Chapter 20: Getting Sick

4.8K 60 0
                                    


VERONICA'S POV

Wala man lang nakapansin sakin pag-uwi ko. Mukhang walang mga tao sa bahay.
Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Tulala pa din ako sa nangyari kanena. Takot. Di ko na pansin ang tulalang paglalakad ko pauwi. Para sakin nakakatakot na karanasan ang nangyari kanena. Nakakatrauma. Pinapangako kong di na ako babalik kailanman sa park na yun.

Pumunta ako sa banyo. Kinuskos at sinabon ko ng paulit-ulit ang buong katawan ko.
Pagkatapos maligo nagpatuyo ako ng buhok at nagbihis.
Pagbaba ko nandun na si Tiyo at si Willy.

"Ano ba kasing hinihintay natin? Nararamdaman kong may nahahalata na siya. Pano kong may alam na pala siya di pa natin alam." si Willy yun. Nakatalikod siya sakin at natatakpan niya si Tiyo na nakaupo sa sala. Pagkarinig ko ng sinabi niya maingat na bumalik ako paakyat sa taas kung saan hindi ako kita pero naririnig ko sila.

"Relax. Napakatensyonado mong bata. Hindi maganda yan." parang nang-aasar ang tonong mahinang sagot ni Tiyo.

"Shut up, Old Man! Di ako tensyonado."

"Then shut up and stop questioning me about my decisions. Mamaya marinig ka niya at tuluyan na nga siyang may malaman."

Ilang sandali pa wala na akong narinig kaya bumaba na ako ng hagdan.

"Nica?!" halatang gulat na tanong ni Willy ng makitang pababa ako ng hagdan.

Ngumiti ako sa kanya. "Yes?"

Natigilan siya. "w-wala! Wala naman. Bumalik ka na pala." ngumiti siya at lumapit sakin. Hinawakan niya ako sa siko na tila ay inaalalayan. "Kumusta ang lakad mo kanena? Nag-enjoy ka ba? Sorry di kita nasamahan."

Naalala ko yung nangyari kanena. "M-maayos naman. Sa may park lang naman ako nagpunta."

"Ganun? Eh di diyan ka lang pala sa malapit. Dapat kasi isinama mo ko para naipasyal kita sa malayu-layo at magagandang lugar. And I'm sure miss mo na pumasyal sa Orphan."

Oh yeah. Yung sinasabi niyang orphan ay yung madalas naming bisitahin dati ng mga magulang ko. Madalas kasing magvolunteer si Mom dun noong nabubuhay pa siya. Madalas niya din ako isama. Madalas ding kasama si Willy.

"Oo nga. Baka next time punta ako dun."

"Tell me when para masamahan kita, okey?"

Tumango ako. "sure." binalingan ko si Tiyo na nakatingin samin ni Willy. Mukhang nanunuri. "Hello, Tiyo."

"Hello." ngumiti siya. "Mukhang nagkakamabutihan na talaga kayo. Well, bagay naman kayong dalawa. Tell me. Kayo na ba?" may himig panunukso ang pagkakasabi niya.

Napilitan akong tumawa. "haha! Kayo naman, Tiyo. Kung anu-ano ang sinasabi niyo. 'Magkaibigan' po kaming dalawa." pinagkakadiinan ko talaga ang salitang 'magkaibigan'.

"Nica naman. Don't say that. Sinasaktan mo ako e." kunwari e nasasaktang sabi ni Willy.

Di na ako sumagot pa. Ngumiti na lang ako sa kanya. Ganun naman ako palage e.

Biglang nagring ang cp ni Willy. "excuse me." pagkatingin niya ng celphone niya mabilis siyang naglakad palayo. Napatingin na lang ako sa kanya at ilang saglit lang bumalik naman agad siya. Pero mukhang may hindi magandang nangyari base sa itsura ng mukha niya.

"Anong nangyari?" takang tanong ko sa kanya kaya lang di niya ako pinansin.

"may problema tayo." aniya kay Tiyo na salubong na salubong ang mga kilay.

Mukhang naintindihan naman agad siya ni Tiyo kasi mabilis itong tumayo at nagmamadali silang umalis. Naiwan naman akong nagtataka pa rin. "Bakit kaya?" Nagtungo ako sa kitchen at kumuha ng malamig na tubig. Iniisip ko pa din ang reaksyon nila kanena. Mukhang aburido kasi si Willy at mukhang nanggagalaiti. Mukha siyang papatay kanena sa itsura niya. Pero bakit nga?

Takang napasinghut-singhot ako. Ano ba yan! Ito na naman ako sa masamang naaamoy ng ilong ko. Napatingin ako sa lamesang may mga chopping board, knives, at mga gulay na hiniwa. Then meyrong mga binalatang bawang at sibuyas na nasa iisang plato. Sumama ang pakiramdam ko pagkatingin ko sa bawang at sibuyas. Naaamoy ko din sila kaya napatakip ako ng ilong ko. Ang sama ng amoy. Di ko gusto.
Napatakbo ako sa lababo ng pakiramdam ko masusuka na naman ako. Yun nga ang nangyari. Nagsuka ako ng nagsuka. Di ko mapigilan. Ang sama-sama ng pakiramdam ng sikmura ko. Parang hinahalukay ang bituka ko sa sama. Pati pakiramdam ko sumasama na rin. Bumibigat ang ulo ko at parang magkakaheadache ako na ewan. Magkakasakit yata ako. Naabutan ako ng isa sa mga nagsisilbi sa bahay at nag-aalalang dinaluhan niya ako. "I'm ok. Sige na." agad ko siyang pinalayo sakin kasi amoy sibuyas siya. Lalala ang nararamdaman kong pagsusuka dahil sa kanya e.


Montefalco Brothers Series #1: Selfish Desire CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon