Chapter 30: I'm Sorry

5.2K 77 0
                                    


VERONICA'S POV

Nanginginig ang mga tuhod ko habang umiiyak ako at pababa ng hagdan suot ng simpleng puting bestida. Ngayon na ang araw na pinagdadasal kong sana wag ng dumating pa. Ang araw ng kasal ko kay Willy.

"Nica." it was Willy in his formal suit habang ang lawak ng ngiti sa mga labi palapit sakin. "Finally. God! You look wonderful."

Inalalayan niya ako at pinasakay sa kotse. Kung sa panaginip na lang ang lahat ng ito. Isang masamang panaginip.

Dumating kami sa harap ng isang maliit at di kagandahang simbahan sa kabilang baryo. Ako lang, ang mga tauhan ni Tiyo, si Tiyo at si Willy pati ang pare ang nanduduon.

Inalalayan uli ako ni Willy pababa at inis na kinuha ko ang braso ko mula sa kanya habang tuloy pa din pagluha ang mga mata ko. "Please make it stop. Someone make it stop now. Ayaw kong magpakasal kay Willy at magpagamit sa kanelang mag-ama para sa mga kagustuhan nila."

Habang papasok ng simbahan biglang nakasalubong ng mga mata ko ang isang pares ng mga matang tila ay pamilyar sakin. Pero ng matitigan ko ang kabuuan ng mukha niya bumalik sakin ang masamang ala-ala. Ito yung adik na muntik na akong marape sa park noon. Nakatayo siya sa gilid ng simbahan habang titig na titig ang seryosong mga mata niya sa akin. God! What's that maniac adik doing here? Wag mong sabihing isa siya sa mga tauhan ni Tiyo?

"Sweetheart, let's get married now. Di ko na mahihintay pang mapasakin ka ng tuluyan mamayang gabi." may halong pagnanasang bulong niya sa tenga ko dahilan para mangilabot ang buong katawan ko at matulak ko siya palayo. "Damn you, Willy! Ayaw kong magpakasal sayo!"

Nguimisi siya sakin. Ngising nakakaloko. "I know. Pero may choice ka ba?"

Para akong nasampal sa sinabi niya at muling napaluha. Hinapit niya ako sa beywang at mariing dinikit sa katawan niya kaya inis na nanulak ako. Pero ano nga bang silbi ng lakas ko kumpara sa lakas niya.

"Sweetheart, stop crying dahil kanena pa ako naiinis sa mga luhang yan." malambing ang pagkakasabi niya pero nanlilisik ang mga mata niya dahilan para mapaatras ang mga luha ko sa takot. Napatango na lang ako at lihim na lumuha hanggang sa mapagod din akong umiyak at mapatulala na lang sa kawalan.

Nagmistula akong robot ng mga sumunod na nangyari hanggang sa umabot kami sa puntong magpapalitan na ng 'I do'.

It was my turn to answer the priest when suddenly, nagkagulo ang mga tauhan ni Tiyo sa labas ng simbahan then nasundan ito ng ingay ng putukan ng mga baril.

'oh my god!'

Nataranta ako sa takot at napatakbo palayo. Hinabol ako ni Willy at mariing hinawakan sa kamay pero this time nanlaban na ako. Ginamit ko sa kanya ang kaalaman ko sa karate at malakas na sinipa siya. Di niya inasahan ang ginawa ko kaya madali ko siyang napabagsak. Pagkatapos ay tumakbo ako sa kabilang side ng pinto-an ng harangin ako ng malaking katawan at turukan sa leeg. Wala na akong nagawa ng igupo ako ng antok at mawalan ng malay. Pero bago yun ay nakita ko pa kong sino ang nag-enject sakin ng pampatulog. Yung manyakis na adik. 'Diyos ko po! Ayaw ko na po'ng bumalik kina Tiyo at Willy. Tulungan at gabayan niyo po ako..' piping naidasal ko.

..

"uhm!" napaugol ako sa medyo pananakit ng ulo ko ng magkamalay ako.
Dahan-dahan akong napatayo sa kinahihigaan ko ng mapansin ko ang pamilyar na silid at amoy.

"you're awake. Are you hungry? May gusto ka bang kainin?"

Nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa taong nagsalita. 'Sheyts! Anong ginagawa ng manyakis na adik na yan dito?!'

Napabangon ako sa kama at napasiksiksik sa may headboard nito sabay hila ng kumot at takip ng buong katawan ko. "Ikaw! Wag kang lalapit sakin! Wag na wag kang lumapit!" naging mabilis ang mga mata ko at napansin ko ang maliit na vase katabi ng mushroom lamp sa side table ng kama. Agad ko itong kinuha at umaktong itatapon ito sa kanya.

"Hey! What's wrong? Are you afraid of me, Veronica?"

Nalaglag ang panga ko hearing his familiar voice.

"uh, what's wrong?" magkasalubong ang mga kilay na tanong pa niya ng mapansin ang itsura kong laglag panga.

"Marick?! Ikaw yung manyakis na adik?! Ikaw?!" di makapaniwalang naibulalas ko. Now I realized kong bakit parang ganun na lang kapamilyar sakin ang mga mata niya. Ang tindig niya.

"manyakis? err! yeah."

Napasigaw ako ng 'oh my god!' ng walang boses na lumalabas sa bibig ko. Pagkatapos ay biglang naningkit ang mga mata ko sa kanya. "Kung ganon ikaw yung muntik nang mangrape sakin sa may park walangya ka!"

Bigla siyang napatawa pero mahina lang.

Sinimangutan ko siya at napacross ng arms sabay irap. Bigla kong naalala ang Tiyo at si Willy. "Marick, ang Tiyo? Si Willy? Nasan na sila? Anong nangyari kanena?"

Sandaling nanahimik siya bago sumagot. "they're dead."

Napatulala ako sa sinabi niya. "a-ano?!"

"you heard it."

"p-pero bakit?"

"they deserved what happened to them."

"anong ibig mong sabihin? May ginawa ka ba sa kanela?"

Hindi siya sumagot at pinagmasdan ang mukha ko kaya ako kinutuban. "Anong ginawa mo sa kanela?"

"Torture. To death."

"a-ano?"

"Did you know that your Mother was raped before killed?" bigla ay pag-iiba niya ng usapan na ikinabigla ko. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin.. "Wil, he raped your mother and Alex is the one that killed her." parang biglang tumigil sa pagtibok ng puso ko at pati pag-inog ng mundo tumigil dahil sa sinabi niya.

"W-Wil.. si Willy?" he nod his head. "si Tiyo.. Alex..?" he give me that 'yes' look as his answer kaya natulala ang diwa ko. Parang nabitin sa ere ang dapat ay pagpoprocess ng isipan ko ng mga nalaman ko at parang biglang piniga ang puso ko at bumigat ang paghinga ko. Nagbagsakan ang luha sa mga mata ko at marahas na napailing-iling ako. "Hindi. Nagsisinungaling ka! Your father killed my parents! You're lying!"

"I'm sorry." may pag-uunawa ang mga matang tiningnan niya ako at napahikbi ako ng iyak.

Montefalco Brothers Series #1: Selfish Desire CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon