Chapter 24: Escaping Away

5K 72 0
                                    


VERONICA'S POV

Paggising ko kinabukasan hinanap agad ng mga paningin ko si Marick. Wala sa banyo, sa kwarto, sa sala, sa kusina. Sinubukan kong lumabas at hanapin siya sa likod, gilid, at harap ng bahay. Wala pa rin.
Mukhang wala siya dito.
Napaisip ako agad.
Pagkakataon ko na to para tumakas.
Mga gubat lang naman to. Sanay ako sa gubat. Kung makakalabas lang ako sa mga malalaking puno at makahanap ng daanan paniguradong makakaalis na ako dito. Dati hindi ako nabigyang pagkakataong makatakas sa mancion nila pero iba dito. Kayang-kaya ko ang gubat kahit gano pa kasukal at kapeligroso. Dati kasi, mahilig maghunt ang Ama ko ng mga wild animals sa gubat. Madalas niya akong isama na talaga namang gustong-gusto ko. Madami siyang naituro sakin tungkol dito. Ang Nanay ko naman, wag kayong mabibigla pero dati siyang sundalo. Mula ng maging asawa niya ang Ama ko iniwan na niya ang pagsusundalo at nagpasyang alagaan na lang kami. Simple lang ang buhay namin dati. Simpleng-simple lang pero hindi kami nakatira sa kubo kundi sa maganda at maayos na tirahan. Masaya sana kami nun. Pero simula ng makilala ng Ama ko si Don Ferdie Montefalco. Marami ng nagbago. Maraming-marami. Madalang na siyang umuwi ng bahay. Madalang na lang namin siyang makasama.
Nagmamadaling umakyat ako sa taas. Nagpalit ako ng damit na maong kasi meron nun sa closet na binigay sakin ni Marick. Pinaresan ko yun ng simpleng malambot na T-shirt na ninakaw ko sa mga damit ni Marick kasama na ang jacket. Kasunod, dumiretso ako sa kusina dala ng maliit na bag na nahanap ko. Namili ako ng mga kutsilyong dadalhin at pati na tubig at konting makakain. Nakatsinelas lang ako pero di ko na yun pinalitan.
Nagmamadaling lumabas ako ng bahay at dire-diretso ang takbong tumungo sa gubat.
Bahala na.
Kailangan ko lang ay makaalis muna dito. May kailangan pa akong alamin kina Tiyo. At sa tingin ko kailangan ko na yung alamin sa lahat ng paraang alam ko bago pa man lumubo ang tiyan ko. Hindi ako matatahimik hangga't may hindi ako nalalaman kaya para sa kapakanan ng anak ko at sa ikatatahimik ng isipan ko. Dapat ngayon pa lang kumilos na ako. Kailangan kong malaman ang lahat ng tungkol sakin na nalalaman ni Tiyo. Kailangan kong malaman ang tungkol sa pera.
Ng makapasok na ako ng tuluyan sa gubat tumigil ako sa pagtakbo at nagmasid. Pinag-aralan ko saglit ang paligid at pinag-isipan kong saan ako susuot. Nang makapagpasya, tsaka uli ako nagsimulang tumakbo ng mabilis. Maaga pa at maganda pa ang sikat ng araw. Dapat kong bilisan. Baka bumalik na si Marick at malaman niyang wala na ako sa bahay niya. Malalaman niyang umalis ako at hahanapin niya ako. Sorry, Marick, pero hindi dahil mahal kita dapat hayaan ko na lang na manatili sa tabi mo at kalimutan ang tungkol sa mga magulang ko. Maaaring itanggi ko na sa puso ko ang paghihiganti dahil sumibol ang pag-ibig ko sayo pero, ang itago at ikulong sa kwarto o sa bahay mo? Palagay ko hindi naman tama yun. Gusto ko rin ng kalayaan.

Hapo ang hiningang napatigil ako sa paglalakad Maghahapon na pero nag-aalala akong wala pa din akong makitang labasan.
Napaupo ako sa malaking nakalabas sa lupang ugat ng punong-kahoy na malapad at napahinga ng malalim.
Binuksan ko ang dala kong bag at kumuha ng tinapay dun at kinain. Wala akong orasan para malaman kong anong oras na pero base sa tantya ko mag-aalastres na ng hapon. Talagang gagabihin nga yata ako dito ngayon. Dapat akong humanap ng safe na matutulugan para mamyang gabi. Mahirap nang matsambahan ng mga wild animals dito at maging karneng panghapunan nila.

Biglang may ingay na kumaluskos mula sa likod ko. Mabilis na napalingon ako at naging alerto.
Walang tao pero naulit ang malakas na kaluskos tapos may weird na pag-ungot ng isang hayop.

Nanlaki ang mga mata ko dahil pamilyar sakin ang ganito. "Nadali na!" naibulalas ko at nagmamadaling tumayo ako at kumaripas ng takbo. Paglingon ko hinahabol na ako ng bagay na kumakaluskos kanena. Sabi ko na e. Malaking forest-pig. Isang baboy-ramo. "Diyos ko!" bumunot ako ng kutsilyo sa tagiliran ko habang patuloy sa matulin na pagtakbo. Paglingon ko ulit mas nanlaki ang mga mata ko keysa kanena. Ang lapit-lapit na ng baboy sakin.
Napaikot ako sa mga naglalakihang mga bato at tinalon ang mga yun pagkatapos ay umikot sa malapad na puno at sumigway ng takbo sa kabilang side then hindi ko napaghandaan ang malaking harang sa harap ko at nabangga ako. "Ahw!" napahiyaw ako sa sakit at natumba.

"are you okey?"

Natigilan ako at napalip bite. Hay naku naman! Bakit?! huhuhu!

Montefalco Brothers Series #1: Selfish Desire CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon