A/N: Thank you po sa mga nagbasa at patuloy na magbabasa. Sorry dahil natagalan ang update.
Enjoy!!
------
"Ronan."
Napaangat siya ng mukha. Nasa balcony siya ng bahay nila Janus at pilit kinakalimutan ang nangyari kanina.
Ang ate Lea nito ang nagsalita.
"A-ate Lea."
Napangiti ito. "Now you're calling me ate!"
"Hehe. Bawal po ba?"
"Naku hindi ah. Ang saya nga pakinggan eh. N-namiss ko lang."
"Sige po, ate na lang po itatawag ko sa inyo.
"Yes, please. Hmm. Okay lang bang samahan kita dito?"
"Okay lang po, sa inyo naman po itong bahay eh."
Natawa ito. "Hindi yun! I mean mukhang may iniisip ka kasi. Iistorbohin lang sana kita."
"Naku wala naman po kong importanteng iniisip."
"Hmmm. Sige."
Sumandal ito sa barandilya. Nakatingin lamang siya.
"Kamukhang kamukha mo ang nakakabata kong kapatid, alam mo ba yun?"
Napatango siya. "Opo, laging sinasabi sa akin ni Janus. Na kahawig ko nga po si Angelo."
"Yes, kaya nakaka-miss lang nung tinawag mo akong ate. Para kasing siya din ang tumatawag nun sa akin."
Napatango siya sa sinabi nito. Mahal na mahal siguro ng mga ito si Angelo.
"Nung mawala siya, Ronan, sobra kaming nalungkot. Pero mas nalungkot si Janus. Hindi sya kumain ng ilang araw. Nagkulong lang siya sa kwarto. Nagpakalasing. Hanggang sa araw ng libing ni Angelo, sobrang umiyak yang kapatid ko. Sobrang down na down siya. Idagdag pa na sya ang sinisisi ng buong pamilya dahil sa nangyari..."
"Masakit din para sa akin pero hindi ko sinisi si Janus dahil aksidente ang lahat. Ayoko na ding dagdagan ang dinadamdam ng kapatid ko. Isa na nga ang nawala, hahayaan ko pa bang lumayo din ang loob nung isa? Kaya inalalayan ko si Janus na maging okay ulit. Pero mahirap, sobra niyang dinandam ang nangyari."
"A-ano pong ibig niyong sabihin?"
"Ronan, kung di pa niya nasasabi sayo. Na-rehab si Janus. Natuto siyang magdroga."
Nagulat siya sa binunyag nito. Hindi niya ma-imagine na napagdaanan iyon ni Janus. Sobrang nasaktan talaga ito sa nangyari.
"Nagulat ka ba? Well, ngayon tumigil na siya kaya wag kang mag-alala. After niyang marehab, sinubukan niyang itayo ulit ang sarili. Kaso natanggalan siya ng lisensya. Isa siyang doktor, Ronan."
Napamaang na lamang siya. Ang dami pa pala niyang hindi nalalaman sa lalaki.
"Pero kinalimutan niya ang lahat.." patuloy nito. "He started from scratch. Alam ko, naging masahista siya. Nito ko na lamang nalaman iyon kasi nawalan talaga ko ng balita sa kanya...
Actually, tito ko ang may-ari nung business na iyon. At para hindi ako mawalan ng balita sa kanya, pinakiusapan ko syang doon na lamang pumasok. Nung una ay sa Cabanatuan sila dahil doon nakatira ang tito ko ngunit nagdesisyon syang lumipat sa Maynila."
Iyon siguro ang dahilan kung bakit nagpunta itong Cabanatuan ngunit dahil sa nawalan ito ng gamit ay dumiretso ito sa bayan nila sa San Jose City.
Humarap ito sa kanya. Di niya inaasahan ng hawakan nito ang kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Masahista sa Guadalupe (boyxboy)
RomanceBrokenhearted si Ronan dahil nahuli lang naman niya sa akto ang kanyang boyfriend na may kasiping na ibang lalaki. Yes, in the act of making love. Sobra siyang nasaktan dahil ito ang kauna-unahan niyang kasintahan sa "ganoong" uri na relasyon kung...