Chapter 16: Confession

4.8K 60 0
                                    


VERONICA'S POV

Pagkatapos ng nangyari kahapon di na ako mapakali kakaisip.
Ano kaya kong kausapin ko si Tiyo.. "No! I think that's not a good idea."

Kung babalikan ko lahat ng narinig ko kahapon, kahit anong isip ko, wala akong maintindihan. Naguguluhan ako. Kinukutuban at nag-aalala.

Nagpunta ako sa kusina para sana kumuha ng tubig ng makaamoy ako ng kakaiba.
Parang amoy ng bawang na sinasalang sa mainit na mantika.
Parang may humukay sa kailaliman ng bituka ko at naduduwal ako.

Napatakip ako ng bibig ko at nagmamadaling tumakbo sa lababo at dun nagsususuka. Pero wala naman akong maisuka.

Nanghihinang napahiga ako sa kama pagkaakyat ko. Pakiramdam ko hilong-hilo ako at pagod na pagod. Napahimas ako sa tiyan ko. Mukhang may nakain akong masama kanena.

Biglang may kumatok sa pinto. "Nica." si Willy.

"pasok." sabi ko agad.

Bumukas ang pinto at pumasok siya. May dala siyang bulaklak. "Pasensya na sa estorbo."

Ngumiti ako sa kanya. Pagkatapos may bigla akong naisip na ideya. "okey lang. May kailangan ka?"

Nakangiting lumapit siya sakin at naupo sa gilid ng kama. "para sayo." binigay niya sakin ang dala niyang bulaklak.

"salamat." kinuha ko ito at nilagay sa ibabaw ng mesa.

"Nica." mahinang tawag niya sa pangalan ko kaya napatitig ako sa mukha niya. Nagtatanong. "wag ka sanang mabibigla pero mahal kita."

Hindi ako nakareact agad. "Ah.." Ano daw mahal niya ako? Pilit na ngumiti ako. "m-mahal din kita." sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya at lumawak ang ngiti niya. "mahal mo din ako?" masayang tanong niya na ginagap ang isang kamay ko at marahang pinisil.

"oo. bestfriend tayo diba? at para na din tayong tunay na magkapatid." sabi ko.

Nabura ang tuwa sa mukha niya at halatang disappointed ang itsura niya pagkatapos.

"oh. b-bakit?" kunwari ay takang tanong ko.

"wala." mukhang wala na sa mood na sagot niya. "Nica, kasi, seryoso ako. Mahal kita. Yung pagmamahal na hindi tulad sa magbestfriend o magkapatid. Mahal kita bilang babae na gusto kong pakasalan at makasama habang-buhay."

Natigilan ako. Hindi ko to napaghandaan. Matagal na siyang nagpaparamdam sakin pero ngayon lang siya nagsalita about sa feelings niya. Seryosong napatitig ako sa mga mata niya. "bakit? Bakit ako?"

"dahil ikaw ang gusto ko." puno ng sensiridad na sagot niya.

"ano namang dahilan para magustuhan mo ako?" pilit pa din akong nagtanong. Sa bibig daw nahuhuli ang isda kaya susubukan ko sa kanya yun.

"Nica, alam mo kasi, maski ako di ko rin alam kong bakit. Basta na lang nangyari. Basta ko na lang naramdaman." sincere pa din ang mukhang sabi niya.

"ganun ba?" pilit kong tinago ang pagiging matabang sa boses ko kasi bumalik na naman sa isip ko yung kahapon. Yung mga narinig ko sa kanela. "Pano pala kong mahal mo lang ako kasi may gusto kang makuha mula sakin."

Nakita kong nabigla siya sa sinabi ko at sandaling natigilan. "h-ha? ..anong ibig mong sabihin?" hindi ko tiyak pero parang kinabahan siya.

Montefalco Brothers Series #1: Selfish Desire CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon