Chapter 22: Doctor

4.7K 73 0
                                    


VERONICA'S POV

"Gusto ko ng umuwi! Ayaw ko dito! Ano pa bang kailangan mo sakin? Nakuha mo na ako diba?" galit na bulyaw ko sa kanya. Nakatalikod siya sakin ngayon. Tahimik. Nagkakape. "Sa tagal mo akong kinulong sa mansyon niyo di ka pa nakuntinto! Ano pa bang kailangan mo sakin? Ano? Ano?" naks! Ang drama ko. Pero hindi talaga ako galit ngayon. Gusto ko lang magwala. Epekto siguro to ng muling pagkikita namin. Nang mapagod ako kakaputak naupo ako sa tabi niya at kinuha ang kape niya. Ako ang uminom nun.
Nang tingnan ko siya titig na titig siya sakin. Parang pinag-aaralan niya akong mabuti. Parang naweweirduhan siya sakin.

Dati kapag napapatingin ako sa emotionless niyang mga mata natatakot ako. Parang tuta na nababahag ang buntot ko. Pero kakaiba talaga ngayon. Natutuwa akong salubungin ang mga tingin niya. Parang.. parang gusto ko siyang.. Ay hindi! Hindi! Wag kang mag-isip ng ganyan, Nica!

Naalala ko si Tiyo at Willy. Napasimangot ako. Ngayong nasa puder na naman ako ng Montefalco na to. Tiyak na di ko na malalaman ang mga lihim ni Tiyo at Willy. Hindi pwede to. Kailangan kong makabalik samin.
Tiningnan ko siya na nakatitig pa din sakin at napaisip. Paano niya kaya ako mapapauwi samin?

"Hoy, ikaw! Gusto ko ng umuwi. Ibalik mo ko samin."

Tumikwas ng bahagya ang isang kilay niya.

Napaluha ako. Naiiyak ako kasi ayaw niyang magsalita. Kanena ko pa kaya siyang kinakausap. Napasinghot-singhot ako. Pagkatapos tuluyan na akong ngumawa. "Waaaah! Huhuhu! Huhu! Huhuhu!"

Wala pa din siyang imik. Ganun pa din ang ayos niya. Di gumagalaw. Nakaupo. Titig na titig sakin.

"Waaaah! Huhu! Huhuhu!" bakit? Bakit hindi niya ako inaalo? Mas naiiyak lang ako.

..

Nabored na ako kakaupo sa sofa kaya sumunod ako kay Marick sa kusina. Ang sabi niya kasi magluluto daw siya ng makakain. Alam ko na pala kong nasan kami. Nandito sa resthouse ng pamilya nila. Ewan kong saan to. Ayaw niyang sabihin e.

Sa bungad pa lang ng kusina naaamoy ko na ang mabangong luto niya. Napadila ako ng labi iniimagine na tinitikman ko na ang niluluto niya. Amoy pa lang masarap na masarap na. Nang silipin ko ang gawa niya medyo nagtaka pa ako. Hindi pamilyar sakin ang mga itsura ng pagkain. Parang pangrestau yung mga gawa niya may plating-plating pa. Di bale. Di naman ako masilan sa pagkain.

..

Nakatingin ako sa kanya ngayon. Busy siya sa telepono at may kinakausap habang ako pumapapak ng chicharon ni Mang Juan. Sarap nga e.
Nang matapos siya sa kausap niya napatingin siya sakin. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya nagmamadaling nag-iwas ako ng tingin.
Naglakad siya palapit sakin at tumigil sa harap ko.

"the doctor will arrive soon.."

"Doctor? May sakit ka?" gulat na tanong ko.

Kinunutan niya ako ng noo. "No." masungit na sagot niya.

"Eh bakit pala may pupuntang doctor dito?" pagtatanong ko pa.

"You'll know it later." sagot niya at ayan na naman, tumitig na naman siya sakin. Then bumaba ang tingin niya sa.. sa tummy ko ba o sa legs ko?

After a minute dumating nga yung doctor na sinasabi niya. Babae siya. Mataba at medyo may edad na. Ngumiti siya at lumapit sakin. "you are, Veronica?" Takang tumango ako. Ngumiti uli siya sakin. "You are very beautiful."

"hehe. Salamat." nahihiyang sabi ko.

"So, let's start?" tanong niya sakin.

"po?" takang tanong ko at napatingin kay Marick na tahimik na nasa gilid nakatingin sakin. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya bahagyang tumango siya as if saying, 'sundin mo ang Doktora'. Tiningnan ko uli ang doctor. "s-sige po." ako pala ang ipapacheck up niya sa doctor? Bakit naman? Tingin ba niya sakin may sakit? Pero wala akong sakit. Hayst!

Montefalco Brothers Series #1: Selfish Desire CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon