Chapter 4: Unpredictable

5.9K 89 0
                                    


VERONICA'S POV

Napakurap-kurap ako ng mga mata ng magising ako. Nakatulog na pala uli ako kanena.
Tiningnan ko ang lalaking nasa tabi ko lang kanena at wala na ito. Nang tingnan ko din ang sarili ko ay maayos na akong nakadamit. Lihim akong nagpasalamat dahil dun.

"ara..y!" napaigik ako't napadaing sa sakit ng pilitin kong hilahin ang magkabila kong mga kamay na nakatali sa magkabilang gilid ng kama. Mahigpit ang pagkakatali nun at tiyak kong magmamarka ng matagal ang sugat na idudulot nun sa balat ko. Mukhang sinigurado talaga niyang hindi ako makakatakas.

Bumukas ang pinto ng malaking kwartong kinaroroonan ko kaya galit kong sinalubong ng tingin ang taong inaasahan ko ng papasok mula dun.

Nagkasalubong ang mga mata namin at bigla ay kumabog ng malakas ang puso ko. Sadyang napakaperpekto ng anyong taglay nito at kagwapuhan. Hinding-hindi mo maipagkakamaling kampon ng masasama ang budhi.

Pinukol ko siya ng masamang tingin. "nasan ako? Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko sa kanya ng makalapit siya. Hindi naman siya sumagot na siyang nagpairita sakin. Sa halip, pinagmasdan lang niya ang mukha ko. Hindi ko tuloy malaman ngayon kung ano ang naglalaro sa isipan ng lalaking to pati naiilang ako sa mga titig niya. Mas lalo akong hindi makomportable dito e. Pormal lang siya at wala akong mabakas na anumang reaksyon sa mukha niya.

Muli ay nagpumilit akong makawala sa mga taling nakagapos sa mga kamay at paa ko at muli ay nabigo ako.
Pagod na napabuga nalang ako ng hangin at nagbuntong-hininga.

"who are you?"

Napaigtad ako sa gulat ng bigla ay magsalita siya. Hindi naman sa dahil nakalimutan ko ang presensya niya kundi dahil sa tono ng pagsasalita niya. Para ako ngayong aliping nililitis ng isang hari dahil sa kanyang pagtataksil. At ang tono ng boses niya ay parang haring hindi marunong tumanggap ng maling kasagutan at handang pumaslang anumang oras na hindi mo masagot ng maayos ang mga katanungan niya.

"answer me." magkasalubong ang kilay na sabi nito ng magtagal na ay hindi pa rin ako nagsasalita.

"kung mamamatay rin lang ako ay hindi na ako magsasalita pa." tahasang sagot ko sa matapang na tono kahit pa ang totoo ay kabadung-kabado ako.

Napatitig naman sakin at bigla ay ngumisi ng nakakaloko. "where did you get the idea of killing you, beautiful? You think I could do that to you?"

Hindi ko mapigilang maasar sa ginamit na tono nito. "bakit hindi? Anak ka ng mamamatay-tao. Isa ka ring mamamatay-tao." di ko na naman mapigil ang bunganga ko.

Tumalim ang mga titig nito sa kanya pero ganun pa rin ang pormal na tindig at walang karea-reaksyong mukha nito. "sharp tongue, eh?" naupo ito sa gilid ng kama at tumunghay sa mukha niya ng pagkalapit-lapit. Napakurap-kurap siya. Parang may sumikdo sa loob ng puso niya dahil sa sobrang lapit ng mga mukha nila sa isat-isa. Pero nakaramdam siya ng pagkabahala ng magtagpo ang mga paningin nila. Ang matatalim na titig na binibigay ng mga mata nito ay unti-unti napapalitan ng kasamaan at kabagsikan. Napasinghap siya ng marahang sakalin nito ang leeg niya. At unti-unti ang marahang pagsakal nito ay nagiging mahigpit. Napadaing siya dahil nasasaktan siya sa ginagawa nito at pilit nagpumiglas.

"answer me properly or I will strangled you to death." mariing bulong niya sa tenga ko at saka pinakawalan ang leeg ko. Napaubo ako. Ngayon lang ako nasakal sa leeg at di ko inaasahang ganun pala kasama sa feeling ang masakal.

"now. Your name?" naghihintay na ulit na tanong nito. Wala na uli ang mabagsik na anyo nito.

"wala akong sasabihin kaya pakawalan mo na lang ako.." natigilan siya at napalunok ng bumalik na naman ang mabangis nitong anyo. Grabe! Nakakatakot ang itsura nito. Para itong mabangis na hayop na handang manakmal anumang-oras. Ganyan ba ang itsura ng lahat ng mga Montefalco kapag nagagalit? Nakakatakot sila. Kahit ihi mo uurong sa galit na anyo ng itsura nila. "f-fine! V-veronica a-ang p-pangalan ko." napilitan akong magsalita. Wala pa man siyang ginagawa ay sapat na ang mga tinging ipinupukol niya sayo ngayon para mapasagot ka.

"Veronica." aniyang sinambit ang pangalan ko na para bang bigla siyang naaliw. At gaya ng nauna. Mabilis na namang kumalma ang mukha niya. Balik na uli ang mukha niya siya sa blankong ekspresyon. Hanep! Kakaiba ang mood swing ng lalakeng to. Ambilis niyang magpapalit-palit ng ekspresyon. He is unpredictable. Kaya mas lalong nakakatakot.

Montefalco Brothers Series #1: Selfish Desire CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon