Dalawang linggo ang lumipas. Naging busy si Ronan sa pag-aayos ng kanyang OJT. Sa unang mga araw ay simple lang ang ginawa nila. Pinakilala sila ni Zander sa buong team na kabibilangan nila ni Chester. Ito din ang nag-orient sa mga trabahong kailangan nilang gawin.
Sa mga sumunod na araw ay naging mahirap na ang kanilang mga nakatakdang gawain. Ramdam na nila na parte sila ng kumpanya dahil sa dami ng dapat tapusin kada araw.
Gayumpaman ay ginawa nila ang kanilang trabaho ng maayos. Ayaw naman ni Ronan na may masabi si Zander sa performance niya.
Isa pa ay iniisip din niyang ito na ang huling baitang na dapat niyang tawirin sa kolehiyo. Makaka-graduate na sya. Konting konti na lang.
Kaya kahit magulo ang isip dahil sa mga nangyari ng nakalipas na linggo ay pinili niyang magfocus muna sa OJT.
"We're here."
Nilingon ni Ronan ang nagsalita. Nakangiti ito sa kanya habang hawak ang manibela. Bumalik ang tingin nito sa kalsada at dahan dahang pinarada ang sasakyan sa tapat ng kanilang apartment.
"Salamat, Sir." Tugon niya.
Napakunot ang noo nito dahil sa sinabi niya. "Ang kulit mo talaga. Sinabi ko ng wag mo na kong tatawaging 'Sir' sa labas ng opisina eh."
"Ah..Sorry na.. Nakakalimutan ko kasi, Zander."
Tumango ito na may malawak na ngiti. "Ayan. Mas okay pakinggan."
Natawa na lang sya. "Pero salamat talaga sa paghatid. Nakatipid tuloy ako sa pamasahe."
"Wala yun. Ikaw pa ba?" Nakita niya ang pasimple nitong pagtingin sa kanya na tila hinihintay ang kaniyang magiging reaksyon. Ngumiti na lamang sya dito bilang tugon.
"Ah. Gusto mo bang pumasok sa loob muna? Ipagluluto kita ng dinner."
Hindi niya inaasahan ng hawakan nito ang kanyang kamay. Nakaramdam sya ng kaba sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Idagdag pa na dalawa lamang sila sa loob ng kotse nito.
Ngunit kahit naiilang ay hindi niya binawi ang kamay dito. Para kasing may mali kung gagawin niya iyon. Sa lahat kasi ng tulong na ginawa nito sa kanya, ayaw naman niyang ipagkait dito ang simpleng bagay na tulad ng ganoon.
"Are you asking me for a date?" Tanong nito sa kanya kinalaunan.
Natilihan naman sya. Ganoon ba talaga ang tingin nito sa pag-aaya niya? "Ah.. Ano.. Zander.. Ahm.."
"Silly." Natawa ito dahil sa naging reaksyon niya.
"Oh, sorry if I made you uneasy," wika nito ng hindi pa rin sya magsalita. "Binibiro lang kita."
Napahampas niyaa ang braso nito. "Date agad? Hindi puwedeng gusto ko lang magpasalamat sa'yo kaya kita ipagluluto?"
"Masakit ah." Sambit nito at hinawakan ang braso.
"Sorry na. Ikaw kasi eh. Kung ano anong iniisip mo."
"Sus. Ikaw lang naman ang nasa isip ko eh."
Hindi na naman sya makapag-react sa sinabi nito. Lagi itong ganito sa kanya. Binabanatan sya ng mga sweet lines na makakapagpatameme sa kanya. At hindi lang sa ganito ito magaling. Sa trabaho ay lagi din itong nagtatanong kung okay lang ba sya. Kung kumain na ba sya. Minsan nga ay pinandidilatan na lamang niya ito para ipaalalang nasa trabaho sila ng panahong iyon at boss niya ito.
Hindi naman sa kinikilig siya pero tao din naman sya para makaramdam ng kakaiba sa mga sinasabi at ginagawa nito. Noong una ay naiilang sya at pinipigilan niyang gawin nito iyon. Pero dahil makulit si Zander ay hindi ito nakinig sa kanya. Patuloy lamang ito sa ginagawa hanggang sa makasanayan na lang niya iyon.
BINABASA MO ANG
Masahista sa Guadalupe (boyxboy)
RomansaBrokenhearted si Ronan dahil nahuli lang naman niya sa akto ang kanyang boyfriend na may kasiping na ibang lalaki. Yes, in the act of making love. Sobra siyang nasaktan dahil ito ang kauna-unahan niyang kasintahan sa "ganoong" uri na relasyon kung...