Chapter 18: Tadhana

4.6K 61 0
                                    


VERONICA'S POV

Nagsuot lang ako ng simpleng bulaklaking bestida at naglugay ng mahaba kong buhok then nagtsinelas. Ganun lang kasimple ang get-up ko ng umalis ako ng bahay. Dala ko din ang cute na cute na hello kitty bag ko na may lamang pera. Doon ako nagtungo sa mini park na meron kami dito.
Masarap tumambay dun at masaya. Marami kasing mga batang masayang naglalaro at nagtatawanan. Nakakagoodvibes. Dati pa man mahilig na ako sa bata. Never nga lang ako nabiyayaan ng kapatid. Pero sa tuwing nakakakita ako ng mga batang masayang tumatawa at naglalaro, nagdudulot ng saya sakin yun. Papanoorin ko lang sila okey na ako. Napapanatag ang loob ko.
Pagdating ko dun dumiretso ako sa ilalim ng punong manggang palage kong sinisilungan. Naupo ako sa bermuda grasses. Natuwa ako ng makitang maraming bata ngayon ang naglalaro at naghahabulan sa ilalim ng sikat ng araw. Sa mga benches naman may mga paminsan-minsang pares ng mga kabataang mukhang nagdedate.
Napatitig ako sa isang nagdadate na magparehang bumibili ng dirty ice cream. Mukhang ang saya nila, napakasweet. Magkaholding hands pa at ang lagkit ng titigan sa isat-isa. Mga kabataan talaga ngayon.
Napailing ako.
But atleast, sila may lovelife. Eh ako?
Malalim na napabuntonghininga ako.
Hay! Bakit ko ba naiisip ang lablayf-lablayf na yan. Yan tuloy naalala ko na naman ang lalaking yun. Well, palage naman e. Maski sa panaginip ko nakikita ko siya.
Asan kaya siya ngayon? Anong ginagawa niya? Naiisip niya kaya ako.. Aist! Ano bang iniisip ko? Syempre hindi. Baka natuwa pa yung wala na ako. Nung huling gabi kaming magkasama walang nangyari samin. Nagsawa na ata siya sakin. Siguro may bagong babae na yun ngayon.
Sa isiping yun ay nagsisikip ang kalooban ko. Nasasaktan ako.
Ang mean din talaga ng tadhana ano? Kung sino pang dapat ay kaaway mo siya pang minahal mo. Tingnan mo ako ngayon. Nganga! Kung bakit naman kasi ang hilig maglaro ng tadhana sating mga tao. Ang hilig makisawsaw tapos kapag oras ng pagdurusa at sakit sari-sarilinan na. Hanep! Pero, ang tadhana kaya nahihirapan at nasasaktan din?
Ano ba naman tong pinag-iisip ko? Malamang hindi! For sure naguguluhan lang yun. Sa dami ba naman ng tao dito sa mundo na pinapakialaman niya ang nananahimik na buhay. Dahil sa tadhana marami ang nagiging masaya, marami din ang nalulungkot. Pero ganun talaga ang buhay. Wala tayong karapatang magreklamo dahil sapat ng isinilang tayo dito sa mundo para pasalamatan sa diyos. Wag na natin siyang kwestiyunin sa gusto niya para sa atin. Sa halip, manalig tayong sa lahat ng pinagdadaanan natin, nandiyan lang siya, handang dumamay at mahalin tayo. Hindi tayo iiwan at pababayaan. Dahil sa huli, hangad din niya ang mabuti para satin. Isa siyang ama, kapatid, at mabuting kaibigan. Sa lahat ng sakit na pinagdadaanan ko noon maging ngayon, patuloy lang akong nananalig sa kanya. At di ko siya sinisi kahit minsan ng mamatay ang mga magulang ko. Ang mga Montefalco lang talaga.

Montefalco Brothers Series #1: Selfish Desire CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon