Dalawang araw ang lumipas at wala silang naging komunikasyon ni Janus. Gustuhin man niyang maka-chat ito ngunit kahit i-search niya sa facebook ang pangalan ni Janus ay wala siyang makita. Hindi pa rin niya kinukuha ang number nito sa matalik na kaibigan. Nahihiya siyang kunin ito at hindi niya alam kung bakit. Wala siyang tinatago sa kaibigan pero sa puntong iyon ay gusto niyang ilihim ang nararamdaman niya para sa lalaki.
Si Kelvin naman ay hindi na muling nagparamdan sa kanya pagkatapos ng nangyari. Mabuti na lamang dahil hindi niya alam ang masasabi niya. Isa pa ay may takot siyang makita ito. Na-trauma nga yata siya dahil sa nangyari.
Madaling araw ay nakapila si Ronan sa bus station upang umuwi ng Nueva Ecija.
"Nanay, uuwi na po ako." Sambit niya sa kanyang ina habang kausap sa telepono. Excited na din siyang makapiling ang mga magulang. Isang beses lang siya nakakauwi kada buwan at sa huling buwan ay hindi pa siya nakaluwas dahil sa sobrang daming gawain sa eskuwela.
"Yan ang inaasahan kong madinig anak. Miss ka na namin ng tatay mo. Ano bang gusto mong kainin?"
"Pinakbet po Nay."
"Ayy saktong sakto dahil kabibili ko lang ng gulay. Bagong bagsak lang ng gulay kila Aling Maria. Tiyak bang makakarating ka ng tanghali? Sabagay madaling araw pa lang naman at sana'y hindi ka ma-traffic sa pag-uwi mo."
"Sana nga po."
"Oo nga. Oh? Kamusta naman ang mga grades mo?"
"Pasado po lahat Nay. Uno po lahat."
"Naku. Nakakatuwa talaga anak. Ibabalita ko iyan sa Tatay. Bilisan mo na ngang umuwi ng mayakap ka na ulit namin."
Ganyan kalambing ang kanyang mga magulang sa kanya. Mahirap lamang sila ngunit mayaman naman siya sa pagmamahal. Idagdag pa na mag-isa lamang siyang anak. Kaya't malapit na malapit talaga siya sa mga magulang.
Pagdating ng bus ay umusad na ang pila. Sa bandang gitna siya naupo katabi ng bintana. Sinuot niya ang headphone at pinatugtog ang kanyang paboritong kanta. Napapikit siya at sumabay sa kanta buhat sa kanyang cellphone.
Looking in your eyes, I see a paradise.
This world that I found is too good to be true.
Standing here beside you, want so much to give you.
This love in my heart that Im feeling for you.
Let them say were crazy, dont care bout that.
Put your hands around me baby, dont ever look back.
Naramdaman na lamang niya na mayroong sumalikop ng kamay niya at hinawakan siya ng mahigpit.
Pagmulat niya ng mata ay hindi niya inaasahan ang nakita. Si Janus na nakangiti sa kanya.
Let the world around us, just fall apart.
Baby we can make it if were heart to heart
Dugtong nito sa kanta niya.
Napabaligwas siya ng upo at binawi ang kamay. "Anong ginagawa mo dito?"
"May pupuntahan ako."
"Totoo ba? Sino naman ang pupuntahan mo sa Nueva Ecija?"
"Secret." At hinawi nito ang hood ng jacket.
"S-sinusundan mo ba ko?" Hindi niya maiwasang itanong dito.
Nilapit nito ang mukha sa kanya na ikinaatras niya. "Paano kung oo?"
"Eh.. di.. WOW." Wala na siyang masabi. Sa distansiya nilang iyon ay maaari ng abutin ng labi niya ang mapupulang labi nito. Dalawang araw pa lang ngunit na-miss na niya ito lalo na ang kakulitan nito. Tinulak niya ang mukha ni Janus.
BINABASA MO ANG
Masahista sa Guadalupe (boyxboy)
RomansBrokenhearted si Ronan dahil nahuli lang naman niya sa akto ang kanyang boyfriend na may kasiping na ibang lalaki. Yes, in the act of making love. Sobra siyang nasaktan dahil ito ang kauna-unahan niyang kasintahan sa "ganoong" uri na relasyon kung...