Bandang hapon ng magtungo sila Janus at Ronan sa ilog na malapit lamang sa kanilang bahay. Sinabihan si Ronan ng kanyang mga magulang na i-tour daw si Janus sa lugar nila.
"Pasensiya na sa mga magulang ko Janus ah. Sobrang daldal talaga ng mga iyon." Sambit niya habang binabagtas ang daan patungo sa ilog.
"Ayos lang iyon. Mabuti ka nga at may masasayang mga magulang. Hindi tulad ng sa akin."
Ramdam niya ang lungkot sa boses nito. Nang tignan niya ito ay nakatingin ito sa palubog na araw. Napatitig na din siya sa kulay kahel na mga ulap. Napakaganda niyon.
Nagpatuloy ito. "Maswerte ka na may buo kang pamilya. At mahal ka nila ng sobra."
Ilang beses na niyang nasabi iyon sa sarili kung gaano siya kapalad na magkaroon ng maarugang mga magulang. Ngunit iba pala kapag may ibang naka-appreciate noon. Lalo pat si Janus ang nagsabi. Sa tono kasi ng boses nito ay tila napagkait dito ang ganoong mga bagay.
"M-mahal ka din naman siguro ng pamilya mo dahil pamilya mo sila. Maiintindihan nila kung ano o sino ka at kung anong mga naging desisyon mo sa buhay. And at the end of the day, sila din naman ang makakasama at tutulong sayo." Wala siyang alam sa pinagdadaanan nito ngunit iyon ang alam niyang pundasyon ng isang pamilya.
Tahimik lang ito hanggang sa marinig na niya ang daloy ng tubig sa ilog.
Na-miss niya ang tunog ng agos nito lalo na ang feeling na lumangoy dito. Ito ay naging parte ng kanyang kabataan. Kapag may iniisip siya ay uupo lang siya sa batuhan paharap ng ilog at tila inaagos na ang lahat ng bigat ng loob na meron siya. Kapag umuuwi siya ay pumupunta siya doon upang maligo. Minsan ay kasama niya ang mga pinsan at kababata niya.
"Dali na maligo na tayo." Sambit niya at nilapag na ang tuwalya at pamalit nilang damit.
Agad siyang naghubad ng pang-itaas. Ganoon din ang ginawa ni Janus. At tulad ng inaasahan ay napasadahan na naman niya ng tingin ang matipunong katawan nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin bago pa man gumana ang malisyosong parte ng utak niya.
Nagtampisaw siya sa malamig na tubig ng ilog. Nasa dalawang tao ang lalim ng ilog na iyon ngunit hindi naman ganoon kabilis ang daloy ng tubig kaya't hindi ka naman malulunod. Lumangoy siya ng malalim at hinintay ang pagbaba ni Janus. Ngunit napakatagal nito kaya't ilang sandali pa ay iniahon niya ang ulo sa tubigan.
Laking gulat niya sa nakitang itsura ni Janus. Matapos pa lang hubadin nito ang pang-itaas ay tinanggal din nito ang suot nitong pantalon kayat brief na lang ang natira dito. Tila itong isang diyos sa Greek Mythology na bumaba sa Mount Olympus upang makahalubili ang mga simpleng mortal na katulad niya.
Nag-stretching muna ito kaya't nakita niya ang pag-flex ng mga muscles sa iba't ibang bahagi ng katawan. Matipuno ito na hindi nalalabis sa anyong nakikita niya sa mga patimpalak ng palakihan ng katawan. Iyong sakto lamang na pigura na alam mong kaya kang ipagtanggol sa kapamahakan at kaya kang ikulong sa bisig at hindi mo na iisipin pa ang kinabukasan. Well-toned abs, broad shoulder, muscled arms and handsome face, tila lahat ay napakaganda dito. At siya, napakasuwerte niya na kapiling ang binata.
"Why are you staring at me like that? Like you wanted to eat me or something?" Sambit nitong nakataas ang gilid ng labi. Pinamulahan siya ng mukha. Mabuti na lamang at lumusong na ito sa tubigan kaya't hindi nakita ang naging itsura niya.
Naghabulan sila sa tubig at minsan ay nararamdaman niya ang pagyakap nito sa kanya. Naiilang siya sa hindi niya malamang dahilan kaya't lumalayo siya. Ngunit tila hindi nito napapansin iyon at patuloy lamang ang pagtutudyo sa kanya.
Sabay silang iniahon ang ulo ng may iabot ito sa kanya. Nagulat siya ng mapagtanto kung ano ang bagay na binigay sa kanya.
Ang brief nito! In its powdered blue form.
BINABASA MO ANG
Masahista sa Guadalupe (boyxboy)
RomanceBrokenhearted si Ronan dahil nahuli lang naman niya sa akto ang kanyang boyfriend na may kasiping na ibang lalaki. Yes, in the act of making love. Sobra siyang nasaktan dahil ito ang kauna-unahan niyang kasintahan sa "ganoong" uri na relasyon kung...