Chapter 10 - Sorry

3.2K 119 13
                                    

🎵Looking in your eyes, I see a paradise.

This world that I found is too good to be true.

Standing here beside you, want so much to give you.

This love in my heart that Im feeling for you.

Let them say were crazy, dont care bout that.

Put your hands around me baby, dont ever look back.🎵

Napailing na lang si Ronan dahil sa tugtog na nagmumula sa speaker ng taxi. Kasalukuyan nilang binabaybay ang EDSA papunta sa terminal ng bus pabalik ng probinsya.

"Palipat naman ng station, kuya." Sambit niya sa driver.

Sumunod naman ito sa kanya. Umayos sya ng upo at nakita niya ang nakangising si Zander.

"May naalala ka?" Pansin nito.

"W-wala naman." Mabilis syang ngumiti upang itago ang nararamdamang emosyon.

Naalala niya kasi ang panahong kinantahan sya ni Janus sa bus pauwing Nueva Ecija. Eto din yung kantang iyon. Isa iyon sa mga masasayang panahon na magkasama sila na ayaw na niyang maalala pa.

"So, hindi lang pala sya pretend boyfriend?" Turan ni Zander.

"O-oo, ang bilis nga ng lahat eh."

Sa buong durasyon ng biyahe sa eroplano mula Davao pabalik ng Maynila ay iginalang nito ang pagiging tahimik niya. Ano ba naman kung magsabi sya dito ngayon? Tutal ay ito ang dahilan kaya nakabalik syang Maynila. Isa pa ay gusto niyang may paglabasan ng nararamdaman niya.

Kinuwento niya dito ang lahat. Mula sa pagkakakilala nila ni Janus hanggang sa matapos ang kanilang relasyon.

Tumatango lang ito sa kanya. Nang matapos sya ay tila malalim ang inisip nito.

"Huy, bakit bigla kang natahimik?" Untag niya.

"Ahm..." Bumuntong hininga ito. "Nakakadalawa ka na kasi samantalang ako hindi pa rin nagkakaroon ng chance sa'yo."

Pinigil niya ang pagtawa. Ang seryoso kasi ng itsura nito. "S-sorry na."

"Di bale. Ang mahalaga, hiwalay na kayong dalawa. Tsaka saglit pa lang naman kayong nagkakilala. Madali mo lang syang makakalimutan."

"Sana nga." Sa loob loob niya.

Alam niyang naging unfair sya kay Zander. Dati ay nagpakita ito ng motibo sa kanya ngunit pinigilan niya. Sinabi niya pang ayaw niya munang magkaroon ng relasyon kahit kanino. Pero ng dumating si Janus ay agad silang nagkaroon ng relasyon ni Janus.

Napatitig siya dito. Gwapo si Zander. Moreno at matangkad. Mabait pa. Pero wala talagang spark. Ibang iba pag kasama niya si Janus. Ang mabibigay niya dito ay purong pagkakaibigan lamang.

Pero paano kung bibigyan niya ng chance ang sarili na kilalanin ito. Napaisip sya na puwede kayang mahulog ang loob niya dito kung sakali.

"Hayst! Ano ba naman Ronan! Kagagaling mo lang sa isang relasyon. Wag ka namang gumamit ng iba para makalimutan sya." Sigaw niya sa isipan.

"Wag mo nga kong titigan ng ganyan," Suway nito sa kanya.

"S-sorry," tangi niyang tugon. Nag-iwas sya ng tingin.

"So, napag-isipan mo na ba yung offer ko sayo?" Pag-iiba nito ng usapan.

Napakunot ang noo niya. "Anong offer?"

"Yung about sa OJT mo? Baka gusto mong sa company na lang namin."

Napatango sya at naalala ang naging usapan nila dati. "Tatanungin ko pa si Chester. Sya kasi ang partner ko sa OJT."

Masahista sa Guadalupe (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon