Chapter 11 - The One That Got Away

3.8K 117 44
                                    

Nasa isang fastfood chain si Ronan habang sinisimsim ang biniling softdrinks. Nakatingin siya sa mga panyayaring nagaganap sa labas ng salamin. Madaming tao naglalakad. Madaming sasakyang bumabaybay sa EDSA. Kahit sobrang gabi na ay tila buhay na buhay pa rin sa Guadalupe.

Ngunit wala sa lugar na iyon ang pag-iisip niya. Inaalala pa rin niya ang tagpong naganap sa Nueva Ecija kung saan binigkas ni Janus ang mga katagang nagpapagulo ng isip niya ngayon.

"Hindi ako titigil hanggang sa ikaw na mismo ang mapagod sa pagtakbo.."

Paano nga ba niya uumpisahang kalimutan ito kung gayong ito na ang nagsabing hindi siya nito titigilan? Paano ba sya lalayo dito?

Napagpasyahan niyang umalis na sa fastfood at maglakad lakad na lamang. Ayaw na muna niyang umuwi sa apartment nila ni Chester dahil wala naman ito. Nakipagdate na naman kasi ang kaibigan niya at naiwan na naman syang mag-isa.

Kahit gabi na ay panatag pa rin naman syang maglakad ng walang kasama. Apat na taon na syang nakatira doon at ni minsan ay wala namang gumawa sa kanya ng masama. Isa pa ay di naman niya dala ang kanyang pitaka at cellphone.

Maliwanag pa rin sa Guadalupe. Kaunti pa lang ang mga nagsasarang establisyemento at mga tiangge. Biyernes kasi at walang pasok ang mga manggagawa bukas.

Buhay na buhay ang mga bar at karaoke sa paligid. Magulo ang buong lugar. Humahalo ang ingay sa magulong isipan ni Ronan.

Sa paglalakad ay nakarating sya sa labas ng simbahan ng Guadalupe. Tahimik na sa parteng iyon ngunit may mga dumadaan pa ring mga tao.

Pagliko niya ng daan ay hindi niya napansin ang mabilis na paglakad ng isang tao. Muntik na niya itong makabungguan kung hindi sya nakahinto agad.

Ngunit nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang nasa harap niya ngayon.

Si Kelvin.

"R-ronan." Nabigla din ito ng makita sya.

Mahigit isang buwan silang di nagkita pero tila kahapon lang nangyari ang lahat. Naalala niya ang ginawa nitong kagaguhan sa kanya. Ngunit tila wala ng galit o takot na namamayani sa puso niya ngayon para dito. Hindi niya alam kung bakit. Tila nga sobrang dali lang niyang magpatawad. Madali nga lang ba siyang magpatawad?

"Kelvin," tugon niya. "B-bakit ka nandito?"

Hindi naman ito makatingin sa kanya ng diretso. "Dinaanan ko lang yung Tita ko. Diba dito sya nakatira malapit sa'yo."

"Ganun ba?" Tanging tugon ko.

"Ahmm.. A-aalis na ko." Tila ito kinakabahang nag-iwas ng tingin at nagsimula ng lumakad sa ibang dako.

Nakatingin lamang siya sa kinilos nito. Nagulat din sya sa pagtatagpo nilang dalawa.

Ngunit di niya inaasahan ng bigla na lamang itong mapahinto at tumingin pabalik sa kanya. Mabagal itong bumalik sa dating puwesto.

"B-bakit?" Tanong niya.

"G-gusto lang sana kitang makausap. T-tungkol sa ating dalawa."

Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala namang parte ng utak niya ang tumututol sa gustong gawin nito.

Tumango siya simbolo ng pagpayag nya sa gusto nito.

"S-saan mo ba gustong makipag-usap?" tanong niya dito.

"K-kahit saan. Gusto ko lang makipag-usap sayo ng masinsinan."

"Tara sa BGC." Sambit niya.

Inaya siya nito sa kotse nito. Sumakay naman siya.

Masahista sa Guadalupe (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon