Chapter 9: The doors..

5.5K 77 0
                                    


VERONICA'S POV

Kinabukasan, nagising akong nag-iisa sa napakalaki't napakalambot na kama. Laking pasasalamat ko dahil dininig ang panalangin ko kagabi. Hindi ako pinagtangkaan uling pagsamantalahan ng lalaking yun. Natatakot kasi akong gawin na naman niya uli ang sapilitang pang-aangkin niya sa katawan ko.
Pagtingin ko sa paahan ng kama may mga pagkain ng nandun. Isa lang ang nakalagay na plato at baso kaya tiyak para sakin yun.
Ang isiping wala ng muli ang lalaking yun dito ay nagpapaluwag ng loob ko kahit hanggang ngayon lang. Mamaya kasi ay tiyak na babalik na naman yun.
Kumain na ko at naglibut-libot sa napakalaking kwartong pinagkakalagyan sakin.
Buti na lang di niya naisipang itali uli ako pagkatapos ng ginawa ko kahapon.
Anlaki-laki pala ng kwarto niya. Kahit sampung pamilya pwede ng tumira sa laki nito.

Napansin ko ang isang pintong nasa gilid lang katabi ng kama. Actually, may tatlong pinto ang kwartong to. Yung isa napasukan ko na kagabi. Yun yung banyo niya. At talagang nakakasuya din sa ganda dun. May shower na may bath tub pa. May mga salamin pa para makita mo ang kabuuan mo habang naliligo.

Una kong binuksan yung pintong nasa dulo ng silid. "Tsk. Sarado." maktol ko.
Lumapit naman ako dun sa isa pang pinto at marahang pinihit ito pabukas. 'Ano naman din kaya ang pintong to?' Nagulat pa ko ng malamang hindi ito nakalock. Natuwa ako. Agad ko itong tinulak pabukas at maingat na sumilip sa loob.
Namangha ako't natigilan sa nakita ko sa loob ng pintong yun.
Unang umagaw sa pansin ko ay mga libro. Maraming-maraming libro.
Tuluyan na akong pumasok.
Nilibot ko ng tingin ang paligid ng silid at bukod sa mga libro mukhang opisina din ang itsura niya. Uso ang ganito sa mga mayayaman. Yung may opisina sila sa loob ng bahay nila at dito nila dinadala ang mga trabaho nilang hindi nila natatapos gawin.
Para siyang pinagsamang library at chairman's office. Maganda. Masarap sigurong tumira sa ganito.
Naalala ko yung nakalock na isa pang pinto. 'Ano naman kaya ang nasa loob ng pintong yun?'

Lumabas na ako mula dun pero may dala akong isang libro. Isang english romance novel ang pinili ko. Isasauli ko lang agad mamaya para di makita mamaya pag-uwi ng lalaking yun. Mahirap na. Baka magalit dahil pinakialaman ko ang mga gamit niya.
Naupo ako sa gilid ng kama at nagsimulang magbasa.

MARICK'S POV

"Pasensya na talaga, Bossing. Natakasan kami. Di naman namin akalaing madulas pala ang taong yun.."

I didn't let him finished his words and planted a bullet in his head. His lifeless body fail on the floor bathing his own bloods. I point the gun to the others left.

They turns pale as they step backwards lifting thier hands in the air. "Wag po, Boss! Maawa kayo samin."

I give them a deadly glare. "Give me a reason why should I spare your life this time."

"p-po? Riyson po ba tsaka spir?" the one retorted and scratched his head. "s-sige po, Bossing. Bukas na bukas din hahanapin namin yun at ihaharap sa inyo."

"tama siya, Boss!" the other one next to him interject nodding his head like an idiot.

I fire the gun in exasperation. "Bunch of Stupid Fools!" I madly scold and fire them again.

"Uwaaah! Boss! Wag po! Matamaan po kami huhu!" they all rant in horror like scared rats.

VERONICA'S POV

Nakasimangot na pinagmasdan ko ang sarili ko. Kanena kasi sarap na sarap na ako sa pagbabasa ng maramdaman kong naiihi ako. Libro na nga lang karamay ko dito bibitinin pa ako. Dahil ayaw kong mabitin sobrang nagmadali akong umihi. Tapos bigla akong nadapa sa banyo at pagtayo ko nahawakan ko yung hawakan ng shower pabukas. Nabasa ako! Nakakainis! Heto tuloy at naligo na lang ako. Buti na lang may tuwalya na dito sa banyo. Di ko na kailangan lumabas ng basa.

Montefalco Brothers Series #1: Selfish Desire CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon