Chapter 21: Emosyon

4.8K 63 1
                                    


VERONICA'S POV

Gabing-gabi na pero ako, heto, gising na gising pa din at di makatulog. Pabiling-biling lang ako sa higaan. Di mapakali. Iniisip ko kong bakit di umuwi ngayon pareho sina Tiyo at Willy. Gano ba kasama ang tungkol sa tawag kanena at para saan ba yun? Isa kaya yun sa mga tinatago nila sakin.

Tumayo ako sa kama at nagtungo sa pinto. Di rin naman ako makatulog kaya hihintayin ko na lang muna sina Tiyo sa sala. Kailangan kong malaman yung nangyari para di na ako nag-iisip ng kong anu-ano. Ang tanong. Sagutin naman kaya nila ako?

Paglabas ko ng kwarto ko bigla namang nagdilim ang buong paligid. Napasimangot ako. Ano ba yan! Brownout talaga! Dahan-dahang naglakad ako habang nangangapa. Mamaya mauntog pa ako kung saan or kaya madulas. "Manang! Yaya!" malakas na tawag sa mga kasambahay dito. Baka sakaling marinig nila ako. "Manang! Yaya!" tawag ko uli. Kaya lang napansin ko. Sobrang tahimik yata ng buong bahay. Kahit ang mga bantay sa palibot ng bahay namin parang di ko maramdaman.
Bigla akong kinutuban ng masama pero ayaw ko munang mag-isip ng kung anu-ano. "Manang! Nasan ka? Yaya! Hello!"

"Hi." natigilan ako at nanigas ako sa kinatatayuan ko sa mainit na hanging tumama sa may batok ko. May lalaki sa likuran ko. At nasisigurado kong hindi siya isa sa mga nakatira o nagtatrabaho dito. Napasinghap ako at nanindig ang balahibo ko ng may malambot at warm na bagay na dumampi sa balikat ko. Alam kong labi ang bagay na yun. "Miss me?" anang malalim at tila namamaos na boses ng isang lalaki sa likuran ko. Agad lumukso ang puso ko pagkakilala ko ng boses at pamilyar na aura ng taong nasa likuran ko.

"I-ikaw?"

"Yeah. Me. How are you my beauty?" he lightly kiss my shoulder again.

Ayan na naman ang nakakapangilabot na pakiramdam na lumulukob sa buong katawan ko, in a good way, sa tuwing nararamdaman ko siya sa balat ko. Napalunok ako. Napapikit. Matagal ko na ding hindi naririnig ang pagtawag niya sakin ng 'my beauty'. Aaminin kong natutuwa ang puso kong marinig muli ang boses niya at ang madalas na tawag niya sakin kapag inaangkin niya ako. Dahan-dahang napalingon ako paharap sa kanya. Gusto kong maasar sa kadilimang bumabalot sa amin ngayon dahilan para hindi ko muling masilayan ang gwapo niyang mukha. Gusto ko sanang itaas ang isang palad ko para damhin man lang ang mukha niya pero bigla akong nag-alinlangan. "Bakit ka nandito, Marick Montefalco?"

"hmm. I'm taking you back. You are mine."

Napailing-iling ako sa sinabi niya. "Hindi. Hindi mo ako pwedeng kunin. Hindi ako sayo." kahit mahal ko siya at namimiss, kailangan kong alalahanin ang mga priorities na nasimulan ko dito. Hindi ko pa rin alam ang mga sikretong inililihim nila uncle at Willy sakin. Dapat kong malaman yun dahil tungkol ang mga yun sakin. Hindi ako pwedeng umalis.

"I'm not giving you any choice, my beauty." sabi na naman niya at hindi ko inaasahan ang pagtusok ng isang bagay sa leeg ko. Nangyari na to dati. Tinusok niya din ako dati ng injection na may pampatulog.

..

Dahan-dahang nagmulat ako ng mga mata. Napahawak ako sa noo ko. Medyo parang namimigat. Tiningnan ko ang buong paligid ng kwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas ako ng bangon sa kama.
Naalala ko ang nangyari kagabi.
Kakaibang kwarto ngayon ang nabungaran ko. Saan na naman kaya niya ako dinala ngayon? Hindi pamilyar sakin ang silid na kinalalagyan ko.

Lumipad-lipad ang kurtinang nasa may bintana at pumasok ang malamig na hangin. Tumayo ako at nagmamadaling lumapit sa bintana. Nakabukas kasi ito. Tiningnan ko ang nasa labas ng bintana. Mga puno. Mga puno lang ang nakikita ko. Magaganda at mayayabong na malalaking puno. Naririnig ko din ang magagandang huni ng mga ibon. Naririnig ko din ang pagaspas ng malakas na hangin at tunog ng umaagos na tubig sa batis. Tingin ko nasa probinsya pa rin ako pero nasan kaya ako? At nasaan na ba ang lalaking yun?
Narinig ko ang marahang pagclick, tunog ng bumukas na pinto, agad akong napalingon doon.
Bumukas ang pinto at mga paa ang una kong nakita. Hinintay kong tulyan siyang makapasok at di na ako nagulat sa mukhang bumungad sakin mula dun. Mukha ng gagu. Gagung gwapo. At nakatitig lang siya sakin. Mga titig na walang mababakas na emosyon.

"you're awake."

Nang marinig ko siyang magsalita, ewan pero kumulo ang dugo ko ng marinig ko ang boses niya. Bigla na lang. Basta, nagkaroon lang ako ng pakiramdam na gusto kong magalit sa kanya.
Mabilis at malalaki ang mga hakbang na lumapit ako sa kanya at.. *Pak!* yeah. Sinampal ko siya.

Hindi naman tumabingi yung mukha niya at di naman siya ngumiwi na akala mo nasaktan pero bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Tapos biglang nagsalubong ang mga kilay niya pero wala naman siyang sinabi.

Tiningnan ko ang namumulang pisngi niya at nakita kong bumakat ang palad ko dun. Namumula nga e. Napalakas ata ang ginawa ko kasi kung namumula ang pisngi niya ang kamay ko parang namanhid sa sakit.

Umiling-iling siya at kinuha ang kamay kong pinangsampal ko sa pisngi niya. Bahagya pa akong napaigtad sa gulat dahil sa malakuryenteng nanulay sa kamay ko mula sa maiinit niyang palad. "you hurt your palm." aniyang nakatingin sa palad ko.

Napasimangot ako. Bakit ganun? Para akong naiiyak. Kanena lang nagagalit ako tapos ngayon naiiyak ako. Hindi ko yata maintindihan ang sarili ko. Dahil ba to sa muling pagkikita namin? Tch! Ano namang kinalaman niya sa alon-along emosyong nararamdaman ko ngayon.

Montefalco Brothers Series #1: Selfish Desire CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon