A/N: Wala pang love or super kilig scenes kasi dine-develop ko pa lang ang mga pangunahing tauhan, kung paano mabubuo yung chemistry sa kanilang dalawa. Hindi kasi puwedeng basta na lang sila ma-inlove sa isa't isa. For now let's see kung saan papunta yung pagkikita nila ulit.
Happy reading mga bes! :D
----------
"Simple lang ang larong ito." Paliwanag ni Janus. Paharap silang nakaupo sa isa't isa at napapagitnaan ng isang lamesa. "Magsasabi ako ng bagay tungkol sayo at pag tama ako, iinum ka ng alak. Pag naman mali, ako naman ang iinom. Bawal magsabi ng bagay na obvious na o general fact. Dapat specific. Pero ang pinakamahalagang rule dito ay bawal magsinungaling."
Tumango siya. Gusto din niyang makilala ng lubusan ang bagong kaibigan.
"Bawal magsinungaling ah." Ulit nito at ngumiti sa kanya.
"Oo, naiintindihan ko."
"Baka kasi di mo naintindihan. Kanina ka pa nakatitig sa akin."
"H-ha?"
"Sabi ko, magsimula na tayo." Sambit nito. Pinamulahan siya ng mukha.
"S-sige ikaw na magsimula." Saad niya.
Saglit na nag-isip ito. "May lahi kang kastila." Inabot nito ang baso ng alak sa kanya. "Hula lang. Brown kasi ang mata mo eh."
Ang galing namang manghula nito. Tinungga niya iyon. "Ako naman." Ano bang magandang itanong? Sa isip niya.
"May lahi kang amerikano." Sabi niya at inabot dito ang baso.
Tinanggap nito iyon ngunit binalik din sa kanya. "Hindi amerikano ang lahi ko. I'm half Australian."
Ininom niya ang laman ng baso.
"Ako naman." Tinitigan siya ni Janus ng mataman. "Only child ka?"
Tama ito kaya naman uminom siyang uli.
"Paano mo nalaman?"
"Hula ko lang yon."
"Okay. Ako naman ang magtatanong." Nag-isip siya. "Y-you're parents are dead?"
May nakita siyang kalungkutan na dumaan sa mga mata nito. Akala niya ay tama siya ngunit inabot nito sa kanya ang alak. "Mali. Buhay pa sila."
"Ako ulit." Nakangiti na ito sa kanya. "Last year mo na sa college."
Tama ulit ito kaya uminom uli siya. "Ang daya mo. Sinabi na yata ni Chester sayo ang lahat eh."
"Uy walang ganoon. Tsaka bakit ko naman tatanungin ang tungkol sa'yo kay Chester."
Aray ko naman. Hindi niya alam kung bakit siya nasaktan ng bahagya sa sinabi nito. "Malay ko naman." Bulong niya.
"Anong sabi mo?"
"Wala! Sabi ko ako na magsasabi." Tinitigan niya ito. "27 years old ka na?"
"Sorry, 28 ako." Sagot nito at tumatawang inabot sa kanya ang baso ng alak.
"Andaya! Pakita ng ID mo!"
Kinuha nito sa bag ang wallet at binigay sa kanya ang drivers license nito.
Janus Evangelista pala ang buo nitong pangalan. Tinitigan niya ang larawan nito. Ang gwapo talaga, bulong niya sa isip.
"Baka naman malusaw yan. Birthday ko lang ang titignan mo."
Binalik din niya ang license nito. "Patagal ng patagal. Pahangin ka ng pahangin."
"Eh yun ang napapansin ko eh."
BINABASA MO ANG
Masahista sa Guadalupe (boyxboy)
RomanceBrokenhearted si Ronan dahil nahuli lang naman niya sa akto ang kanyang boyfriend na may kasiping na ibang lalaki. Yes, in the act of making love. Sobra siyang nasaktan dahil ito ang kauna-unahan niyang kasintahan sa "ganoong" uri na relasyon kung...