NAKAAKBAY si Janus kay Ronan habang nasa harap ng puntod ni Angelo.
Maayos at malinis ang museleo. Kulay puti ang pintura at ang tiles. Napagtanto niyang alagang -alaga ang lugar na iyon dahil walang alikabok nang subukan niyang himasin ang nitso.
Pinalitan ni Janus ang bulaklak na nasa ibabaw ng nitso. Dumaan sila kanina sa pamilihan upang bumili nito.
"Angelo, bunso. Si Kuya Janus mo ito."
Nakatingin sila sa litrato na napapagitnaan ng dalawang kandilang sinindihan nila kanina.
"Kasama ko si Ronan, yung kamukha mo. Para kayong kambal talaga."
Tumingin si Janus sa kanya habang nakangiti. Matipid siyang tumugon ng ngiti dito.
"Angelo, di ba sabi ko sayo kapag nagmahal ako ulit, ipapakilala ko sya sayo. Eto na sya oh. Nandito na yung mahal ko."
Lihim syang kinilig sa sinabi ni Janus. Ang sarap pakinggan dito na iniibig sya nito at pinakilala pa sa isang mahalagang tao sa buhay nito.
"Hi, Angelo," bati ni Ronan sa larawan.
Kung hindi lang talaga niya alam na kapatid ito ni Janus ay aakalain niya talagang nakaharap lamang siya sa salamin. Ang pinagkaiba lamang nila ay wala itong nunal sa kanang sentido.
"Ako si Ronan. Alam ko nakatingin sa amin ngayon ni Janus mula sa langit. Sana lagi mong gabayan tong kuya mo para hindi na siya bumalik sa mga pinaggagawa niya dati."
Nakatingin lamang si Janus sa kanya. "P-paano mo nalaman?"
"Ang alin? Na dati kang doktor. Na naloko ka ng nawala si Angelo. Na kinalimutan mo ang lahat dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya? Alam ko na ang lahat, Janus. Ikaw na lang ang hinihintay kong magkwento niyan sa akin."
Humarap ito sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi. "Sinabi ni ate?"
Tumango sya dito. "Wag kang magagalit sa kanya ah."
"Totoo naman lahat ng sinabi niya kaya wala kong karapatang magalit."
Humarap syang muli sa larawan ni Angelo. Nagpatuloy siya. "Mamahalin ko ang kuya mo ng sobra. Di ko sya hahayaang malungkot ulit. At pangako, hindi ko sya iiwan."
Buong puso niyang mamahalin si Janus. Kahit sobrang bilis nilang nagkakilala. Iba talaga yung nararamdaman niya sa lalaki. Sobrang bilis niyang nahulog dito.
Alam niyang delikado ang lahat ng iyon. Pero susugal siya.
"So, payag ka ng ligawan kita?" Bulong ni Janus sa kanya.
Napangiti naman siya sa sinabi nito. Pagkatapos ng halikan nila at muntikan na ngang may mangyari sa kanila, tsaka ito magtatanong ng ganoon. "Kailangan mo pa ba kong ligawan?"
Natawa din ito. "Oh sige ganito na lang..."
Humarap itong muli sa yumaong kapatid. "Sa harap ng puntod ng kapatid ko, ipapangako ko. Magiging tayo Ronan, pero araw araw kitang liligawan."
Kinilig siya ng sobra sa sinabi nito. Di niya napigilan ang sarili at napayakap siya dito ng mahigpit.
Eto na nga ang simula ng bagong kabanata sa buhay ni Ronan. Alam nyang ito pa lang ang simula ng lahat. At handa syang harapin iyon para sa bagong pag-ibig.
*****
Umahon galing sa dagat si Ronan. Kanina pa sya nakababad sa tubig dahil sa paglangoy ng hapon na iyon.Hindi matatawaran ang ganda ng beach na pinuntahan ni Janus. Napakalinis ng tubig at napakapino ng buhangin. Mistula itong isang paraiso.
BINABASA MO ANG
Masahista sa Guadalupe (boyxboy)
RomansaBrokenhearted si Ronan dahil nahuli lang naman niya sa akto ang kanyang boyfriend na may kasiping na ibang lalaki. Yes, in the act of making love. Sobra siyang nasaktan dahil ito ang kauna-unahan niyang kasintahan sa "ganoong" uri na relasyon kung...