Chapter 17: Trusty or Not

4.7K 62 0
                                    


VERONICA'S POV

"I-I mean.. g-gusto mong makuha lang ako tapos sasaktan sa huli. Bestfriend tayo at alam ko kong gano ka kababaero."

Napatawa siya. "ano? Kailan pa ako naging babaero? Hindi ako ganun. I'm a gentleman and a one woman man." may tonong pagbibiro ang huling sinabi niya habang nakangisi siya ng nakakaloko kaya kunyari nalang natawa ako.

"sinungaling." sabi ko. "Willy," hinawakan ko yung isang kamay niya. "You think may hindi sinasabi si Tiyo sakin?"

"ang Tiyo mo? Bakit naman?"

umiling ako. "wala. Pero kasi parang may mali. Ewan ko ba. Parang may hindi siya sinasabi. Gaya kahapon. Pinaakyat niya ako at galit siya ng magpakilala ako sa mga bisita niya. Kilala mo ba ang mga yun?"

"Nica, walang tinatago ang Tiyo mo sayo. Sigurado ako dun."

Talaga? E ano pala yung tungkol sakin at sa perang hindi ko alam?

"Hindi din siya galit.."

Maaaring hindi nga pero ano kayang iniisip niya nun?

"At yung mga tao kahapon. Like I said, forget them. Wala lang ang mga yun."

Talaga lang ha?

"eh, ikaw, wala ka bang tinatago sakin?" bigla ay naitanong ko.

Umiling siya. "Walang-wala. Alam mo namang sa kakulitan mo e wala akong naitatago sayo. Tsaka ikaw pa ba naman paglilihiman ko? Kung may nailihim man ako, yun yung tungkol sa feelings ko. Ngayong nandito ka na uli. Ayaw ko ng itago pa to. Kaya sana, Nica. Sana mahalin mo din ako. Hindi bilang bestfriend lang."

Mukhang hindi ko siya mahuhuli sa paganito-ganito.

"Hi, Tiyo." after kong makipag-usap kay Willy, si Tiyo naman ang nilapitan ko kinabukasan. Nagkakape siya sa sala ng makita ko. Naupo ako sa tabi niya.

"Need something?"

Ngumiti ako. "wala naman. Namiss lang kita. Di na tayo nagkakabonding e. When I get back here palage kang busy. Wala na tayong time mag-usap na dalawa just like the old times. You know?"

"Bakit? May kailangan ba tayong pag-usapan? May kailangan kang sabihin?" mukhang worried niyang tanong.

"Wala naman. Pero kasi, gusto kong makilala yung tatlong lalaki nung isang araw. Sino sila?"

Natigilan siya saglit pero agad ding ngumiti sakin at nagsalita. "sila? Bakit naman? Mga kaibigan lang ang mga yun sa bagong negosyo. Mga kasosyo."

"Matagal niyo na po silang kilala?"

"No. Di masyadong matagal. Last year nakilala ko lang sila sa isang auction."

"ah." tumangu-tango ako. "kasi Tiyo, parang pamilyar sila sakin. Parang nakita ko na sila dati." titig na titig ako sa mukha niya ng sabihin ko yun at mukhang hindi naman siya nagulat.

"that's impossible, Nica. But like you said, pamilyar sila. Baka kasi may mga kamukha lang na kilala mo dati."

"But it's so much of a confidence na sila pa talagang tatlo ang parang pamilyar sakin pareho." pagpipilit ko pa. Kailangan kong panindigan tong pagsisinungaling ko. Hindi naman kasi talaga sila pamilyar sakin e. Malakas lang ang kutob ko tungkol sa kanela.

"Minsan talaga akala natin ganun pero mali pala tayo. Eha, sa dami ng tao sa mundo di na imposibleng madaming nagiging hawig or magkakamukha."

"It's not that, Tiyo. Talagang pamilyar sila."

"you're must be tired. Magpahinga ka na lang muna siguro."

umiling ako agad. "No. Palage na lang po akong nagpapahinga. If it's ok gusto ko pong lumabas ng bahay. Mag-unwind sandali kahit diyan lang sa malapit."

Tumango agad siya. "oo naman. Tawagin ko si Willy para may kasama ka.."

"Wag na. Gusto ko po sanang mapag-isa."

"I understand pero you're not safe alone. Mabuti ng sigurado."

Umiling ako. "I can handle. Mag-iingat naman po ako. Gusto ko lang talaga na mapag-isa."

I need a breathing space right now to have a peace of mind. Kailangan kong makapag-isip ng mabuti.
Kailangang kong mabigyang linaw lahat ng mga narinig ko. Masyado na akong naguguluhan at padami na ng padami ang katanungang nabubuo sa isip ko. Kailangan kong malaman kong anong tinatago nila bago pa man ako sumabog. Mahirap kasi ang ganito. Masyado ko silang mahal at pinagkakatiwalaan para lang makarinig ako ng mga ganung biglang sisira ng pagtitiwalang binibigay ko sa kanela. Isa pa, sila na lang ang pamilya ko. Sila na lang ang meron ako. Ayaw kong sa huli, malalaman kong niluluko lang pala nila ako. Pinaglaruan. Dapat malaman ko kong trusty ba talaga sila para sakin or hindi.

Montefalco Brothers Series #1: Selfish Desire CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon