Chapter 15: Secrets kept..

4.8K 64 0
                                    


VERONICA'S POV

Tiningnan ko ang mga taong dumating.
Sila ang madalas bisita ni Tiyo dati.
Kinakausap sila ngayon ng Tiyo kasama si Willy.
Wala akong kinalaman sa pag-uusap nila pero naglakas-loob akong lumapit. Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sakin papunta sa kanela.
Lahat sila napatingin sakin.

"Nica." si Willy na mukhang nagulat sa paglapit ko.

Pilit akong ngumiti. "Hello." bati ko sa mga bisita. At titig na titig naman sila sakin na parang intense na kinikilala ako. Tatlo sila. Isang matanda at dalawang parang kaedad lang ni Tiyo. Ang isa may bigote at matipuno at ang isa payat at matangkad. Yung matanda naman ay mataba at malaki ang tiyan na mukhang papasang maging Santa Claus.

"and you are?" anang may bigote na nakatitig sakin.

"Nica, why are you here? Dapat nasa taas ka lang. Get up there." utos ni Tiyo na seryosong nakatingin sakin.

"Pasensya na." magalang na hinging paumanhin ko kay Tiyo at hinarap yung tatlong lalaki. "My name is Veronica Herrera. I am the son of Diego Herrera, my Tiyo Alex's brother." di ako alam kong anong pumasok sakin at pati pangalan ng Ama ko sinabi ko sa kanela pero ang ipinagtataka ko ay ang gulat na rumehistro sa mga mukha nila.

"You are Diego's daughter?" anang may bigote pa din pero di makapaniwala ang reaksyon niya. "I thought.." di niya tinapos ang sasabihin at nilingon ang Tiyo ko ng may pagkadisgusto sa nalaman niya at sumingkit yung mga mata niya.

"Ah.." tila awkward na ngumiti siya at tumalim ang tingin niya sakin. Pero ng makita niyang tumitig ako sa kanya ay ngumiti siya at nagsalita. "Nica, eha, umakyat ka muna sa taas. Willy, please, samahan mo muna siya."

"Po?" gusto ko pang manatili pero hinila na ako ni Willy paakyat sa taas. Wala na akong nagawa.

"Sino ang mga yun? Bakit kilala nila ang Ama ko?" tanong ko kay Willy ng nasa taas na kami.

"Wala lang sila. Wag mong intindihin." nakangiting sagot niya at binuksan ang pinto ng kwarto ko. "Magpahinga ka muna sa kwarto mo. Ipapatawag ka mamaya pagkadinner na, okey?"

Tumango na lang ako at pumasok sa kwarto ko. Halatang kasing hindi siya magsasalita. Wala akong malalaman sa kanya.
Naalala ko na naman ang mga narinig ko kanena. Malakas ang kutob ko may tinatago silang sekreto. Sa mga narinig ko pa lang, tama ng maghinala ako.

Montefalco Brothers Series #1: Selfish Desire CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon