Chapter 15 - Imperfect

4.1K 92 67
                                    

A/N: Salamat po may nagbabasa pa rin po pala. Susubukan ko na po siyang tapusin.

-----

"SAAN ba tayo pupunta?" Tanong ni Ronan habang akay-akay siya ni Janus. Nakapiring siya ng panahon na iyon kaya't wala siyang nakikita.

"Basta. Malapit na tayo."

Inalalayan siya nitong maglakad hanggang sa di kalaunan ay huminto sila. Nakangiti lamang si Ronan habang hinihintay ang susunod na mangyayari.

"Ready ka na?"

"Ewan ko sa'yo. Ang dami mo namang pakulo." Tugon nito.

Narinig niya ang pagtawa nito at di kalaunan ay tinanggal na ni Janus ang panyong nakatali sa kanyang ulo.

Halos lumuwa ang mata ni Ronan dahil sa nakita.

"G-ginawa mo to?" Tanging nausal niya.

"Yes. For you, baby."

Ang kanyang paanan ay puno ng talutot ng pulang rosas. Patungo ang mga rosas na iyon sa lamesa. At ang paligid ay punong puno ng christmas lights na kulay puti. Sa background naman ay may tumutugtog na mahinang musika.

Sobrang ganda.

Kulang ang salita para ipaliwanag ni Ronan kung gaano siya kasaya sa nakita. Akala niya ay sa pelikula lamang nangyayari ang ganitong bagay. Hindi niya lubos maisip na may isang taong gagawa ng ganitong bagay sa kanya at maglalaan ng oras para mapasaya sya ng ganoon.

Para syang naestatwa sa kinatatayuan at kung hindi pa hinawakan ni Janus ang likuran niya ay hindi pa sya tatalina. Inakay siya nito para umupo sa nakahandang mesa na may wine sa ibabaw.

"Sobrang ganda, Janus." Wala sa sariling nasambit ni Ronan. Higit pa ito sa ineexpect niya. Akala niya ay kakain lang sila sa labas. Iyon pala ay ganito ang masusumpungan niya ngayon. Daig pa niya ang babae dahil sa ginawa nito.

"Salamat dahil natuwa ka sa surprise ko."

"Sino ba namang hindi matutuwa sa ginawa mong 'to?" Kinikilig na tugon niya. "Sobrang ganda, promise."

"Makita lang kitang masaya, masaya na din ako. Gagawin ko ang lahat para sa'yo, makita ko lang yang ngiti mo na yan." Inabot nito ang kamay niya. "I love you, baby."

"I love you, too."

Maya-maya ay napagpasyahan na nilang kumain.

Sa gitna ng pagkain nila ay tumugtog ang kantang paborito ni Ronan.

Looking in your eyes, I see a paradise.

This world that I found is too good to be true.

Standing here beside you, want so much to give you.

This love in my heart that Im feeling for you.

"Hey." Kuha ni Janus sa atensyon niya.

Tumitig siya dito. "Yes?"

"Can we dance?"

Iyon din ang tumatakbo sa isip niya ng panahon na iyon. Tumango sya at mabilis na tumayo. Pumunta sya sa gilid at hinintay itong kumilos. "Dali na."

Natatawang tumayo ito. "Akala ko tatanggi ka eh."

"Choosy pa ba ako?"

Kumilos ito. At habang papalapit ito sa kanya, parang sa pelikula ay tila naging slow motion ang paglakad nito.

Nakatingin lamang siya sa nakangiting binata. Sobrang gwapo talaga nito ngayon sa suot na light blue na polo. Naka-brush up pa ang buhok kaya't kitang kita mo ang bawat anggulo ng mukha nito.

Masahista sa Guadalupe (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon