Chapter 3 - Grand Eye Ball

7K 112 2
                                    

A/N: Sorry na sa mga maling punctuation sa previous chapters at sa mga susunod pa. I'm trying my best to correct them. Sa MS word kasi ako sanay magsulat at nililipat ko lang dito sa watty. First timer talaga. Hohoho.

-----

Tulad ng inaasahan ay nasa gilid na naman si Ronan dahil ang kaniyang magaling na bestfriend ay naglilibot libot pa ng table para maka-chika ang lahat ng miyembro ng clan. Nasa isang resort sila sa Laguna ng gabing iyon kung saan ginanap ang Grand Eyeball at padespedida ni Mama Becky.

Siguro ay nasa 60 mahigit ang tao na lahat ay mga bisexual, may mga tripper daw, mga baklang bakla, may paminta at iba ibang uri ng kabadingan na tila sasabog na ang resort sa sobrang ingay at gulo nila.

Pero tahimik lang siya sa isang tabi. Mabuti na lang at gabi iyon kayat wala gaanong nakakakita sa kanya. Kinakalikot niya ang kanyang cellphone at nagsi-COC o Clash of Clan. Actually, bagong download niya lang iyon at wala talaga siyang alam sa laro maliban sa idedevelop mo ang kampo mo tapos sasali ka sa isang clan at maglalaban ang mga clan na ito. Hindi siya sigurado. Gusto niya lang may pagkaabalahan at hindi makatinginan ang mga miyembro na sumusulyap pag nakikita siya.

Last year ay tinanghal silang loveliest couple ni Kelvin sa mismong resort din na iyon. Mayroon pa kunwaring awarding at picture taking. Nang umabot sa tatlo ang bilang ang photographer ay bigla siyang hinalikan ni Kelvin kaya naman nakuhanan sa camera ang ginawa nito. Kilig na kilig ang mga taong naroon. Kilalang kilala sila ng buong clan lalo pa ng ma-post sa kanilang secret group ang picture nilang dalawa. Nakaani iyon ng madaming likes.

Pero ngayon ay mag-isa na lamang siya.

At si Kelvin ay kasama ang mga miyembro at masayang nakikipagkuwentuhan sa mga ito. Si Kelvin kasi yung tipo ng taong madali mo lang maging kaibigan lalo pa sa mga mata nito na parang palaging nakangiti. Malakas din ang sex appeal nito kaya naman nahahalina nito ang lahat ng taong naroon sa lugar dahil lahat naman sila ay may berdeng dugo.

Hindi siya pinansin nito sa pagpasok nila ni Chester. Tila isa siyang estranghero sa paningin nito. Di yata't nasaktan talaga ito sa pagpapakita niya dito sa boyfriend niya. Kung alam lang nito ang totoo.

Hay. Nandito ako sa GEB ng clan at naglalaro ako ng Clash of Clan. Puro na lang clan. Ang saya saya di ba? Bulong niya sa sarili.

Pinilit niyang intindihin ang nilalaro niya pero di talaga niya ma-gets ito. Di naman kasi siya mahilig sa mga laro na iyon tulad ng DotA o League of Legends at pati ng Candy Crush at Temple Run ay kinatatamaran niya. Ang laro lang talaga niya sa cellphone ay Text Twist pero dahil paulit ulit na lang ang word (lahat kasi ay nasagutan na yata niya) ay nagsawa na din siya.

Kaya naisipan niyang puntahan na si Chester at tumungo kay Mama Becky na narinig niyang dumating na daw at nasa loob ng isang room sa resort. Ibabalik na sana niya ang phone sa kanyang bulsa ng makita niya ang dalawang binti sa kanyang harapan. Kanina pa kaya ito doon? Nang mag-angat siya ng ulo ay nagtagpo ang mata nila ng isang pamilyar na mukha na wala na siyang balak alalahanin pa.

"Hi!" Napakakaswal lang ng pagbati nito at bahagyang ngumiti pa sa kanya.

"Hello. Kamusta?" Ngumiti din siya dito. Itinago niya ang galit na mistulang gustong lumabas sa kanyang kamao.

"Okay naman ako. Kami ni Kelvin." At tumingin pa ito sa puwesto ni Kelvin pabalik sa kanya. "Gusto mo bang sumama sa amin?"

"Okay na ko dito Rick. Baka maistorbo ko lang ang paglalampungan niyong dalawa.". Di niya napigilang magpasaring dito. Ito lang naman ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Kelvin. Ito ang nahuli niyang dinodoggy style ng kanyang dating kasintahan. Miyembro din ito ng clan at dito ito nakilala ni Kelvin.

Masahista sa Guadalupe (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon