sabihin niyang pupunta siya sa ibang lugar. Pero ayaw naman niyang magsinungaling dito.

Isa pa ay boss niya ito. Matatanggihan niya ba ito agad agad.

Bakit kasi bigla bigla kang pumapayag makipagdate?! Sigaw niya sa isipan.

Magulo ang isip ko nun eh. Sorry na!!

Pabalik balik siya ng lakad ng biglang tumunog muli ang kanyang cellphone. This time, si Janus na iyon. At tumatawag ito.

"Good morning baby kong petmalu!"

Natawa naman sya sa bati nito sa kanya. "Baliw ka talaga. Good morning din, baby."

"Kumain ka na ba?"

"Uminom na ko ng tsokolate. Ikaw?"

"Hindi pa. Gusto kasi kitang kasama kumain."

Napangiti naman sya sa banat nito. "Sira. Kumain ka na d'yan."

"Gusto ko nga kasabay kita eh."

"Naadik ka naman sa akin masyado. H'wag masyadong halata."

Tumawa ito sa kabilang linya.

Haysss... Ang sarap talagang pakinggan ng tawa niya

"Seryoso nga, baby. Gusto kitang kasabay. Kaya pagbuksan mo na ko ng pinto."

"Ha?"

"Andito ako sa harap ng apartment niyo."

Dali dali syang nagtungo sa pinto at totoo nga, pagbukas niya nito ay bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Janus.

"Baka gusto mo kong papasukin. Masyado ka na namang humahanga sa akin eh."

"Umagang umaga naman po," linuwangan niya ang pintuan at tumuloy ito sa loob.

Masahista sa Guadalupe (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon