Chapter 2: Being Captured..

8.1K 129 0
                                    


VERONICA'S POV

"What the hell! Who are you?" he said out load like a roaring thunder.

Halos panawan ako ng ulirat by just hearing his voice na parang may kasamang hampas ng kidlat dahil talagang nakakatakot. Isama mo pa ang nananakit kong tiyan na feeling ko namamaga na ngayon dahil sa malakas na pagkakasipa niya sakin. Para siyang paa ng kabayo kong makasipa. Napakalakas at napakasakit. Di ko nga mapigilang maiyak sa sakit e.

Nataranta ako ng bigla niya akong hawakan ng mahigpit sa braso ko at marahas na hinila ako patayo. Kahit namimilipit sa sakit pinilit kong kumawala sa mahigpit na pagkakahawak niya. "Bitiwan mo ko." nagpapanic na sabi ko. Shit! Kailangan kong makatakas sa kanya ngayon. Wala sa hinagap ko na ganito kaliksi at kagaling ang Montefalco na to. Ang tanga ko talaga kahit kailan. Hindi ko man lang naisip na ang isang tulad niya ay pwedeng maging bihasa sa ganitong klaseng mga banta. Imbis na mapuruhan ko siya ay ako pa itong parang daga ngayon na hawak sa buntot ng isang dambuhalang tigre. Kung sana lang kasi napuruhan ko siya agad sa ulo niya kanena. Pero hindi. Para pa ngang inaasahan na nito ang biglaang pag-atake ko at nataob niya ako ng ganito kadali. I'm helpless now. And probably more helpless pag di ako nakatakas sa mga kamay niya ngayon. I need to think of a way. Pero paano? Walang laman ang isipan ko ngayon kundi takot at pagpapanic. Hindi ko kayang mag-isip ng maayos.

"so tell me why does a beautiful woman intend to harm me just now? hmm?" anang malalim at tila namamagaw na boses niyang tanong sakin. Doon ko lang napansin ang kakaibang paraan ng pagtitig niya sa kabuuan ko. Parang.. nakakapangilabot. Truly a Marick Montefalco is one hell type of a guy who is outstandingly handsome and robust, very masculine. But I loathe him. I loathe every single ounce of beauty he was kasi lahat yun hanggang panlabas na anyo lang. He is a devil inside just like his disgusting murderer father. And also his worthless selfish-cruel-brothers. They disgust me.

"Even if so, d-di kita napuruhan so just l-leave me." she tried her best not to look like a scared puppy as she speaks but she know she failed.

He form a very sexy evil smirks as he look at me. Hell! Did I just call him sexy? Wala talaga ako sa matinong pag-iisip. "leave you?" aniyang tiningnan ako as if saying 'are-you-kidding-me?' Tumawa siya. Yung tipo ng tawang kahit mahina lang ay nakakapangilabot. Napalunok ako. Anlakas-lakas ng tibok ng puso ko ngayon." after what you did you think I'll leave you just that? No way, beautiful." the same time he said beautiful pinasadahan niya ng maiinit na titig ang kabuuan ko and form a smile na para bang may naiisip siya ngayong hindi maganda. Pinanindigan ako ng balahibo sa klase ng mga titig niyang yun. Kung pwede lang mag-evaporate na ako sa harap niya para makatakas sa kanya ginawa ko na.

"b-bakit? a-anong gagawin mo s-sakin?" hindi ko mapigilang mautal ng mautal habang nagsasalita. Iba kasi talaga ang pakiramdam kapag kaharap mo na ang isang Montefalco. Nakakaintimidate sila. Yung tipong hari-harian sila sa mundo na dapat niluluhuran at inaalayan. Ganun sila. Ganun ang datingan nila. Palibhasa lumaking naglulunoy sa pera at kapangyarihan.

"anything, dear. Anything I could do."

Napalunok ako. "p-papatayin mo ko?" it was supposed to be a question pero mas tamang sabihin remark talaga yun ng gagawin niya sakin. Kaya naman ang ritmo ng pagtibok ng puso ko ngayon talagang wala na sa lugar. Hindi na normal. Baka anumang oras ngayon malagutan na ako ng buhay at mamatay. Dios ko! Paano ko pa maipaghihigante ang Nanay at Tatay ko sa mga Montefalco. Mawawalan na lang ba ng saysay ang buong buhay na galit na inipon ko para sa kanela.

Napakislot ako at kamuntik ng mapatalilis ng takbo kong di lang niya ako maagap na napigilan sa braso dahil sa marahang paghaplos niya sa pisngi ko. Ginapang ako ng kakaibang init na nakakakuryente dulot ng maiinit niyang palad na dumampi sa aking pisngi. Ano ba ang nakakapangilabot na pakiramdam na yun? Bakit kakaiba?

Pilit kong hinila ang braso kong hawak niya ng mahigpit at nagpumilit makawala at makatakas pero sadyang hindi ko kayang paglabanan ang lakas niya. "Bitiwan mo ko!" halos nagmamakaawa ng sabi ko sa kanya na tuloy pa rin ang pagpupumiglas.

"not that easy. You are going with me." pagkatapos niyang sabihin yun ay may matalim na maliit na bagay siyang tinusok sa may leeg ko. Dama ko ang sakit na dulot ng maliit at matulis na bagay na yun habang dahan-dahan namang nanghihina ang buong katawan ko. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko pa ang pagkislap ng dulo ng maliit bagay na yun na ginamit niya sakin. Isang injection. Ito na ba ang kamatayan ko? Ang bilis naman..

Montefalco Brothers Series #1: Selfish Desire CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon